Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Kotse

Story Rating:

Gusto ko lang i share ang aking experience sa inyo, sana mag......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

Ang Matanda sa Bintana ( zitskylove)

Story Rating:

Taong 1989 noong ako ay ipanganak, ang sabi ng nanay ko, lap......

Ghost Town Dos

Story Rating:

Hello po eto po ulit ako si Zac. Tagal naman po ulit na hind......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

Multo ng Nakaraan

Story Rating:

Hi! This is a true story na nangyari pa noong grade 6 pa lan......

Class Room

Story Rating:

Thursday or Friday yata ito nanyare,Grade 5 palang ako.Isa s......

Jueteng (2egundo)

Story Rating:

Bata pa ako nung nangyari ito. Elementary days pa yun. Batan......

Creepy Stories ( Part 10 )

Story Rating:

Portal. Yun ang nakita ko sa gitna ng mga malalagong puno nu......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 1 user(s)


I would like to share my own experience on this page, hindi naman siya ganun na nakakatakot like other stories. Lets just say na I have proof that there is “Life after death”.

Let me take you back 16 years ago (2000) at lahat ng ito ay nangyari sa province namin sa Bicol. I was 16 years old back then and I had my first boyfriend who’s just 17 years old (lalandi namin noh hahahah).

Anyway We were so young that time at nagaaral pa kami kaya isang malaking “secret” muna ang relasyon namin. I will not go into details masiyado at susubukan kong paiksiin ang kwento ko promise!

February 14, 2000 huling pag kikita namin ni Michael, magkasama kami buong mag hapon nung valentines. Medyo may tampuhan pa kami nun kasi madalas wala siyang oras sakin mula nung mag stop siya sa pag aaral, madalas kasama niya mga friends niya sa BMX, that time kasi hindi pa uso ang cellphone.

Valentines day kasama ko siya pati tita ko na bestfriend niya at tito ko naman ka team niya sa BMX pumunta kami sa school ng tita ko kasi may program doon. May napansin kami ng tita ko skniya, he was so quite that time very unusual yung katahimikan niya napaka jolly kasi niyang tao. No-dull-moment kapag siya ang kasama mo ska lahat ng joke niya bentang benta sakin, naisip ko dahil may tampuhan kami.

Kapag pala nagkakatampuhan kami ako ang unang bumabati skniya never ko siya tiniis ilang beses ko na nga sinubukan makipag break pero dahil sa panunuyo niya sakin at ayaw niya makipag hiwalay hindi natutuloy.

Dumating yung hapon nagpaalam siya bigla saamin kailangan na daw niya umuwi, tumingin lang siya saakin at hindi ko siya pinansin, pinilit ko talaga sarili ko na tiisin siya nun, pero nung papalayo na siya samin habang nakatalikod siya hindi ko alam bat parang may humihila sakin na sundan ko siya, parang gusto ko siyang yakapin at makipag bati pero nakipag matigasan ako.

So ayun nga, that was the last time I saw him.

To cut the story short, one day I tried to ask my uncle in a way na hindi mahahalata na may something samin. Nalaman ko na he left the province for manila kasi gusto niya mag work at kumita ng pera. I felt really bad, sabi ko “umuwi ka lang promise makikipag break na talaga ako sayo”, ilang beses ako gumawa ng letter for him para pag uwi niya ibibigay ko nalang pero I always end up crying every night thinking of him na sana okay lang siya at sana hindi niya ako ipag palit.

One night habang natutulog ako nagising ako na wala ng kumot nahulog siya sa baba ng kama ko, so pinulot ko at ikinumot ko ulit, tapos nung nakakaidlip na ako bigla ako naalimpungatan dahil naramdaman ko may humila sa kumot ko. Sa inis ko pinabayaan ko nalang at natulog.

Nung morning at hindi pa ako bumabangon narinig ko tita ko may kausap at binanggit niya yung name ni Michael kaya napangiti ako nasa isip ko kasi andito na siya, nakapikit pa ako nung bigla ko maramdaman hinampas ako ng gising ng tita ko sabay sabi “bhe si Michael patay na” umiiyak na tita ko habang ako nakaupo sa kama at nakatulala.

I was paralyzed at pilit ko iniintindi ung mga salitang binitawan ng tita ko. Feeling ko nung time na yun binabangugnot lang ako na hindi totoo ang mga yun na baka nanggugood time lang si Michael pinalabas niya na patay na siya para isurprise kami. Alam ni Michael na matatakutin ako kaya never niya ako tinatakot at kapag may mga patay samin never ako tumitingin sa kabaong kasi napapanaginipan ko sila.

Nung dumating ang bangkay ni Michael sa Bicol nagawa ko siyang hawakan at halikan nawala ang takot ko. He died in the bus while travelling back to Bicol. Sabi ng Ate niya bago siya umuwi ng Bicol he was admitted in the hospital gawa ng Asthma niya. While in the Hospital nakita ng Ate niya picture ko sa wallet niya sabi niya sa Ate niya “Ate kung bibigyan pa ako ni Lord mabuhay at magkaroon ng pamilya si Mhy ang gusto ko mapangasawa”.

Hearing that from his sister bigla ang dami kong regrets at iyak ako ng iyak at feeling ko nung time na yun gusto ko na din mamatay kasama niya. Mula nung burol niya araw araw may malaking brown butterfly sa uniform ko na nakadapo, sabi diba butterfly symbolize a rebirth after death and this creatures represet the souls of our departed love ones. Kaya madalas ko ito kausapin kasi nagbabakasakali ako na binabantayan niya ako at naririnig niya ako, lagi ko hinihiling na sana magpakita siya sa panaginip ko o magparamdam man lang pero wala eh but yung tita ko dinalaw siya sa panaginip kaya na he looks happy sabi pa nga niya “bestfriend wag na kayo malungkot ni mhy magkikita pa naman tayo eh promise yan, nga pla pakisabi kay mhy alam na niya yun” kaya yung tita ko nag tanong sakin kung ano daw secreto namin kaya napaamin na din ako skniya mula noon din nalaman na ng lahat na naging kami kaya bantay sarado family ko sakin baka daw kasi magpakamatay ako.

Dumating yung libing niya I said my last goodbye to him iyak lang ako ng iyak sa harapan niya hanggang sa mailibing siya. 3 days after ng libing niya pupunta ako sa bahay ng lola ko sa riles ako dumaan, doon nakasabay ko asawa ng Tita ko biro saakin habang naglalakad kami “ano ba yan bhe ang bata mo pa balo kana iniwan kana agad ni Michael” dinedma ko lang siya tapos maya maya sabi niya “bhe naamoy mo yun?” amoy kandila at bulaklak ng patay habang tumatagal palakas ng palakas yung amoy niya na parang ang lapit lapit lang sa ilong namin, pareho kaming natahimik at kinilabutan sa tagpo na yun, dinaan ko sa biro tito ko para hindi kami lalo matakot sabi ko “ayan kasi niloloko mo ako eh”.

Pareho kaming tahimik hanggang naghiwalay na kami ng daan, pauwi na sana ako galing sa bahay ng lola nang tawagin ako ng Tita ko na natatawa, at ito ang kwento niya nung umuwi daw ung asawa niya (yung nakasabay ko na biniro ako) wala daw tao sa buong bahay nila nakalock ang mga pinto pero nabigla tito ko nung pag pasok niya bukas lahat ng appliances (t.v, stereo, at electric fan) kaya natakot ang tito ko hindi daw pumasok na ng bahay at nag hintay nalang sa labas hanggang sa makauwi tita ko.

One week after ng libing niya nasa bahay tita ko tapos pupunta kami ng tindahan para magpapalit ng pera naka angkas ako sa bike at tita ko namang nagdadrive, tumigil kami sa may tindahan at dahil hapon kadalasan madaming nakatambay sa labas, walang barya yung unang tindahan na pinuntahan namin kaya nag decide ako na tumawid sa kabilang tindahan sa kabilang kalsada para doon magpapalit, I am pretty much sure na bago ako tumawid 2 beses ako tumingin left and right bago tumawid pero hindi ko alam nung nasa gitna na ako ng kalsada pag tingin ko sa right ko hindi ko alam bakit bigla may sumulpot na napaka bilis na bus san nanggaling yung bus na yun??? naramdaman ko na may bigla humila sakin to the point na naiwan ko yung isang slipper ko sa gitna ng kalsda tapos bigla ko pang binalikan, hindi ko alam pero parang nag slowmo ung pakiramdam ko sa paligid ko.

Nabalikan at naisuot ko yung slipper ko at nakatawid ng buhay sa kabila. Doon ko napagtanto ang dami ng tao, yung tita ko nakapikit nalang..ang sabi nila bago pa daw ako tumawid nag sisigawan na yung mga tao kasi nga patawid na ako noon eh may bus daw, eh sabi ko naman wala talaga ako naririnig na sigaw at wala ako nakitang bus until nga makarating ako sa gitna.

Sabi ng mga matatanda sinave daw ako ni Michael tapos yung iba naman signos daw, ewan pero pakiramdam ko nung mga oras na yun anjan lang siya hindi niya ako iniiwan hanggat hindi ako nagiging okay.

 
Lumipas ang madaming taon hanggang sa lumipat na kami ng Manila ng family ko, then nakapag abroad, may mga times na naaalala ko siya pero hindi na katulad ng dati na halos gabi gabi umiiyak ako, tapos kapag nalalasing ako puros siya ang bukang bibig ko, basta matagal bago ako nakamove on but eventually naging okay din ang lahat. Until nag asawa na ako…

Akala ko that time hindi ko na siya ganun mamimiss, pero hindi ko alam. All of a sudden bigla ko siya namiss at andoon yung desire na sana magkita kami kahit sa dream lang gusto ko siya maramdaman ulit and I just wanna make sure na okay lang talaga siya wherever he is.

Mula nung mamatay siya never siya sakin nagpakita sa panaginip kahit gustong gusto ko hindi niya talaga ako dinalaw sa dream ko. Until recently one night I prayed to God na sana pagbigyan niya ako na ipakita niya saakin na okay na si Michael at happy siya kung nasaan man siya sabi ko pa nga any sign will do.

For the first time he visits me in my dream, sa dream ko I was in a forrest looking for him, tapos bigla ko siya nakita sa gitna ng matataas na puno smiling at me and he was wearing white T-shirt at white walking short, medyo mature siya sa panaginip ko pero napakaaliwalas ng mukha niya at sobrang linaw ng mukha niya sa paningin ko parang totoo.

Even though I knew it was just a dream sinabi ko sakaniya “wag mo ako iiwan huh?” what he did next, he grabbed my hand at nag smile lang siya. naramdaman ko yung init ng hawak ng kamay niya na parang totoo, hindi siya nag sasalita basta nakasmile lang siya at hawak hawak lang niya yung kamay ko. pag kagising ko iba yung mood ko parang ang saya saya ko ang ganda ganda ng araw ko noon. Nung gabi ulit dahil sa nakita ko siya sa dream ko lalo ko namiss ko yung mukha niya, yung smile niya at yung tawa niya, wala kasi akong picture niya, nawala yung kaisa isa niyang picture nung mawala yung wallet ko nung college pa ako.

Nag wish ako nung gabing yun na sana magkaroon ako ng picture niya ulit sana may makita manlang akong picture niya. 2nd night napanaginipan ko ulit siya with the same clothes, hindi pa rin siya nag sasalita pero this time we were in a carriage at hawak hawak niya kamay ko at nakasmile, ganun pa din parang totoo kasi ramdam ko yung init ng mga kamay niya. tapos nung magising ako normally kinukuha ko yung fone ko to check the time hindi ko alam bat bigla ko chineck yung fb ko tapos unang bungad sa newsfeed ko uploaded wedding picture ng sister ni Michael kasama siya.

Biglang uminit pakiramdam ko na parang pinagpawisan ako ng malamig na di ko mawari pero isa lang ang sigurado sobrang SAYA ko. Kaya nung naligo na ako para mag prepare for work pagkuha ko ng blazer ko sa closet ko may napansin akong white feather na nakasabit, kinilabutan ako bigla nalang ako napaiyak noon and I thank God so much for those wonderful gifts, sobra sobra yung pinakita niya saakin that Michael is really now in a perfect place with God.

 
Thank you sa pag tiyagang pagbabasa ng story ko sana wala mainis sakin, kasi maniwala kayo sa hindi sinubukan ko talaga na paiksiin, kaya lang ito na talaga to eh..todo na talaga to.. hehehhehe

 



  

Story Archive