Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Totoo ba ang aswang?

Story Rating:

May asawa na ako ngaun at kasalukuyang nagdadalang tao. Naka......

Mama Double Ganger

Story Rating:

1996 nung lumipat kami sa bahay sa Silang Cavite village ito......

Balagtas-Horror Facial Clinic

Story Rating:

Clinic Assistant ako dun for 7months isa sa pinaka memorable......

WHO'S KNOCKING???

Story Rating:

It first started when I was still in my second year of colle......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


LAHAT ng mga kaklase ni Paulito ay napaawang ang mga labi habang nakatingin sa babasaging plorera. Lumulutang sa ere ang plorera na may nakalagay pang mga bulaklak. Pumasok ang kanilang titser. Pati ito ay napatulala rin. Napaatras bigla nang umikut-ikot ang plorera at parang eroplanong lumipad patungo sa pinakapilyong mag-aaral ng klaseng iyon.
Mabuti at nakailag ang batang lalaki. Basag ang plorera nang tumama sa dingding.


Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga kaklase ni Paulito. Ang iba ay nanatiling nakaupo ngunit bakas sa mga mukha ang takot. Meron namang tumayo na at nagsimulang ngumuyngoy sa takot. Ang batang muntik nang tamaan ng plorera ay patakbong yumakap sa guro. Nangangatal din ito sa takot. Ang nangyari ay hindi na lingid kina kay Alma, ina ni Paulito. Agad kasi itong sinabihan ng kanilang guro. Personal na pumunta sa bahay nila ang guro at masinsinang kinausap ang babae.

Panay ang hingi ng paumanhin ni Alma. Pero pagkaalis ng guro ay agad nitong kinuha ang malapad na sinturon ng asawa at pinadapa ang anak.
“Sinuway mo na naman ang bilin kong huwag na huwag mong ipakita ang kakaiba mong kakayahan!” gigil na gigil si Alma sa pagpipigil na lumakas ang boses.
Impit lang na pag-iyak ang ginawa ni Paulito kahit napakasakit na ng puwit niya sa kapapalo ng ina.
"Tama na Alma! Bata pa’ng anak natin! Hindi pa niya alam ang ginagawa niya!” Pinigilan ng kararating lang na si Willy ang kamay ng asawa.
AYON sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa, may telekinetic power si Paulito. Ito ang kapangyarihang magpagalaw ng anumang bagay sa pamamagitan ng isip. Natuklasan nila ang kakayahan ng panganay na anak nang awayin ito ng isang kaklase sa dating eskuwelahang pinapasukan. Pinagalaw ni Paulito sa pamamagitan ng konsentrasyon ang isang lapis at parang palaso itong humaginit patungo sa mata ng kaaway. Mabuti na lang at nakailag ang bata. Binansagang anak ng demonyo si Paulito pagkatapos ng pangyayari. Wala nang gustong tumabi sa kanya sa upuan at lalong ayaw na siyang makalaro ng mga kaklase. Napilitan silang lisanin ang lungsod at umuwi sa bayan nina Willy. Sa Daycare Center na nila in-enroll ang panganay para kokonti lang ang magiging kaklase.
“Paano ‘yan, Willy? Laganap na sa buong bayan ang ginawa ni Paulito. Kung tumingin nga sila sa akin ay kulang na lang sabihin nilang may lahi akong demonyo.” Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Alma sa asawa.
Hindi lubos na maisip ni Willy kung saan namana ng panganay nila ang ganoong kapangyarihan. Hindi naman niya ito tinuruan ng mahika. At malay ba naman niya sa mahika! Hindi normal sa isang anim na taong gulang ang magtaglay ng ganoong kakayahan.
“Ano kaya kung bumalik tayo ng lungsod at pumayag na sa nais ng doktor na magsagawa ng psychokinesis experiment kay Paulito nang matiyak natin kung may psychic power o sinaniban siya ng masamang espiritu!”
“Ayoko! Ayokong pag-eksperimentuhan nila ang anak natin!”
Iyon ang isa pang ipinagtataka ng lalaki sa asawa. Libre naman ang gagawing eksperimento at hindi naman bubuksan ang utak ni Paulito para matakot ito nang ganoon na lamang. Natigil ang kanilang pag-uusap nang marinig ang palahaw ng bunso nilang anak na si Bea. Takbo sila sa sala. Sindak ang mag-asawa nang makitang nakalutang sa ere ang tatlong taong gulang na bunso. Nakatingin lamang sa kapatid si Paulito.
“Paulito, ibaba mo si Bea!” sigaw na utos ni Alma.
Patakbong sinalo ni Willy si Bea.
Mangani-nganing suntukin ng lalaki ang panganay.
“Ano ba’ng ginawa ni Bea at nagalit ka na naman? Ha?!”
“W-wala ho, itay. Sinubukan ko lang po kung kaya ko nang palutangin ang mabibigat na bagay… tulad ni Bea.”
“M-may nag-uutos ba sa iyo na gawin iyon?” kabadong tanong ni Alma.
“Walaho, inay. Basta kung anong isipin kong gawin ay nangyayari!” matapat na sagot ng bata.
Lalong nabahala ang mag-asawa. Nagiging delikado na ang sitwasyon ng bata. Akala nila, kapag galit lang lumalabas ang kakayahang iyon ni Paulito. Pinatigil na muna nila sa pag-aaral ang panganay. Tiyak nilang pangingilagan na naman ito uli at tutuksuhing anak ng demonyo ng mga kaklase.
“Ano’ng probinsiyaba galing si Alma? Baka kasi me lahing aswang o engkanto ‘yang napangasawa mo, anak?” hayagan nang pagtatanong ng ina kay Willy.
“‘Yan din ang nasa isip ko,” dugtong naman ng ama ng lalaki.
“Inay, itay… taal na taga-Maynila ho sina Alma. Puro propesyunal din ang mga kamag-anakan. Kahit papaano, iginagalang din sila sa lugar nila.”


Kahit nasa kuwarto siya ay dinig pa rin ni Alma ang pag-uusap ng mag-anak. Hindi niya masisisi ang mga biyenan kung paghinalaan ng mga ito ang kanyang pagkatao. Ngayon lang kasi siya nakita at nakasama ng mga ito.
Sa iisang call center company lang sila nagtatrabaho ni Willy noon. Bata pa siya ay ipinagkasundo na siya sa anak ng kaibigan ng kanyang mga magulang. Unti-unti na sana niyang napag-aralang mahalin ang lalaki nang magkrus ang landas nila ni Willy. Agad silang nagkagustuhan at agad ding nagpakasal sa huwes. Wala nang magawa ang kanyang mga magulang kundi ang tanggapin ang biglaang desisyon niya. Ang dating nobyo ay hindi na nagpakita pa sa kanya. Ang huling balita niya ay nangibang-bansa ito. Marahil, hindi nito nakayanah ang pagtalikod niya sa kanilang kasunduan.
Respetado rin sa bayang iyon ang pamilya nina Willy. Ngunit pagkatapos lang ng nangyari sa Daycare Center ay pinangingilagan na rin ang pamilya nito.


“ITAY! Inay!” Tuwang-tuwang pumasok ng kabahayan si Paulito. “May bago ho akong laruan! Bigay nu’ng mama, o!”
Ipinakita ni Paulito ang hawak na laruang kakaiba ang hugis. Para itong jetplane na walang pakpak. Matulis ang unahan at ang maliliit napakpak sa hulihang bahagi ay pormang cross-guard sa hawakan ng isang espada. Sabay na napadungaw sa bintanang nakaharap sa kalsada ang mag-asawa. Kumabog ang dibdib ni Alma nang makita ang isang lalaking papasakay pa lang sa isang kotseng nakaparada sa harapan ng kanilang bahay.
“Kilala mo ba’ng lalaking ‘yon?” tanong ni Willy sa asawa nang makalayo na ang sasakyan.
“H-hindi…” paiwas niyang sagot.
Kinuha ni Alma sa anak ang de-remote control na laruan. May isang tag na nakakabit pa sa gilid nito. Binasa niya ang nakasulat doon: Advance 6th birthday, Paulito! – Darwin. Namumutlang kinuha at nilamukos ni Alma ang tag at pinagpunit-punit.
“Sa uulitin, huwagna huwag kang tatanggap ng kahit anong regalo sa di mo kilala, ha!” bulyaw niya sa mangiyak-ngiyak na si Paulito. Tuluyang napaiyak ang bata nang hindi niya ibigay rito ang laruan. Itinago niya iyon sa loob ng kanilang kabinet.
“Nagtataka ako, Willy… bakit nakalabas kanina ng bahay si Paulito eh hindi naman niya abot ang double lock sa main door natin!”
“Walang imposible sa isang may telekinetic power, Alma. Tiyak pinagana na naman niya ang isip kanina!” Tiim-bagang na sagot ng lalaki. Natutop ni Alma ang mukha. Nababahala na siya sa palakas nang palakas na kapangyarihan ng anak.
Lalo pang nadagdagan ang takot niya nang magpakita muli ang lalaking nagbigay ng laruan kay Paulito.
“Alam kong kilala mo siya, Alma…” sabi ni Willy na inoobserbahan ang lahat ng kanyang kilos.
“Oo… si Darwin. Siya ang sinasabi ko noong ipinagkasundo sa akin ng parents ko,” amin niya. Nakita ni Alma ang pagdilim ng mukha ng asawa. Pagkuwa’y tumagilid ito patalikod sa kanya.
“W-Willy, wala na akong pagtingin sa kanya! Noon pa… nang una tayong nagkita!”
Hindi siya pinansin ng asawa. Bumangon ito at binitbit ang unan. Lumabas ng kanilang si lid at sa sopa pumuwesto ng higa.
Napakagat-labi si Alma. Puno ng agam-agam ang dibdib. Niyakap niya ang bunsong natutulog sa kanyang tabi. Pinahapyawan din niya ng tingin si Paulito sa kabilang kama na natutulog na rin. Kahit anong iwas niya ay tila nakatakdang masira ang kanilang pamilya. Ibig sumabog ng ulo niya sa nakaambang problema. Nakatulugan niya ang pag-iisip. Naalimpungatan siya nang marinig ang kalabugan at pagsigaw ni Willy sa sala. Sagsag siya sa labas. Nangilabot siya nang makitang puno na ng dugo ang mukha at mga braso ng asawa sa katatama ng matulis na bahagi ng kakaibang laruan.
Ito ang laruang regalo ni Darwin kay Paulito!
“Pigilan mo si Paulito!” sigaw ni Willy sa kanya.
Saka lang niya napansin ang panganay na nakatayo sa gitna ng sala. Malalim ang konsentrasyon nitong nakatingin sa lumilipad na laruan. Tinakbo niya ang anak at yayakapin sana ngunit malakas siyang ibinalya nito. Napadaing siya sa sakit nang tumama ang tagiliran sa kanto ng sopa. Siya ring paglabas ng kuwarto ng kanyang mga biyenan. Agad niyakap ng biyenang lalaki ang apo. Ngunit daig pa ang papel na ibinalibag ito ni Paulito. Takot na dinaluhan ng matandang babae ang namimilipit sa sakit na asawa. Si Willy naman ang hinarap nang sumisingasing sa galit na si Paulito.
“Inagaw mo’ng kaisa-isang babaing minahal ko!” sumbat ng tinig kay Alma na dinuduro-duro pa ni Paulito.
Nanghilakbotang lahat dahil boses ng malaking tao ang lumalabas mula sa bibig ng bata.
“P-Paulito, anak…!” sambit ni Alma.
“Isa ka pa!” baling ng bata kay Alma. “Niloko mo ako! Pinaasa! ‘ Yun pala’y kay Willy ka pakakasal! At dahil diyan kaya hindi-hindi kita mapatatawad!”
Sindak si Alma!
Sinaniban ng kaluluwa ni Darwin si Paulito!
Pero paano mangyayari iyon?
Buhay pa’ng lalaki!
“P-Pauli… Darwin, hindi kita niloko! Sa una pa lang ay ipinagtapat kong hindi kita mahal! Ang sabi mo, handakang maghintay kung kelan kita matututuhang mahalin! Pero ‘yun nga… dumating si Willy…”
Nakakapangilabot na panaghoy ang lumabas mula kay Paulito. Iyon ang sinamantala ng mag-ama. Sabay nilang niyakap ang nananaghoy na bata. Ginapos nila nang mabuti si Paulito. Ang dalawang kamay ang agad itinali ng matandang lalaki at ang mga paa naman ang inabatan ni Willy. Parang asong ulol ang bata. Gustong kagatin ang mga gumagapos sa kanya. Nanlilisik ang mga mata at bumubula ang bibig habang nagpapapalag.
“D-Darwin, patahimikin mo na kami! Maawa ka sa anak mooo!” malakas na sigaw ni Alma.
Iyon lang at unti-unting kumalma ang bata.
Pero kasabay noon, ang pagkatigagal din ni Willy at ng mga magulang nito.
BUMALIK ng Maynila sina Alma.
Nabalitaan nila mula sa mga magulang ni Darwin na magdadalawang buwan pa lang na yumao ang dating nobyo. Isa ito sa mga nasawi nang gumuho ang gusaling pinagtatrabahuhan sa Middle East.
“Noong kami pa, nabanggit niya sa akin na nag-enroll siya sa short course tungkol sa kung paano magkaroon ng telekinetic power,” pagbabalik-tanaw ni Alma.
“Magdadalawang buwan narin mula nang unang matuklasan ang kapangyarihan ni Paulito. Ibig sabihin, noon ding araw na iyon sumanib ang hindi matahimik na kaluluwa ni Darwin.”
“H-hindi ka ba talaga nagagalit sa paglilihim ko sa ‘yo, Willy?” may pag-aalala pa ring sambit ni Alma.
“Noon ko pa alam na hindi ko anak si Paulito. Tinanggap ko ‘yon dahil mahal kita. Ang inaantay ko lang sana ay ang magtapat ka sa akin,” ani Willy.
Nangilid ang luha ni Alma. Bagamat pinatawad at tinanggap siya ng asawa sa naging paglilihim ay may bigat pa rin iyong iniwan sa kanyang dibdib.
‘”Nag-outing kami noon dahil birthday ni Darwin. Pareho kaming nalasing. Nakalimot. Pero pinagsisihan ko iyon pagkatapos. Kasal na tayo nang malaman kong nagbunga ang minsang pagkakamaling iyon. lnilihim ko na lang. Ayaw ko kasing mawala ka sa akin,” pagtatapat niya.
Buong pagmamahal na niyapos ni Willy ang asawa.
“Hindi na rin galit ang mga magulang ko sa ‘yo. Tanggap na rin nila si Paulito. Patunay ang lagi nilang pagkausap sa bata sa tuwing tatawag sila rito sa akin.”
Nabunutan ng tinik si Alma. Ganunpaman, parang hindi pa rin lubos na matahimik ang isipan niya. Iba kasi ang paniniwala niya. Na kapag mamatay na ang isang tao ay wala na itong kakayahang bumalik pa sa daigdig ng mga buhay. Kung meron mang magpaparamdam o magpapakitang kahawig ng namatay, ito ay isa nang masamang espiritu..
Napadako ang paningin ni Alma sa kanilang lawn. Masayang naglalaro sina Paulito at Bea kasama ng mga magulang niya.
Hinahabol ni Bea at ng lolo’t lola nito ang laruang jetplane na pinapalipad ni Paulito sa pamamagitan ng hawak na remote control.
Ito ang laruang regalo ng matatanda sa ikaanim na kaarawan ni Paulito kapalit ng nasirang regalo ng yumaong si Darwin.
Ang hindi alam ng lahat, nasa loob pa ng malaking kahon ng regalo ang apat na bagong battery na nakaligtaang ilagay ni Willy sa hawak na remote control ni Paulito.
Wakas


  

Story Archive