Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Nung bata pa ang panganay kong pamangking babae, binilhan sya ng laruan ng Papa nya (Kuya kong panganay) na tumutunog na pag pinindot mo ang mga letters, sasabihin nya kung anong tunog ng letter na pinindot mo. Halimbawa, pinindot mo ang letter Aa may magsasalita na "Aa for Apple" kasunod ang tunog na madalas nating nadidinig sa music box. Yung nakakakilabot na tunog? Paborito itong laruan ng pamangkin ko dahil natututunan nya yung mga letters at sound nito. Pwede din itong palitan na instead na puro letters ang maririnig mo, puro naman tunog ng animals na corresponing sa letters na pipindutin mo. Halimbawa, Gg for Goat "meeeeeeeh" ganun ang maririnig mo.


 


Wala pang isang linggo ay nasira na ito ng aking pamangkin. As usual, pag bata pag nasira na ang isang laruan, ayaw na. itatambak nalang sa isang tabi.


 


Isang gabi, naglalaba ang pangalawang kuya ko (dalawa kase ang kuya na meron ako) ng mga gagamitin nya sa trabaho nya kinabukasan. Kinuha nya ang banyera at nagsimulang lagyan ito ng tubig at magsimula na sa paglalaba. Sa lagayan ng banyera, nakapatong ang sirang laruan ng pamangkin ko. Itinabi nya ito at pinatong sa upuan para hindi mabasa. Nagsimula ng maglaba si kuya.


 


Sa loob ng bahay, ako at si ate ay nanunuod lang ng Bubble Gang. Ang bata naman ay natutulog na sa kwarto ng nakabukas lang ang pinto. Nagtatawanan lang kaming dalawa sa mga jokes ng palabas. Nung araw na yun, 4 lang kaming nasa bahay sapagkat sila Mommy at Daddy ay umuwe sa Quezon City para linisin ang bahay namin at nagdesisyunang dun matulog. Ang panganay ko naman kapatid, kasama ang kanyang asawa, ay may gig sa bar at mamayang alas 3 pa ang uwe sa bahay.


 


Tapos na ang Bubble gang at pumanhik na si ate sa kanyang kwarto para matulog. Si kuya naman naririnig ko ng nagbabanlaw ng damit nya. Lumabas ako saglit para silipin sya.


 


"Kuya madami pa ba yan? matagal ka pa ba?" tanong ko.


 


"Malapit na akong matapos. Isang banlaw nalang ito at magsasampay na ako." sagot naman nya.


 


Umupo ako sa Veranda ng bahay namin at nagcellphone. Dahil uso sa highschool ang clan, may mga katext pa ako ng gabing iyon. Tapos ng magbanlaw si kuya at naghahanger na sya ng pantalon at pangitaas nya para maisabit na sa sampayan ng may narinig kaming tumutunog na laruan. Nagtinginan kami ng kuya ko kase wala namang laruan na malapit sa inuupuan ko at nagsasampay si kuya.


 


?tinining tining tinining tining...?


 


"Ced, wag mo ng patunugin yung laruan ng bata at baka magising sya. Mahirap magpatulog ng bata." sita sakin ni kuya.


 


"Anong pinapatunog ko e wala naman sa aking ang laruan ng bata. Saka bakit ko naman papatunugin yun e diba sira na yun?" sagot ko naman.


 


Dito nanindig ang balahibo namin ni kuya ng marinig namin na nagsasalita na yung laruan ng pamangkin namin.


 


Aa for Apple


Bb for Banana


Cc for Cherry


 


?tinining tining tinining tining...?


 


Nagtataka ako kase sira na yun at alam kong nakatambak na lamang ang laruan na yun sa may lagayan ng banyera sa gilid ng bahay. Bumaba ako sa pagkakaupo at sinilip ang lagayan ng banyera. Wala namang akong nakita bukod lang talaga sa tunog ng laruan ng pamangkin ko. Tinawag ko si kuya para tignan namin kung bakit tumutunog ang laruan ng mag isa. Gamit ang flashlight ng cellphone ko, pinuntahan namin ang kinalalagyan ng laruan na ipinatong ni kuya sa upuan.


 


Nakita namin ang laruan na nakailaw at tumutunog magisa. Kinuha ni kuya ang laruan at saka ipinukpok sa upuan para tumigil. Kusa naman itong tumigil at di na nagpatuloy sa pagtunog. Nang isasauli na ni kuya sa banyerahan ang laruan, itinaob nya ito. Laking gulat namin ng makita naming wala palang battery ang laruan. Agad kaming nagtakbuhan paloob ng bahay at naglock ng pinto. Sa kwarto ako nila kuya, kasama ang pamangkin ko, natulog dahil sa takot na baka kung ano ang meron sa banyerahan. Natakot akong matulog dahil sa kwarto ko may bintana na pag binuksan mo, katapat lang ang lagayan ng mga banyera.


  

Story Archive