Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Office Overtime

Story Rating:

First time ko mag overtime sa office dahil sa request ng amo......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Ito na naman po at magbabahagi na naman po ako ng kwentong kababalaghan tungkol sa isang babae na nakakakita ng hindi nakikita ng ordinaryong tao.


Ang pangalan niya po ay Girly. Si Girly ay laki sa lugar na magulo at normal lang daw. Sa araw-araw niyang pag-uwi sa bahay nila ay may nag-aaway sa bawat kalye niyang nadadaanan dahil siguro sa paglalasing . Panggabi kasi duty ni Girly, 2pm to 11pm ang schedule ng trabaho. Isang gabi, pauwi siya galing duty at sa pagkakataong ito ay hindi lang basta suntukan ang nangyayari kundi may nagkakasaksakan na. Napahinto si Girly sa kinakakatayuan at dahan-dahang gumilid kasi baka raw siya ay madamay. At salamat sa Diyos daw ay may dumating na at umawat na mga pulis. Pero bigla siyang napatigil nang may nakita siyang nakaitim at matangkad na tao, pula ang kanyang mga mata mahaba, ang mga kuko at pula ang kulay ng mukha at kulot ang buhok na nakangisi sa mga taong nakahandusay at  tila nag-aagaw buhay na, gawa sa nasaksak sa tiyan at leeg. Biglang namutla daw siya noon at sabay hatak sa kanya ng kanyang kaibigan si Juday. "Ano ginagawa mo dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong nasaksak? Parang bago ka sa lugar natin ah?" ika ni Juday.


 
Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at habang naglalakad na nilalampasan ang insidente ay nakita niyang wala nang buhay ang nag-aagaw buhay na lalaki at nawala na rin ang lalaking nakaitim. At sa isip ni Girly ay siguro guni-guni lang yon.

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng insidente na yon ay nagkaroon ng mapayapa at tahimik sa lugar na yon gawa sa marami ng pulis ang naka toka . Pero habang pauw noon si Girly, doon mismo sa pinangyarihan ay bigla siyang nahilo at nahimatay, nagising nalamang siya ay nasa kwarto na niya siya.

"Huh?! Anong nangyari?" tanong sa sarili. "Anak gising ka na. Salamat sa Diyos at natauhan ka na." Ika ng kanyang ina na si aling Paulina.



"Ma, ano ba nangyari?", tanong ni Girly na takang-taka. "Anak sinaniban ka! Sabi ng mga kaibigan mo sila din ang nagdala pauwi sa'yo dito." Sabay tinawag ang mga kaibigan na sina Eli, Marica at Juday, sabay na kinwento na ang mga nangyari. 



"Bigla ka nalang na nagsisigaw habang naglalaway  at pinagtataholan ka ng mga aso akala ko nga nakagat ka ng aso at nagkaroon ng rabis ganon ang sitwasyon mo," ika ni eli. 
"At bigla ka nalang nagsasalita na sige, sige! sabay tawa na parang demonyo sige mag saksakan kayo."

"Yan ung mga sinabi mo habang nagpupumiglas ka natamaan mo pa nga sa panga si Aling Kimbi habang sinusubukan naming pa kalmahin ka at sa mga oras na yon ay napakalakas mo. Apat kami noon na pumipigil sayo. Hanggang sa nawalan ka na ng malay."

Habang kinukwento ng mga kaibigan ay napaiyak na lang si Girly at wala talagang maalala sa mga nangyari.

Lumipas ang ilang araw ay bumalik na din sa normal ang lahat naging maayos na din si girly at naka balik na siya sa kanyang trabaho. Pero merong pangyayari na parehas na parehas daw ang nangyari ky girly ito ay kinuwento kay aling pau ni aling andeng. kumare alam mo ba ang tsismis? alam mo bang hindi lang ang anak mo ang nakaranas ng ganyan ?

huh?! san mo naman narinig yan ? tindi mo talaga kumare kung paramihan lang ng alam na tsismis ikaw na ang nanalo haha.. biro ni aling paulina..

Hindi nga totoo ito kumare. kasi ayon sa tsismis ay sinaniban din daw at ang mga sinabe niya ay yoon ding mga pinagsasabe ng anak mo noong sinaniban siya. 
At sino nanaman iyon? tanong ng kumareng paulina.  Si marjorene  yong anak ni nando.. 

Ohh talga? si nando yong boyfriend mo dati? OO sagot ni andeng at tska past is past okay?

Ang balita ay dinala daw ito sa albularyo at ang sabi ay sinaniban ng diablo o prang itim na maligno. At ang kwento ng nasaniban ay noong sinasaniban siya ay may nakta daw siyang pangyayari na napaka pamilyar at bigla nalang daw sumakit ang ulo at nag iiyak at itinigil nalang ng albularyo ang orasyon para makapagpahinga ang dalaga.

Gusto sanang sabihin sa anak ang na e kwento ng kumare pero napag isip isp neto na mas mabuti pang huwag sabihin para di na matakot ang anak. Pero may isang araw na naranasan ulit ni girly ang mga nangyari at sa pagkakataong ito ay napanaginipan niya.  nakatingin daw siya sa salamin kitang kita niya ang kanyang sarili na biglang kumukulot ang straight niyang buhok at humahaba ang kanyang kuku at biglang pumula ang kanyang mga mata at biglang lumitaw ang dalawang lalaki na nag iinuman at binulongan ang lalaki ng mga masasamang bagay. " patayin mo yan tinitraidor ka ng kumpare mo " at bigla nalang umiba ang pangyayari nakahiga na at walang buhay ang kanyang binulungan. At na nagising sa masamang bangungot.

Ano yon? tanong sa sasarili .. bakit parehas na parehas yong lalaki na iyon sa nakita kong nasaksak at sa panginip ko?

Pinilit ni girly na kalimutan ang napaniginipan at inisip nalang na gawa siguro ng takot kaya napaniginipan ito.

Bumaba at bumili ng makakain si girly sa tindahan.  Aling andeng pabili nga po. Ay ikaw pala ika ni aling andeng. Nabalitaan ko yong tungkol sayo mabuti at maayos ka naman ngayon. oo nga po eh sagot naman ni girly. Pero alam mo ba noong sinaniban ka ganyan na ganyan din ang nangyari sa isang babae sa kabilang brgy natin. ang pangalan niya ay marjorene. kilala mo ba yon ka edad mo lang din kasi..

nang nalaman ito ni girly ay humingi siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan.  "ahh si marjorene oo kilala ko yan yong hindi masyado kagandahan pabiro na sabi ni marica.

Ang balita ko ay na albularyo daw siya at naranasan din yung naranasan mo girly.

Pwedi ba natin siyang puntahan ? at may itatanong ako kasi kagabe na paniginipan ko ang mga nangyari noong nagkaroon ng saksakan sa atin. kasi noong araw na yon ay may nakita akong demonyo o diablo maniwala man kayo o sa hindi. at bigla kinilabutan ang mag babarkada pero lakas loob na tutulungan ang kaibigan. sige girl sasamahan ka namin my itatanong lang naman tayo diba? takot na nagtatanong si eli.  Pero bago muna yan kumain muna tayo sabi ni juday..  

Habang naglalakad papunta sa kabilang barangay ay may isang ale na di namin alam kung nangangalakal ng basura o naghahanap ng tira tirang pagkain  na biglang na pa hinto at naka titig kay girly sabay sabi " iha wag ka ng tumuloy sinusundan ka niya" sino po? tanong ni girly .. at bigla itong nginusuan si girly sabay turo nasa paligid lang siya.

Natakot bigla si girly at sinuway ng mga kaibigan yong babae .. oyy don ka nga .. umuwi ka na aling donna.. sabay kwento ni juday na si donna ay matagal ng baliw sa lugar na iyon at wag nalamang pansinin..

At nang nakarating sila sa brgy na yon ay nag tanong tanong sila tungkol ky marjoren hanggang sa nagkita na yong dalawa... 

TO BE CONTINUED .......


  

Story Archive