Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

School Stories 2

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old. Gusto ko lang ishare......

OPISINA (Story 1)

Story Rating:

Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang Buildin......

Paalam, Aking Mahal na Ama

Story Rating:

Nag-start itong mangyari nung isang gabi na ako lang ang mag......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)


Ang kwentong ito ay base sa karanasan ng mga magulang ng aking kaklase noong High School. Makabuluhan at mukhang nakakatakot naman kaya nais ko itong ibahagi sa lahat.


Isipin nyo na lamang na ang nagk'kwento ay ang Ama ng aking kaibigan.


---


Mag dadalawang taon na rin ako sa aking trabaho bilang factory worker sa Cebu kaya medyo nakaipon ipon nako at nagpasyang bumili ng maliit na bahay sa Cebu at kunin na ang aking pamilya sa Maynila upang sa Cebu na manirahan ng tahimik at maaliwalas. 


Nasabi ko nga kanina na maliit na bahay muna ang balak kong bilhin, ngunit isang medyo kalakihang bahay ang pumukaw ng aking pansin sa di kalayuan malapit sa aking kompanyang pinagtatrabauhan. May kalumaan na ito at may contact number na nakapaskil sa gate ng bahay, ang nakasulat; "HOUSE FOR SALE, SA MURANG HALAGA, PLEASE CONTACT 0909-585-XXXX FOR INQUIRIES". Dali dali kong kinuha ang numero at sinave sa cell phone ko. 


Kinabukasan, naisipan kong tawagan ang number na iyon. Nakausap ko ang isang may edad na sigurong lalaki, (dahil halata naman sa boses), laking gulat ko na lamang dahil sadyang mura lang talaga ang presyo ng bahay na to, kaya naman agad ng inasikaso ang mga papeles at binili ko na nga ang lumang bahay. 


Makaraan ang isang linggo, lumipat nako sa lumang bahay kasama na ang aking pamilya. May kalumaan na talaga ang bahay, at gawa ito sa kahoy at semento. And mga disenyo ay pawang mga mula pa noong panahon ng kastila at hapon. Sa looban ako, alam kong pangit ang aura ng bahay at parang may mga elemento na namamahay dito kaya naman, pinabendisyunan namin ito ng aking asawa. 


Sa unang dalawang linggo palang namin sa bahay, ay nakakaramdam na kami ng mga kababalaghan. Merong mga kaluluwa ng bigla mo nalang maaaninag sa mga bintana, pero pag tinignan mo ay wala naman. May mga kalabog sa may sala tuwing kami ay nasa kwarto na't namamahinga. Minsan naman, nawawalan kami ng mga gamit ngunit bumabalik din pagkalipas ng ilang araw. 


Hinayaan nalang namin ito dahil kumbinsido narin ang aking asawa't dalawang anak na may mga kasama kami sa bahay. Hindi naman kami natatakot sapagkat hindi naman sila nananakit. Ngunit, makaraan ang isang buwan, heto na ang mga pangyayaring nagpagimbal sa akin at sa aking pamilya. 


Napakalakas ng ulan ng gabing iyon at nagsama sama kami ng aking pamilya sa Master's Bedroom. Hatinggabi nang magsimula akong makarinig ng mga yabag ng tao paakyat at pababa ng hagdan, at mga nagsisigawang kababaihan at kabataan sa may dakong sala ng bahay. Ang mga sigaw ay puno ng sakit at hinagpis, na pawang pinapatay ang mga ito, at sigaw na humihingi ng saklolo.


Napagising na rin ang aking asawa at mga anak dahil sa ingay na iyon, at sa lakas ng kulog at kidlat. Palakas ng palakas ang mga yabag sa hagdan paakyat na aming kwarto kaya naman kinuha ko agad ang baseball bat sa ilalim ng aming kama upang maipagtanggol ang aking sarili at aking magiina sa magbabalak na manakit saamin. 


Bumukas bigla ang pinto ng aming kwarto kahit na alam kong nai'lock ko ito bago kami matulog, kasabay naman noon ang pagbagsak ng kalahating parte ng kisame ng aming kwarto. Kasabay ng pagbsagsak ng kisame ay syang pagbagsak din ng mga kalansay at bungo ng mga tao mula sa taas ng kisame. Hindi naman masangsang ang amoy sa pagkat, tantya ko'y matagal ng panahon ang nakalipas ng ito'y mailagay sa taas ng kisame ng bahay.


Hindi na kami pinatulog pa ng pangyayaring ito, at napagpasyahan nalang naming manuluyan muna sa bahay ng aking kasamahan sa trabaho. Kinabukasan, napagpasyahan kong bumalik sa lumang bahay at magsama ng ilan sa mga tanod ng Barangay. Maging sila ay nagimbal sa mga nakita ng umagang iyon. Heto pa, maging ang mga pader ay naglalaman ng mga bungo ng tao, napagalaman namin ito ng subukang gibain ng maso ang pader ng bahay. Ibinaon sa hukay lahat ng mga ito at pinabasbasan, na naway manahimik na habang buhay. 


Sinubukan kong alamin ang kasaysayan ng lumang bahay at ako'y nagimbal sa aking nalamnn. Napagalaman kong dati itong garrison /kuta ng mga hapon, dito pinapaslang nila ang kabataan at kababaihan na kanilang ginawang parausan at alipin. Nakakalungot ngang tunay ang mga kaganapan sa ating kasaysayan at sadyang nakakagimbal ang mangilan ngilan. 


Maraming salamat sa pagbasa.


  

Story Archive