Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story


Kuya Boy?


Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Naikwento lang ito sakin ng ate ko nung college pa sya. Gaya ng naranasan ko sa Bahay ni Tita, mayroon ding naranasan ang nakatatanda kong kapatid. 4th year college si ate ng nangyari ang kababalaghan sa bahay ni tita.


Noong college pa si ate sa isang unibersidad sa Lagro QC, sa kursong BS HRM, kinailangan nilang magpuyat gabi gabi para lang matapos ang kanilang thesis. Nakituloy na din sila sa iba't ibang bahay ng kagrupo nya para gumawa ng kanilang project. Napagdesisyunan nilang sa bahay ni tita makituloy muna since wala pa namang tao o tumutuloy. Mayroon na itong mangilan ngilan na gamit gaya ng ref, aparador, plato at iba pa.


Sumapit ang gabi at sila nalang ang naroon sa loob ng bahay. 7 silang naroon sa loob ng kwarto nung gabing mangyari ang kababalaghan na di inaasahan ng ate ko. 10 ng gabi, nagsimula ng antukin ang ibang kagrupo ni ate at nagdesisyon silang matulog muna para may kapalitan naman mamaya ang mga hindi pa inaantok. Sa pagkakatanda ko, 2 nalang silang gising ng sumapit ang ika-1 ng madaling araw. Halos walang maririnig na tunog sa loob ng kwarto kundi ang tunog ng keyboard ng laptop na syang ginagamit ni ate para sa reaseach at pagta-type.


click... click.. click..


" Sol. Inaantok na ako.. Maidlip muna ako kahit saglit. Di ko na kase kaya ang antok.." Sabi ng kagrupo ni ate.


" Sige. Tapusin ko lang ito. Tapos matutulog na din ako.." sagot nya.


Ilang minuto pa ang lumipas ng mapansin ni ate na ika-3 na ng umaga. Di naman lingid sa kaalaman ng ate ko ang naikwento ko tungkol sa mga naranasan ko sa bahay. Naalala nya "Devil's hour" ang ganitong oras. Hindi nalang inisip ni ate ang posibilidad na may magparamdam o magpakita sa kanya ng ganung oras. Tuloy tuloy lang si ate sa pagta-type ng may marinig syang kumalabog sa labas ng kwarto na kanilang tinutulugan. Nagulat si ate sa narinig, pero mas nangibabaw sa kanya ang kuryosidad na tignan kung ano ang kumalabog sa labas ng kwarto. Dahan dahan lumapit si ate at binuksan ang pinto ng kwarto. Sinisilip ng maigi kung ano o sino ang nasa labas ng kwarto.


squeaaaaaak.. eeeeeeeeek.. tunog ng pinto.


Lumabas ng tuluyan si ate sa kwarto upang mas makita kung may pusa bang nakapasok sa bahay. Tanging ilaw lang sa kwarto ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. Lingon sa kaliwa pati na sa kanan. Wala namang senyales na may tao o nakapasok na pusa sa loob ng bahay. Lumakad si ate sa loob ng papuntang kusina upang silipin kung may tao ba sa likod.


" Kuya Boy?Kuya Boy ikaw ba yan?" ani ng kapatid ko. Ngunit wala namang sumasagot sa kanyang tawag.


"Kuya Boy? Wala namang takutan kuya.." Isa pang ulit ni ate.


Binuksan nya ang pinto sa may kusina. Ngunit wala namang tao. Dito hindi inasahan ni ate ang susunod nyang maririnig ng tawagin nyang muli ang pangalan ni Kuya Boy.


"Kuya Boy..."


Natigilan si ate sa oras na iyon. Di nya inakala ang kanyang maririnig sa ikatlong ulit ng kanyang pagtawag. 


"Kuya Boy..." sagot ng boses.


Hindi alam ni ate kung saan nanggaling ang boses na sumagot sa kanya. Kung kaninong boses ang narinig nya. Malaking garalgal na boses ang kanyang nadinig ng mga oras na iyon na sumagot sa kanya. Agad na napatakbo si ate sa loob ng kwarto at nagtalukbong. Naiwan nyang bukas ang pinto sa sobrang takot. Sumiksik sya sa tabi ng natutulog nyang mga kagrupo. Nakatalukbong lang si ate at di na naisipang sumilip pa sa labas, sa takot na kung ano ang makita nya sa labas ng kwarto. Hanggang sa nakatulog na lamang sya ng mga oras na iyon.


Kinaumagahan, maagang nagsipag gising sila ate dahil maaga ang kanilang pasok sa eskwelahan. Naikwento sa amin ito ni ate nung nagkataong magkakasabay kaming nagalmusal nila Mommy at Daddy.


Hanggang dito na lamang ang kwento ng aking ate. Salamat sa pagbasa.


  

Story Archive