Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

Tabi-tabi po. (2egundo)

Story Rating:

Napabayaan na ang lumang bahay na iyon at unti-unti nang sin......

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Ang kwentong ito ay nangyari noong nag aral ako ng 1st year highschool sa binangonan rizal.at tumira sa bahay ng tita ko.


 


Maraming kababalaghan na nangyayari sa bahay ng tita ko sa pagkat ang lupa na tinirikan ng bahay ayon sa mga kapit bahay ay tapunan ng mga fetus at may nirape na dalaga.


Simula nung tumira ako doon marami na akong nararamdaman, andyan yung may kumakatok ng hating gabi, may bigla ka nalang maririnig na sitsit galing sa bintana, mga kaluskos, ingay sa paligid, parang may naglalakad na naka itim at naka puti, at marami pang iba.


Isa sa mga matinding karanasan namin ay nung isang gabing natutulog kame pero alam na namin na may mga kakaibang nilalang kameng kasama sa bahay. Hating gabi na siguro nun natutulog kameng tatlo(pinsan,mama at ako) ng biglang may narinig si mama na naglalaro ng pinto ng lalagyan ng damit sa kabilang kwarto.nung una hinayaan na lamang daw ni mama,pero dahil narindi na din sya sumigaw si mama na magpatulog ka naman, nagising kame ng pinsan ko dahil sa sigaw ni mama, pagka gising namin wala na ang ingay pero maya maya pa,lalong lumakas ang ingay na nanggagaling sa kabilang kwarto,wala na kameng nagawa kundi magyakapan nalang at magdasal hanggang sa hindi na namin namalayan na nakatulog na ulit kame at kinabukasan kinikilabutan pa din kame sa tuwing naaalala namin kung anong nangyari nung gabing yon.


 


Pangalawa, gabi na din, habang naglilibang sila mama tita at ang lola ko na naglalaro sa may bandang kusina ng tong its ang mga pinsan ko naman ay naglalaro, habang ako naman abalang nanonood,naaalala ko pa ang palabas nun ay patayin sa sindak si barbara, bigla nalang akong nakarinig ng sitsit sa may bintana,nung una binalewala ko lang pero nung inulit na naman doon na ako natakot at tumakbo sa mama ko,hindi ko muna kinwento ang pangyayaring yun nung gabing yun,kinabukasan nalang habang kumakain kame, niloko pa ako ng tita ko,sabi nya siguro crush ka nun kaya ka sinitsitan.


Pangatlo, hating gabi na nung bigla akong magising dahil sa isang iyak ng batang babae na naririnig ko, ganun pala yun no kahit anong himbing ng tulog mo kung gusto nilang magparamdam sayo magigising ka nalang bigla, nung mga panahong yon hindi ko alam ang gagawin ko kung manggigising ba ako ng katabi ko o babalewalain ko nalang, wala na din akong nagawa kasi parang ni hindi ako makapagsalita at makakilos ng mga panahong yon.hindi ko na namalayan na nakatulog nalang pala ulit ako, kinabukasan ng ikinwento ko sa tita ko ang pangyayaring yon,nabanggit nya sa akin na madalas na daw nyang naririnig yung batang babaeng umiiyak na yon.


Pang apat, nung namatay ang lolo ko (father side),pagkatapos nyang mailibing sa probinsya bumalik na kame sa maynila para ipagpatuloy ang buhay. Ngayon nakasanayan na kasi namin na hanggat wala pang 40 days ang kamag anak mong namatay sa tuwing kakain kayo kailangan maglaan ka din ng pinggan para sa kanya. Pasado 9 na siguro ng gabi hindi pa kame kumakain,tapos nagbiro ako,sabi ko lagot kayo anong oras na hindi pa tayo kumakain baka gutom na si lolo(yung kamag anak naming namatay),nagtawanan lang sila tita at mama,maya maya hindi ko alam kung bakit habang naghahain na kame ng pagkain bigla akong may nakitang nakaputi papuntang kwarto,na sa pagkakaalam ko ay si mama,sinundan ko hanggang pagpasok ko ng kwarto parang bigla nalang akong nahimasmasan at natagpuan ko nalang ang sarili kong mag isa lang sa kwarto,agad agad akong lumabas sa kwarto at nakita ko si mama na galing sa cr.kinilabutan ako at hndi ko nalang sinabi sa kanila. kinabukasan nung ikwento ko sabi ni mama wag ka kasing nagbibiro.


Pang huli ay nung paalis na kame sa bahay na iyon at nag iimpake, may napadpad kasi noon sa aming munting pusa,pinakain namin hanggang sa ayaw ng umalis sa bahay kaya inalagaan nalang namin.napakakulit ng pusang iyon at mahilig maglaro ng kung anong bagay na nakikita nya lalo na pag nakalapag lang sa sahig, pati na din mga bato dinadala pa nya sa loob ng sala namin. Isang gabi nasa loob ng kwarto namin ang pusa dahil nasanay na din syang tumabi sa amin at pumatong sa tyan namin habang natutulog kame,hating gabi na ng may naririnig din kameng parang nag iimpake din sa labas,ung tunog ng scotch tape na nilalagay sa karton kapag puno na ang isang box ay ganun na ganun,tapos yung pagtatakbo at paglalaro ng pusa ginagaya din nila.


Minsan nasabi nalang ni mama, mas gusto ko pang magtyagang tumira sa probinsya na kahit tagpi tagpi ang bahay at hindi nakasara ang pinto hindi ka matatakot di tulad dito,maganda nga ang bahay mo pero may mga multo ka namang kasama.


Minsan napapaisip ako,mga kaluluwa nga bang hindi matahimik ang mga gumagawa ng bagay na nangyayaring ganun o sadyang mapanlinlang lang talaga na demonyo yun.


 


Ganunpaman, nagpapasalamat ako dahil naibahagi ko sa inyo ang ilan lang sa mga karanasan ko at alam ko bawat isa sa atin ay nakaranas na ng mga pangyayaring nakakatakot.


  

Story Archive