Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Kotse

Story Rating:

Gusto ko lang i share ang aking experience sa inyo, sana mag......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

Ang Matanda sa Bintana ( zitskylove)

Story Rating:

Taong 1989 noong ako ay ipanganak, ang sabi ng nanay ko, lap......

Ghost Town Dos

Story Rating:

Hello po eto po ulit ako si Zac. Tagal naman po ulit na hind......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

Multo ng Nakaraan

Story Rating:

Hi! This is a true story na nangyari pa noong grade 6 pa lan......

Class Room

Story Rating:

Thursday or Friday yata ito nanyare,Grade 5 palang ako.Isa s......

Jueteng (2egundo)

Story Rating:

Bata pa ako nung nangyari ito. Elementary days pa yun. Batan......

Creepy Stories ( Part 10 )

Story Rating:

Portal. Yun ang nakita ko sa gitna ng mga malalagong puno nu......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)




Nakatira ako sa isang probinsiya sa Norte. Kung ihahalintulad ko ang buhay sa Maynila sa probinsya ay tiyak na pipiliin kong mamuhay sa probinsya -- payak, sariwa ang hangin at mapayapa ang mamuhay sa probinsya. Madalas ay tumatambay ako sa labas ng bahay sa ilalim ng mga naglalakihang puno. Maraming mga punong naglalakihan ang nakatanim sa palibot ng bahay. Mga puno ng mangga, santol, bayabas, kaimito at sampalok. Sabi-sabi saamin na kapag may mga puno daw na naglalakihan ay madalas na pinamamahayan ito ng mga lamang lupa. Dahil sa bata pa ako noon; may takot akong nadarama sa tuwing makakakita ako ng naglalakihang puno. Hanggang sa naganap ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan.


Kasama ko ang ate ko ng mga oras na iyon sa aming likod bahay. Nagluluto siya habang ako nama’y naglalaro. Bigla nalang akong napatigil sa pag-lalaro ng may ma amoy akong nakakasulasok na amoy. Yung amoy na tila maisasalantulad mo sa putok sa kili kili pero mas malakas pa don. Nung una’y pinag walang bahala ko ngunit bigla din itong na-amoy ng aking ate. At bigla siyang, natakot. Sinabi nya sa akin na yung amoy na iyon ay nagbabadya na may kapre sa paligid namin. Kumaripas kaming dalawa papasok ng bahay at hindi na namin naamoy yung kapre.


Nababanggit din sa akin ng aming kapit bahay na minsa’y nakita nya na yung kapre na naninigarilyo sa sanga ng napakalaki at napakatanda nang puno ng sampalok dun lang mismo sa gilid ng kanilang bahay malapit sa kanilang palikuran. Isang gabi daw ay nais nyang gumamit ng palikuran at sa kanyang paglalakad papunta rito ay nakita nya daw ang isang nagbabagang ilaw sa isa sa mga sanga ng puno, nang kanya daw itong usisain ay nakita nya ang isang kapreng nakaupo sa sanga at nananabako. Namumula at nanlilisik daw ang kanyang mga titig. Napatakbo na lamang daw at bumalik ito sa kanilang bahay.


May mga araw ding naglalaro kami ng mga pinsan ko, at muling babalik yung amoy ng kapre sigurado namang hindi isa sa amin ang may amoy sapagkat maamoy naman namin ito agad at bigla bigla nalang nawawala yung amoy. Nag lalaro kami non sa likod ng bahay ng maamoy namin ulit alam na naming lahat kung ano ang nangyayari sabay sa isang malakas na ihip ng hangin. Nagsigawan kami at nagtatakbo palayo ng bahay. Batid naming sinusundan kami nito kaya naisipan nalang namin na pumasok sa loob ng bahay namin at magkulong sa kwarto. Sa sobrang kaba ko noo’y nalunok ko pa ang bubble gum na nginunguya ko. Hindi nawala ang amoy nag iiyakan na nga sila hanggang sa may isang karterong dumating sa bahay. Siguro’y natakot yung kapre at bigla nalang nawala ang amoy na iyon.


Maraming beses pa itong nangyari samin hanggang sa dumating ang isang napakalakas na bagyo sa amin at natumba at namatay ang malaking puno ng sampalok sa likod bahay.


Pagkatapos noon ay hindi na muli naming naramdaman or nakita yung kapre. Malamang ay naghanap na ito ng bagong bahay.


Laking pasalamat din namin at wala ng gagambala pa sa amin muli. Napag alaman kong yung kapreng yun ay nakatira na doon mula pa nong mga panahon ng aking lolo’t lola.


Pasalamat nalang namin at wala naman siyang ginawang masama sa amin maliban sa madalas nyang pagpaparamadam at pananakot.


 


  

Story Archive