Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Lola (True Story)

Story Rating:

Sabi nila, ang taong malapit nang mamatay, marami raw nakiki......

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Hi. Hello. 


 


First time ko po mag-share ng experience ko in written form pagpasensyahan niyo na.


 


Nangyari ito last May 2016 sa isang maliit at liblib na isla dito sa Visayas. Naimbitahan kami dumalo sa death anniversary ng grand-aunt ko, bali kapatid ng lolo ko. Dahil nga patapos na rin ang summer break at magkasunod lang petsa ng death anniversary at birthday ng nakakabata kong kapatid eh nagdecide kami na tumuloy.


 


Minsan lang kami mapunta doon. Kasi tatawid ka pa ng dagat at mga 2 hours din ang biyahe papunta sa isla na yun.


 


Nung nakarating na kami, deretso agad kami sa ancestral house. Meet and greet sa mga relatives na ngayon lang nakita at nakilala. Medyo may kalakihan din yung bahay at may tatlong palapag. Yung tipong pang-horror, amoy mo ang kalumaan pero maintain naman ang kalinisan. 


 


Dun na pinanganak at lumaki ang lolo ko kasama ang mga kapatid niya. Walo silang magkakapatid lahat pero tatlo na lang ang buhay. Dalawa dun ay nasa 80+ na at yung isa ay 90+ na, lahat babae. Sila rin ang nagmemaintain ng bahay. 


 


First time namin ng dalawa kong kapatid makapagovernight sa bahay. So andun yung uneasy feeling pagbago ka sa isang lugar. Sumapit na din ang gabi. Early dinner @6pm at early akyat sa taas. Pili lang kami ng kwarto namin. Sa taas kasi pito ang kwarto. Tatlo sa mga lola ko, apat bakante. So ayun pinili ko para sa amin ng kapatid kong lalaki eh yung kwarto sa bandang kanluran na may malaking bintana at kita ang dalampasigan. Yung kapatid ko namang babae eh kasama ang dalawa kong pinsan sa tapat na kwarto. Di ko maiwasan mamangha at the same time makaramdan ng may halong kaba kasi lahat talaga ng mga mwebles eh antigo at ang daming salamin.


 


To spend the night, wala naman kami masyadong ginawa kundi magbasa lang ng mga Reader's Digest na koleksyon ng lolo ko from the '50s sa loob ng kwarto. Kasi naman 8pm pa lang eh lights out na sa baba.


 


Bandang 10pm lumabas ako ng kwarto at lumipat sa salas sa taas para ipagpatuloy ang aking pagbabasa. Nang matapos ako ay nagdecide ako pumunta sa terrace na overlooking ang kalsada at sa tapat nito ay isang malaking puno ng acacia na pinamamahayan ng mga paniki. Tahimik na ang bayan at puro kulig-kulig ng mga insekto na lang ang maririnig mo. Dahil sa feeling at peace ako kumuha ako ng yosi sa bulsa ko at sinimulang sindihan ng biglang.. nakarinig ako na parang may sumususot. Hindi ko pinansin. Baka guni-guni lang. Naka dalawa, tatlo, apat at hindi ko na natiis. Natalo ako at nagsimulang magtakbuhan ang mga daga sa dibdib ko. 


 


So ayun, dali-dali akong pumasok at isinara ang pinto. Nang nakapasok na ako(facing ang salas) iba na ang pakiramdam ko. Yung feeling na parang may nakatingin na sa akin. Palingon-lingon ako, lumalakas na yung kabog sa dibdib ko dala ng kung ano man ang sumutsot sa akin sa labas at sa kung ano man ang nasa loob ng bahay, samahan mo pa ng ancestral house feels. Napatakbo na ako at mabilis akong pumasok sa kwarto. Tulog na pala kapatid ko.


 


(Di ko pa pala nasabi na pag sapit ng 12 midnight ay nawawala ang kuryente. Generator lang kasi ang nagpapatakbo ng kuryente sa isla at babalik naman pag 12 sa tanghali the next day.)


 


Di ko namalayan ang oras na maghahating gabi na pala at mawawalan na ng ilaw at electric fan. So instead humiga sa kama katabi ng kapatid ko eh kumuha ako ng folding bed at pumwesto ako sa paanan ng kama, facing sa pintuan at sa kanan ko ang bintana. Mainit kasi sa likod ang kama pag nagblack out na. Mga 15mins before 12mn nagtry na akong matulog para di maabutan ng blackout, nakatulog naman. Eto na...


 


Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko magalaw ang mga kamay at balikat ko. Nakabukas lang ng konti ang mga mata ko. Oo, nagssleep paralysis na ako. Pero hindi naman yun bago sa akin, in fact madalas ako mag sleep paralysis. Kaya pinabayaan ko lang, waiting na kusang magsubside. Until may naririnig na akong mga boses, hindi ko maintindihan. Syempre I tried to be logical kasi alam kong baka gawa lang yun ng isip ko. Alam ng utak ko na nasa vulnerable state ang katawan ko kaya nakakapagproduce siya ng mga ganon. 


 


Pero habang tumatagal palakas ng palakas ang vibration. Nang biglang may lumabas na kamay galing sa bandang ulohan ko at tumambad sa harapan ng mukha ko. Oo kamay lang. Nagulat ako. Napatitig na lang ako sa kamay na yun hanggang sa kinukubit na ako; maputing-maputi at payat na kamay pambabae. Sa takot ay pinilit kong pumikit ulit hanggang sa nawala na ang vibrations sa katawan ko. Dali dali akong lumipat balik sa tabi ng kapatid ko at nagdasal na sana wala ng sumunod pa. 3am na pala.


 


Kinabukasan, nagising ako at di mawala sa isip ko ang nangyari sa akin nung gabing yun. At kung kaninong kamay yun. Hindi muna ako nagsalita sa mga kapatid at pinsan ko, lalo na sa mga lola ko. Napagisip-isip ko tuloy, sa limang namatay na sa kanilang magkakapatid, tatlo dun ang babae. Hindi kaya kay? Ewan.


 


Only to find out later that afternoon, yung may-ari pala ng tinulugan naming kwarto ay isa dun sa mga namayapa na. Tiningnan ko din ang old pictures nila sa mini-library, siya nga, sa kanya talaga. At eto pa. Nung namatay siya ay ikrinemate pala ang katawan niya. At sabi ng isa kong Auntie na nasa bahay lang daw ang mga abo niya somewhere. Damn.


 


To be continued...


  

Story Archive