Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Lalaki sa ilalim ng lababo (Short Story)

Story Rating:

Nanunuod kami ng TV ng mga pinsan ko sa kwarto ng lolo't lol......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story


Kaluluwa


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Yes bakasyon na! Uuwi kaming dalawa ng bunso kong kapatid sa bahay ng lola ko sa Bataan. Dito kami tumutuloy tuwing bakasyon. Masaya magbakasyon sa probinsya kasi makakasama ko na naman ang mga pinsan ko at makikita ang mga kababata ko dito. At syempre magtatakaw na naman ako ng masasarap na pagkain na luto ng aking lolo at makiki agaw sa kape ng aking lola. Palage kaming inaabangan ng aking lolo at lola para magbakasyon. Dahil bihira lang din na may makasama sila sa bahay kaya pakiramdam ko masaya sila tuwing may dumarating na mga apo nya sa bahay para magbakasyon. Pinanganak at lumaki ako sa Bataan. Pero nung nag college na ako ay lumipat kami ng Manila para doon na ipagpatuloy ang aming pag aaral at para na rin makasama namin si Papa at ang dalawa kong Ate. cge bukas ulit ha? Katatapos lang namin magkwentuhan at tumambay ng aking mga pinsan. Gabi na kaya nag si uwian na kaming lahat. Maaga matulog ang mga tao sa probinsya, alas syete pa lang nagsisimula ng matulog ang mga tao dito. Kaya ganun din naman kami ng kapatid ko maagang natutulog. Nagpapaantok pa lang kami at nasa gitnang kwarto. Manipis na wall at gawa sa wood ang pagitan ng mga kwarto ng bahay. Kaya sa kabilang kwarto ay naririnig kong nagkukwentuhan ang aking lolo at lola. Nang biglang¦. BLAAAgg¦.!!!! Isang malakas na kalabog ang narinig ko sa bubongan ng bahay ng aking lola. Parang may malaking bagay ang nahulog sa taas. Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng aking puso at nawalan ng kulay ang aking mukha sa sobrang pagkakagulat. Sobrang lakas talaga ng kalabog. Tahimik at nakikiramdam lang kami ng aking kapatid. Habang iniintay ang magiging reaksyon ng aking lolo at lola. Inisip ko walang puno sa tabing bahay ng aking lola, kaya imposibleng may sanga o bunga ang nahulog mula dito. Pusa lang yun! nag hahabulan! Ang narinig kong sabi ng aking lola. Sabay bukas ng pinto sa aming kwarto at tinanlawan kami ng flashlight. Matulog na kayo siguro nakahuli ng malaking daga yung pusa Boses naman ng aking lolo na nagpapaliwanag. Sa dala ng takot at kaba pinilit kong matulog na lang. kampante naman ako at alam kong hindi kami pababayaan ng aking lolo at lola kahit sobrang takot na takot na ako. Siniko ko pa ang aking kapatid para hingin ang kanyang reaksyon. Pero sa sobrang takot at gulat nya din siguro hindi na rin ito makapagsalita. Hindi ko na namalayan na nakatulog na kaming dalawa ng aking kapatid. Kakain na Bungad ng aking lola para gisingin kami. Hindi ko narinig na pinag usapan muli ng aking lolo at lola ang tungkol sa malakas na kalabog sa taas ng bubongan ng kanilang bahay. Kaya hindi ko na rin pinilit na magtanong pa. kahit sa loob loob ko na kakaiba ang pakiramdam ko sa nagyari kagabi. Iniisip ko kung pusa nga lang yun na naghahabulan hindi ganun kalakas ang kalabog o impact na magagawa nito. Parang isang dambuhalang tao na may malaking paa ang sumipa sa bubongan ng bahay ng aking lola. Hindi ko pa din lubos maisip na pusa lang talaga iyon. Natapos na ang bakasyon. Cge po lolo lola alis na kami. Salamat po! Balik po ulit kami sa birthday nyo lola. Nakabalik na kami ng Manila at naghanda para sa muling pagbubukas ng klase. Kring! Kring! Hello? O ate. Kamusta? Napatawag ka? Ha!? Ah kelan pa namatay? Ang narinig kong usapan ng aking mama at tita sa kabilang linya. Ma, sino daw namatay sabi ni tita?  ah yung kamag anak natin sa bayan™ Kelan pa daw namatay? Nung nakabaksyon kayo sa mga lolo at lola nyo. Bigla ako natigilan, wala akong alam masyado pagdating sa mga usapin na kaluluwa pero sa pagkakaalam ko kapag may namatay kayong kamag anak madalas itoy magpaparamdam o magpapaalala sa iyo. Kaya unang naalala ko ay yung kakaibang malakas na kalabog sa bubongan ng bahay ng aking lola. Pagkatapos pa ng isang taon bago eto inamin at naikwento sa amin ng aking lola. Hindi ako basta basta naniniwala, pero kapag matatanda na ang nagkukwento lalo na kung tungkol sa mga kakaibang nilalang at multo e sobrang naniniwala ako dahil sila yung mga sinaunang tao at mas marami silang karanasan pagdating sa mga ganitong bagay. Sabi ng aking lola ay kaluluwa raw ito ng kamag anak naming namatay. Kinaumagahan pa lang daw pagkatapos ng pangyayari ay nabalitaan na nila ang pagkamatay nito. At alam din nila na ang malakas na kalabog ay pagpaparamdam ng kaluluwa nito. Mas pinili na lamang nilang huwag ipaalam sa amin ng aking kapatid para hindi kami mag isip ng kung anu ano at baka matakot lang daw kami. Eto ay isa sa mga karanasan ko na nakakatakot at sobrang nakakakilabot. Hindi ko alam o talagang nagkakataon nga lang para sa akin. Na madalas kapag may kamag anak kaming namamatay ay may mga senyales at pagpaparamdam sa akin na parang nagpapaalala na anjan sila. Nakakakilabot pero alam kong may mensahe din silang gustong ipaabot o ipaalam sa atin, na sa huling sandali nila dito sa mundo ay tayo ay naalala nila. At gusto din nilang silay ating alalahanin at ipagdasal patungo sa lugar na kanilang pupuntahan. Saka ko nalang ishare yung iba ko pang creepy experience. Hindi po ako writer kaya pagpasensyahan nyo na lang kung paano ko isinulat ang aking kwento. Salamat po. "R"


  

Story Archive