Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Totoo ba ang aswang?

Story Rating:

May asawa na ako ngaun at kasalukuyang nagdadalang tao. Naka......

Mama Double Ganger

Story Rating:

1996 nung lumipat kami sa bahay sa Silang Cavite village ito......

Balagtas-Horror Facial Clinic

Story Rating:

Clinic Assistant ako dun for 7months isa sa pinaka memorable......

WHO'S KNOCKING???

Story Rating:

It first started when I was still in my second year of colle......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story


Kalansay


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


May pagkakataon na minsan sa panaginip naiintindihan natin kung bakit nangyayari ang isang bagay na hindi natin maipaliwanag. Hindi siguro para sa lahat pero alam ko na may nakakaintindi o naranasan na ng iba. Nangyari ito mga 25 taon na nakakaraan, 7 taon gulang pa lamang ako at kakatapos pa lamang ng aking kaarawan. Sabi ng mga matatanda, kapag dumating na sa eded na 7 gulang ang bata ay umaalis na ang “Guardian Angel” nila dahil nasa hustong edad na. Ito ang gusto kong ibahagi na aking naranasan.

Kadalasan kapag ikaw ay bata, halo halong panaginip minsan ay masamang panaginip ang nararanasan marahil na din siguro sa imahinasyon ng pagiging musmos, yung mga imposible nagiging posible, yung lumilipad ka at nalulula ka pa, yung parang nahuhulog ka sa mataas na building at bigla kang magigising. Andyan pa yung napapnood mo sa tv na nakaktakot at nadadala mo sa panaginip, lalo na yung Clown na kumakain ng mga bata, halos mag lupasay ka na sa iyak sa takot pero nakakatuwa lang pag naalala ko siya ngayon.

Lagi ko katabi matulog ang lola ko, iisang kama lang kami na tinutulugan, lumaki ako na lola ang takbuhan. Lola’s boy ika nga. Isang gabi, nagising ako dahil masama ang pakiramdam ko at nilalamig, tila may “lagnat laki” ang tawag nila dahil nga 7 taon gulang na ako. Niyaya ko si lola na bumaba dahil takot ako magisa at madilim pa.
Uhaw na uha ako at tuyo ang mga labi. Pababa pa lang kami ay kung ano anong bagay na ang nakikita ko siguro dahil madilim ang kwarto, pag labas ng kwarto ay pintuan ng kwarto ng mga magulang ko ang tumbok at sa bandang kanan ang hagdan pababa.

Habang pababa ng hagdan ay mabigat na ang ulo ko,nahihilo ako at nakahawak sa kamay ng lola ko. Madilim ang paligid kaya binuksan ng lola ko ang ilaw sa kusina, sapat na liwanag para makakilos sa kusina, pero ang buong paligid ay madilim, kung ano anong hugis at tila mukha ang nakikita ko na lalong nagpabigat ng pakiramdam ko. Binigyan ako ng tubig ng lola ko at gamot para sa lagnat at nag akyat ng bimpo na may malamig na tubig para ilagay sa ulo ko pra bumaba ang init.

Sa pagkakataon nay un ay parang ayaw humakbang ng mga paa ko paakyat sa hagdanan, hawak lang ako ng lola ko at hinihila nya ako patungo sa hagdanan, para bang unti unting dumidilim yung paligid habang paakyat kami ng hagdanan, ang nakakatakot pa ay para bang may mga kalansay ako nakikita na para bang nakikipag unahan lumabas sa dilim at akmang hahabulin ako pa-akyat. Kahit mabigat yung mga paa ko, pinilit ko umakyat ng hagdanan hanggang makarting kami sa taas, pero sumulyap ako sa baba at nakita ko na tuluyan nang kinain ng dilim ang ibaba.

Hawak pa rin ako ng lola ko sa kamay at hila hila ako para pumasok na ng kwarto ng biglang bumukas yung kwarto ng mga magulang ko at sa gulat ko ay may kalansay na biglang sumilip at kumapit sa braso ko ng mahigpit at pilit akong hinihila papasok sa madilim na kwarto ng magulang ko. Hindi naalis ang tingin ko sa kalansay, Kitang kita ko ang buong katawan , kalansay na braso at bungo na para bang nakatawa pa habang hinihila ako. Pilit akong sumisigaw sa lola ko para mapansin o kaya ay para magising ang mga magulang ko pero kahit isang letra o salita ay walang lumalabas sa bibig ko, kahit anong pilit ko ay hindi ako napapnsin ni lola, para bang hindi niya alam ang nangyayari sa akin habang hawak niya ako sa braso.. Dito ko napag-isip na hindi ako binibitawan ng lola ko sa pagkaka-hawak sa akin, hinihila niya ako papasok sa kwarto at yung kalansay naman ay pilit akong hinahantak papasok sa madilim na kwarto.

Hindi ko alam ang gagawin sa takot, kasabay pa nito ay tila pang aasar ng kalansay sa akin na para bang tuwang-tuwa habang nakikita akong takot na takot. Maya maya pa ay nabitawan ako ng kalansay at nahila ako ni lola papasok ng kwarto. Inisip ko kung bakit, hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi kay lola ang nangyari, para bang wala lang ang nagnyari at hindi niya ito nakita o napansin, tumingin siya sa akin at nilagay ang bimpo at hiniga sa kama, “Sige na, matulog ka na, alas- tres pa lang, mawawala na yan mamaya.” Ang napaka-lambing na bilin niya sa akin. Iniisip ko pa din ang nangyari, marahil ay may dahilan ito, ano kaya ang ibig sabihin. Maari kaya na pinigilan ng lola ko na kunin ako ng masamang kapalaran dahil sa sakit o nagkataon lang na masama ang pakiramdam ko at ako'y nag-iilusyon lamang? Imposible talaga.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na hindi ako pababayaan ni lola kahit anong mangyari, naging kalmado ang pakiramdam ko kahit hindi pa rin ako makapag-salita, unti unti naramdaman ko na bumibigat ang mata ko hanggang napa-pikit ngunit ilang saglit lang ay bigla akong gumising sa boses ni lola, “Huy Alvin, nananaginip ka yata?” sabi niya sa akin. Na pa-upo ako sa kama at hinanap ko ang bimpo na nilagay ni lola sa ulo ko. Bigla ako napa-isip, "Teka lang, hindi pala ako tumayo at bumaba, hindi rin masama ang pakiramdam ko, hindi rin totoo ang nakita ko na kalansay at wala rin bimpo na nilagay si lola sa ulo ko." sabi ko sa sarili ko. Nagtanong ako kay lola ‘’Anong oras na, lola?..’’, ‘’Alas-tres pa lang, maaga pa, matulog ka pa.’’ pabulong na tinig ni lola habang nakahiga.

  

Story Archive