Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


Chapter 4 ng mga katatakutan sa Jollibee. Guys, dahil 6 years rin akong naging manager ng store na 'to, gusto ko lang sabihin na Beeda ang Saya pa rin sa Jollibee kahit na merong mga kaunting kababalaghan sa store namin. 


 


1. Nasa basement ako, lunch break ko kaya yumuko muna ko sa mesa para sana mag-power nap. At dahil nga may isa pa kaming maliit na Jollibee sa basement kaharap ng foodcourt, naka-duty dun si Mam Marie. Malapit na ko makatulog nang marinig ko syang sumigaw.


"Aayyyy, may kasama tayo! May taooo!!"


Inangat ko ulo ko sa pagkakayuko, nilibot ko ng tingin yung basement. Wala naman ibang tao dun maliban sa'ming dalawa at sa ibang crew na naka-duty dun. Tinignan ko si Mam Marie, hininto nya ang pag-scoop ng fries at pumikit ng madiin na para bang may ayaw syang makita. Tinanong ko sya.


"Mam? Sinong tao? May audit tayo?"


Dahan dahan syang nagmulat ng mata. Tumingin sa pintuan ng stockroom. Tapos napansin kong nagbuntong hininga sya.


"Hay salamat nawala na sya." sabi nya


"Sino Mam?"


"Yung lalaking itim. Dyan nakatayo sa may pader ng stockroom. Maligno"


Kinilabutan ako. Ang sabi ni Mam Marie, palagi nya nakikita ang elementong yun. Lalaking napakaitim. Magulo ang hanggang balikat na buhok, may mga buhok din daw ito sa dibdib at braso. Mukha daw taong grasa. Mga 7-8 feet daw siguro ang taas nito kasi malapit na sa kisame ang ulo nito pag nakatayo. Nanlilisik ang mga pulang mata nito. Minsan daw pagbukas nya ng pinto ng Garbage Room nasa loob daw ang lalaking itim at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanya. Kadalasan daw ipinipikit lang nya ang mga mata nya at tahimik na nagdadasal, at nawawala din naman daw ang maligno.


2. Opening shift non si Mam Cindy, alas 5 ng umaga ang duty nya. Bandang 4:30 am nang dumating sya sa store. Nakita nya patay ang ilaw sa office, pero andun na si Ate Joy (ang aming admin assistant) na nag-aayos ng mga files sa cabinet. Binati nya ito.


"Ate Joy, andito ka na. Ang aga mo ah!"


Hindi sumagot si Ate Joy. Ni hindi sya nilingon nito. Patuloy pa rin daw ito sa pag-aayos ng mga files. Binalewala naman yun ni Mam Cindy at dumiretso sa basement, sa crew room. Pasado alas singko ng umaga umakyat na si Mam Cindy para mag-duty. Nakita nya papasok ng office si Ate Joy at dala dala ang bag.


"Saan ka pupunta Ate Joy, alis ka na agad?" sabi ni Mam Cindy


"Anong aalis, kakarating ko lang" sabi ni Ate Joy, sabay kuha ng timecard para mag-punch in.


"Huh? Eh kanina pa ko andito, nakita kita kanina pagdating ko nag-aayos ng mga files. Sabi ko pa nga ang aga mo eh"


"Naku hindi ako yun, yung "mangga-gaya" yun!"


Dun nagkwento si Ate Joy na madalas daw may elementong nangga-gaya sa  mga taong nagtatrabaho dun sa store namin. Habang naguusap sila Ate Joy at Mam Cindy, bigla silang nakarinig ng ingay. Yabag ng mga paa. Lumingon sila sa labas ng office at laking gulat nila sa nakita!


Dalawang pares ng marurumi at nakayapak na paa! Tumatakbo sa hagdan. Wala itong kadikit na katawan! Parang putol na paang tumatakbo pababa ng hagdan papunta sa basement! Napasigaw at napatakbo nalang silang dalawa sa nakita.


3. Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa isang Jollibee store sa Mandaluyong. Kwento ng isang stockman, papasok sya ng stockroom para kumuha ng fries nang magulat sya kasi may bata sa loob. Batang lalaki, mga 7 taong gulang, naka-sandong puti, naka-shorts na itim at naka-tsinelas. Lagi daw itong may hawak na bola. Kadalasan napapansin ng mga crew sa gilid ng kanilang mga mata na palaging nakatayo ang bata, animo'y nag-aantay kung sino ang lilingon para tignan sya. At kapag may lumingon nga, saka ito tatakbo na para bang nakikipaglaro ng taguan. 


Minsan may isang customer na lumapit sa guard. Isa daw syang psychic. Sinabi nya na may batang takbo ng takbo sa dining area. Nang i-describe nya ang itsura ng bata, yun ang batang nakikita ng mga crew. Ang sabi nung psychic, ligaw na kaluluwa ang bata. Sa ibang lugar sya namatay, at napadpad lang sa store na yun ang kaluluwa nya. Mahilig daw itong maglaro at tumakbo. Kaya daw huwag kami magtaka kung marami kaming spillage, o yung mga natatapong drinks ng customer, kasi daw minsan nasasagi ng bata yung mga drinks at table ng mga customer.


4. May isang storage room sa basement ng isang Jollibee sa Mandaluyong ulit, dun din sa store na may batang multo. Hindi binubuksan ang storage room na yun dahil mga lumang upuan lang naman ang naka-imbak dun. Isang gabi, closing na. Tapos nang maglinis ang mga crew at naghihintayan nalang sa pagbibihis, nang magka-kwentuhan sila ng nakakatakot. Sumigaw yung isang crew.


"Sus, multo! Hindi totoo yun, nagpapaniwala naman kayo!" Crew 1


"Ayaw maniwala neto! Meron nga dito sa store, dami na nakakita!" Crew 2


"Maniniwala lang ako pag nakita ng dalawang mata ko." Crew 1


"Tapos iyak-tawa ka pag nakita mo!" Crew 3


"O sige, pag may kumatok dyan sa pinto ng storage room ngayon maniniwala ako." Crew 1


Pagkasabing-pagkasabi nya non biglang narinig nilang may kumatok sa pinto ng storage room!


TOK TOK TOK!


Nagka-gulatan pa sila. Nanahimik silang lahat.


"Mga sira, di nyo ko maloloko, sinong kumatok sa inyo?" Crew 1


Walang nagsasalita. Lahat kinakabahan. Lahat nakikiramdam dahil wala sa kanilang kumatok.


"Hindi kami kumatok!" Crew 2


"Naku, di nyo ko mapapaniwala!" Crew 1


Pagkasabi nya non, biglang gumalaw yung doorknob ng pinto! Mga 5 seconds yun umingay at gumalaw na parang may nagbubukas mula sa loob. Nagkasigawan at takbuhan na lang sila palabas ng store. 


5. Si Rico ang stockman na naka-duty nung gabing yun. Mag-isa syang nag-aayos ng stocks sa stockroom na nasa basement. Maya-maya may narinig syang sumisitsit. Pagkarinig non natakot na sya agad. Umakyat sya at pinuntahan ako sa office.


"Mam, samahan mo naman ako sa stockroom" sabi ni Rico


"O bakit, natatakot ka no?!" , inaasar ko pa syang konti kasi lalaki sya tapos papasama sakin.


"My sumisitsit na naman sa baba eh"


"Baka si Marlon lang yun niloloko ka!" sabi ko.


"Hindi, andito si Marlon sa taas. Saka alam ko yung sitsit na yun Mam eh. Mahaba. Nakakakilabot. Parang hindi sitsit ng tumatawag eh, parang nananakot talaga".


Ang sabi nya lumalakas daw yung sitsit na yun, yung parang malapit na sa tenga mo yung sumisitsit pero wala naman tao. Minsan daw nararamdaman pa nila yung hangin sa tenga na para bang may sumitsit talaga ng malapitan sa tenga nila.


"Sige baba ka na, sunod ako." sabi ko.


So lumabas na nga ng office si Rico. Bumaba na papunta sa stockroom. Naka-sunod naman ako sa likod nya. Nasa tuktok ako ng hagdan at pababa na, habang si Rico ay nasa ibaba na ng hagdan nang bigla itong kumaripas ng takbo pabalik, paakyat, habang sumisigaw!


"Mam, balik! Balik!!"


Umatras ako pabalik, natakot din. Kasi kitang kita ko namumutla si Rico, at para sumigaw sya sakin naisip kong hindi sya nagbibiro.


"Bakit? Anong nangyari?" atat na tanong ko.


"Grabe Mam, nakita ko sya!"


"Sino?"


"Yung sumisitsit. Nakita ko nasa pinto ng stockroom. Mam nakatingin sakin, nakakatakot!" hinihingal at nakahawak pa sa dibdib si Rico habang nagsasalita.


Sabi nya, pagbaba nya ng hagdan, nakita nya ang isang matandang babaeng nakaupo sa sahig sa harapan mismo ng pinto ng stockroom. Marumi ang punit punit nitong bestidang kulay brown. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kulay puti. Nakatingin sa kanya at ngumi-ngisi! Simula non, sa tuwing mag-aayos ng stocks si Rico sa stockroom lalo't tuwing graveyard shift, pinapayagan ko syang magdala ng cellphone at headset, para hindi na nya marinig ang sitsit ng matandang multo. 


 


  

Story Archive