Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Mga Putol na Kamay (Short Story)

Story Rating:

Nakatira kami noon sa Project 4 Quezon City sa bahay ng mga ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


Chapter 3 na to ng mga kwentong kababalaghan na na-experience ko sa Jollibee na pinagtrabahuan ko. Medyo sinipag ako magkwento eh. Kaya sana basahin nyo, dahil totoong nangyari ang mga to. Habang sinusulat at inaalala ko yung mga experience ko dun kinikilabutan pa rin ako.


 


1. Sabado, tanghali. Napakaraming customer. Hindi lang counter namin ang puno ng pila. Abot na rin sa labas yung pila sa CR namin. Nasa loob si Ate Remy, ang crew namin na malapit nang maging senior citizen. May in-assist si Ate Remy na isang matanda papunta sa gitnang cubicle (3 ang cubicle sa CR). Hindi lumalabas ng CR si Ate Remy para masiguradong malinis yung CR kahit maraming tao. At nagpatuloy pa ang paglabas pasok ng mga customer. Hanggang sa may isang babaeng nagsalita,


"Ate, 2 cubicle lang ba ang gumagana? Ang haba na ng pila eh ihing ihi na ko".


Sabi ni Ate Remy "Ay hindi po mam, gumagana po lahat yan, may matanda lang po dito sa gitna. Ayan po oh naka-lock".


Tumungo si ateng customer, sinilip yung ilalim ng cubicle sabay sabi


"Ate wala naman tao sa loob eh".


Sumilip din si Ate Remy sa ilalim dahil sure syang andun pa ang matanda sa loob. Pero wala ngang tao sa loob!. Tinulak nya yung pinto pero naka-lock talaga at di mabuksan. Tumawag ako ng crew at pinaakyat namin papasok dun sa gitnang cubicle. At mula nga sa loob binuksan nung crew yung pintong naka-lock. Hindi makapaniwala si Ate Remy, pati yung ibang customer takang taka paano nawala yung matandang pumasok dun at nagawa pang makapag-lock ng pinto!


 


2. May bago kaming hire na crew, babae. First day nya non. Pinababa ko na sya sa basement papunta sa crewroom at sinabihang mag-ayos na at magbihis. Dahil opening sya at maaga syang dumating, wala pang 5am yun, magisa palang sya sa basement. After mga 15 minutes, umakyat uli sya, sabi nya


"Mam, wala po bang multo dito?".


Sabi ko wala, at pinabalik ko na sya sa basement. Maya maya biglang tumatakbo na siya sa hagdan paakyat, namumutla, umiiyak. Tinanong ko sya kung anong nangyari kasi sya lang naman mag-isa sa baba. Sabi nya


" Mam nagaayos ako sa harap ng salamin, nagtatali ako ng buhok. Biglang namatay lahat ng ilaw tapos ang daming kamay na humahawak sakin! Tapos nung sumindi yung ilaw ako lang naman po mag-isa dun. Mam ayoko na magreresign na lang po ako!"


Pinauwi ko na sya non kasi ayaw nya tumigil sa pagiyak, tapos non hindi na rin sya pumasok ulit.


 


3. Bukod sa stockroom at crewroom ay nasa basement din namin ang isa pang maliit na Jollibee na nakaharap sa foodcourt.  Kapag closing na makikita mo ang buong foodcourt na napakadilim. Nagpupunas na si Hermie ng counter area magte-ten o'clock ng gabi, closing na. Napatingin daw sya sa foodcourt. Nakita nya may lalaking naglalakad sa malayo. Hindi nya pinansin, nagpatuloy sya sa pagpupunas. Napansin nya parang lumalakad papunta sakanya yung lalaki. Inisip nya baka guard lang na rumo-ronda. Pero naisip nya bakit wala itong dalang flashlight. At bakit diretso lang ang lakad nito, hindi tulad ng ibang guard na iniisa isa pa ang mga upuan at lamesa kasi baka may natutulog. Tinitigan nyang mabuti yung naglalakad. Maya maya kumakaripas na ng takbo paakyat ng hagdan si Hermie. Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang naka-suot ito ng brown na barong, at walang ulo! Maitim daw ang mga kamay nito na parang sunog. Nakalutang sa semento ang mga paa nito at dahan-dahang papalapit sa kanya! Habang tumatakbo sa hagdan si Hermie nagawa pa nyang lumingon pabalik. At nakita nga nya na huminto sa tapat mismo nung counter area yung multo.


 


4. Graveyard Shift, mag-isa lang si Ryan sa grill station. Kapag graveyard pinapatay namin yung ibang ilaw kaya medyo madilim sa kitchen. Biglang sumigaw si Ryan, lumabas sa kitchen at pilit na dumidikit samin  


"Mam, may bata!!". 


Ang sabi nya, habang nagra-wrap sya ng burger, biglang may sumulpot sa gilid nya na batang lalaki, naka-sando. Tumakbo daw papunta sa likuran nya tapos nawala rin. 


 


5. Pagkatapos ng Ondoy nauso yung mga brownout na walang paabiso. Isang gabi biglang nag-brownout sa Cubao. Napilitan na kaming mag-close at mag-ligpit na. Napaka-dilim sa buong store, emergency lights lang ang gumagana.


Biglang nagsalita si Francis "Mam, may tao sa baba!".


Tinignan ko lahat ng kasama kong crew, sabi ko kay Francis kumpleto kami sa taas kaya imposibleng may tao sa basement. Lumapit si Francis sa hagdan at dumungaw sa napakadilim na basement.


"Mam, may nagsasalita!" sabi ni Francis.


Pagkarinig non lahat kami nagsilapitan sa tuktok ng hagdan. Nilapit pa namin mga ulo at tenga namin sa gawi ng basement para marinig kung may nagsasalita nga. Tahimik kami lahat.


At yun nga! May boses. Parang 2 taong nag-uusap. Lalo kaming tumahimik. Unti unting lumilinaw yung boses. Boses ng lalaki! Pabulong pero malakas, parang sumisigaw nang pabulong. Malalim, parang galing sa hukay! Parang nag-uusal ng dasal, pero hindi tagalog, lenggwaheng hindi namin maintindihan!


Hanggang sa lumalakas na yung boses. Palakas nang palakas na para bang umaakyat sa hagdan yung kung anomang nagsasalita! Umaakyat yung boses papalapit samin! Nagtakbuhan kaming lahat sa takot! Yung iba kong crew nagsi-talon pa sa countertop sa sobrang takot.


Nag-stay muna kami sa dining area ng mga isang oras, nagpa-kalma muna bago kami ulit nagsimulang maglinis ng store.


  

Story Archive