Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

...

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

APARTMENT FOR RENT

Story Rating:

Madami ng cobwebs sa loob kasi raw matagal na siyang di nabu......

Basement

Story Rating:

Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (5/5)
by 3 user(s)


Huwag sana kayo ma-inip na basahin ang mahabang kwento kong ito, dahil totoong nangyari ang mga to. Andito ulit ako para mag-share ng mga strange experience ko at ng mga kasamahan ko sa Jollibee store na pinagtrabahuan ko noon.


1. Graveyard shift si Sir Saudi non, madaling araw na yun nung tawagin sya ng isang customer. Nakaupo yung customer malapit sa CR.  Nilapitan nya yung customer, ang sabi i-check daw namin yung CR, kasi may pumasok daw dun na mag-jowa. Magte-20 minutes na hindi pa rin daw lumalabas. Tinawag ni Sir Saudi si "Burdado", yung guard namin na naka-duty. Madalas kasing ginagawang "motel" ng mga call boy at customer nilang beki ang CR namin. Dun gumagawa ng ibang kababalaghan!


"Eh sir di ba sinasara natin yung CR ng lalaki't babae pag graveyard, handicapped cr lang ang bukas." sabi ng guard.


Nilapitan nila ang CR ng babae, mejo nakasara yung pinto na kadalasan ay nila-lock ng huling crew na maglilinis non. Pero nakita nila sa puwang ng pinto na bukas ang ilaw sa loob, na usually eh pinapatay kapag graveyard na. Kinatok ni kuya guard yung pinto, walang sumasagot. Narinig nila may lagaslas ng tubig sa loob. Tinulak ni kuya guard yung pinto at mabilis silang pumasok ni Sir Saudi sa loob ng CR.


Walang tao!


Bukas lahat ang gripo ng 3 lababo.


Bukas lahat ng pinto ng 3 cubicle, na kadalasan nila-lock ng crew pag graveyard na.


Sinabi ni Sir Saudi sa customer na walang tao dun, hindi makapaniwala yung babaeng customer, dahil kitang kita daw nya nung pumasok yung babae at lalaki sa loob ng CR, binantayan nga daw nya talaga kasi alam nya may gagawing milagro, kaya nga daw tinawag nya agad yung manager nung hindi pa lumabas after 20 minutes.


 


2. Graveyard ulit. Nung gabing yun kasalukuyang nagaayos ng mga delivery si Chito sa basement kung san nandun ang stockroom. Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, pinangalanan nilang "JOEY" ang multo ng namatay na crew na nakulong daw sa walk-in freezer at namatay dahil sa lamig. Dahil sa kwentong yun natatakot ang mga crew pumasok mag-isa sa stockroom, kahit ibang manager takot. Sumisipol sipol pa si Chito habang nag-aayos ng stocks nang biglang may bumagsak sa likod nya! Dinig na dinig daw nya ang kalabog ng pagbagsak ng mga kahon. Naramdaman pa daw nya ang mahinang pag-vibrate ng sahig dahil siguro sa bigat ng laman nung mga kahon na nabagsak.  Pero nang lumingon sya sa likod nya, walang kahon. Walang stocks na nahulog, walang kahong bumagsak. Nilibot nya ng tingin ang buong stockroom, malinis, walang kahit ano sa sahig.


"Sorry na, hindi na ko sisipol para di ka ma-ingayan" yun na lang daw ang nasabi ni Chito, baka daw kasi naingayan si "joey" sa pagsipol nya.


 


3. Nakita ni Marlon may crew na pumasok sa stockroom. At dahil nga kinatatakutan ang stockroom na yun, nagtago sya sa labas ng pinto at inantay na lumabas ang crew na pumasok para takutin. Ilang minuto na nakalipas, walang crew na lumalabas kaya pumasok na si Marlon sa loob para doon na gulatin at takutin yung crew na nakita nya. Pero pagpasok nya sa stockroom, walang katao-tao dun.


 


4. Matanda na si Ate Remy, crew namin sya na taga-linis ng CR (powder girl). Malapit na sya maging senior citizen, kaya naman kapag nagke-kwento sya ng katatakutan ay talagang paniwalang paniwala kami. Ang sabi nya, ang crew na namatay na pinangalanan nilang si "Joey" ay nandun pa rin pagala-gala sa store dahil nakikita daw nya ito. Tinanong namin kung paano nya nalalaman kung ang nakikita nyang crew ay si "Joey" na isang multo at hindi kung sinong crew lang namin? Ang sabi ni Ate Remy, madali nyang nalalaman kapag si "Joey" ang nakikita nya, kasi lagi nya itong nakikitang nakatalikod at suot ang pinaka-lumang uniform ng Jollibee. Sabi nya "Yung pinaka-unang uniform ng Jollibee, yun ang suot nya. At naglalakad lang sya palagi ng mabagal papunta sa stockroom"


 


5. Gabi non, mag-iinventory na sana ko. Bumaba ako sa stockroom. Mejo nainis ako kasi nakabukas ang pinto ng stockroom, rule kasi namin na dapat laging nakasara ang pinto ng stockroom para hindi basta basta nakakapasok ang mga crew maliban sa stockman. Inisip ko nalang na nasa loob si Chito, tumayo ako sa labas ng pinto, tinawag ko si Chito na syang on duty stockman. Narinig ko may sumagot sa loob ng "Yes, Ma'am!". Sumagot ako ng "Andyan ka pala sa likod eh bat iniwan mong bukas tong pinto, hindi mo makikita sino pumapasok". (Pag kasi nasa dulo ka ng stockroom hindi mo na kita ang entrance) Hindi sumagot si Chito. Narinig ko ang tunog ng mga crates o paleta na pinagpapa-tong patong. Naisip ko nagsasalansan ng mga chicken joy si Chito. Kaya lumakad na ko papasok sa loob ng stockroom. Papunta sa pinaka-likod kung saan narinig kong andun si Chito. Pero pag dating ko sa dulo ng stockroom, walang tao. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtataka at mejo takot eh biglang sumulpot si Chito na kakapasok palang ng stockroom.


"Ma'am inventory na tayo?".


Sabi ko "Asan ka?"


"Nasa taas mam tumulong muna ko dun ang daming customer eh".


"Huh? Eh may narinig ako sumagot dito kanina eh kausap ko".


"Hala ka mam, baka si "Joey" yun!!"


Kinilabutan ako. Wala akong third eye. Wala rin akong ni katiting na psychic ability kaya hindi ako matatakutin. Pero tumayo mga balahibo ko nung gabing yun.


  

Story Archive