Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)


Bakasyon, karamihan ng mga studyante ay nauwi sa probinsya nila.


Mayroong apat na magkakapatid na bumiyahe papuntang Lucban,Quezon kasama ang asawa at anak ng panganay sa magkakapatid sila ay taga Laguna. Ang tito nila ang nagsilbing driver sa malayong biyahe dahil ang daan sa Quezon ay paliko liko kaya't sa hilo nakatulog sila.


Pagdating sa bahay na matutuluyan,napaka aliwalas malawak ang bahay at maniwala kayo't sa hindi 1,500 isang buwan ang renta up and down tatlong kwarto sa taas napakalawak sa baba. Kasama na ang kuryente at tubig madalas kasi na ang kuryente doon ay 20 pesos lang dahil napakaraming mga talon doon.


Sobrang saya nila halos hindi makatulog sa plano dahil ang mga resort ay kabi kabila samantalang 10 pesos lamang ang entrance doon at ang cottage naman ay libre na.


Unang gabi nila ay napakahangin,magkakatabi silang natulog sa taas dahil napakalawak ng kwarto doon at napakalaki ng bintana at lahat ng hangin napasok.


boooooogggg!! "Bhe, bhe gising. ano yung lumagabog sa baba?baka may nakapasok na pusa?"
"ha?" inaantok ngunit napabalikwas na sabi ni dedek ang asawa ng panganay na si Annie.


bumaba ang mag asawa at binuksan ang ilaw, nakita nilang nakakalat ang mga kaldero pero lock ang tatlong kandado ng pinto at gate.


"Naku maglinis tayo bukas at baka may alaga tayo(Daga bawal kasi tawagin ng masama kasi ngangat ngatin daw ang mga gamit mo)


bumalik na sa taas ang magasawa at natulog. Kinaumagahan may lakad ang mga magkakapatid pupunta sila sa batis na malapit lang doon, pagbaba ng bunso ay kumain na ng pansit. Pansit kasi ang pinagmamalaki ng mga taga Lucban. Habang nag aayos sila nakakain na ang lahat at umalis na.


Napakasaya nilang bumalik kahit medyo nararamdaman na nilang maitim sila dahil sa babad na babad sa batis, mag gagabihan na sila nakauwi.bumili na ng bigas ang mag asawa sa palengke na tatawirin mo lang habang nanunuod naman ang magkakapatid at anak nila.


Tortang talong ang ulam, tawanan sila habang nakain dahil nadulas daw yung isang kapatid kanina, nagligpit na ng pinagkainan nag cellphone kaunti at nakatulog na rin sila sa pagod.


Boooooooggggg Baagaaaaggggg. "Bhe!!! ang ingay sa baba!!"
pabalikwas bumangon ang mga magkakapatid dahil sa lakas ng lagabog sa baba pati mga aso nagtahulan sa labas.


Kalat Kalat nanaman ang Kaldero. "Naku hindi na tayo nakapag linis ha, naghahanap nanaman tuloy tong mabait sabay pulot sa mga kaldero pagkatapos ay umakyat na sila para bumalik sa pagtulog


Kinabukasan, Kumain sila ng itlog at sinangag, bumili naman si Dedek ng yelo sa labas. "sarap naman ng sangag mo te" sabi ni Bido ang pangalawa sa magkakapatid "Naku si Kuya Dedek mo nagluto niyan kagigising ko lang"


Nanunuod sila at naalala ni Annie na maglilinis sila inutusan niya mga kapatid niya na tumulong pagtapos mag almusal. "Bakit te? hindi naman marumi ah" sabi ni Meji ang pangatlong kapatid dahil hindi siya nagising nang makita nila na naglaglagan ang kaldero "Naku may alaga tayo dito gabi gabi nag iiingay naghahalungkat ng kaldero at ng pagkain "Ah ganun ba te"


Naglinis na silang lahat tinakpan ang mga butas,pati mga bintana nilagyan ng kurtina na binili pa sa palengke


Kinagibahan nanaman bilog na bilog ang buwan kaya nagkwentuhan sila ng nakakatakot. Hanggang sa nakatulog na lang sila sa katatakutan.


Kinaumagahan, Naunang nagising si Annie. pagbaba niya naamoy niya yung sinigang, May sinaing na rin. Natuwa naman si Annie dahil napaka sweet talaga ng asawa niya. Pagbaba ng asawa niya ay nginitian niya na lang ito


Sarap nanaman ng kain nilang magkakapatid hanggang pananghalian at hapunan na iyon sa dami ng karne,napaka asim din nito sakto din at umuulan simula pa kagabi. "sarap naman ng sinigang mo bheb" sabay tawa natuwa din si Dedek dahil alam nito ang ibig sabihin ngunit dahil magkakatabi sila ay wala munang ganoon. Natulog sila sa baba ng hapon, habang nanunuod pagising nila ay gabi na,napakalakas pa rin ng ulan kaya naglaro na lang sila ng mga card games. May taya piso piso habang ang bunso naman na si MinMin at Nilo ay nanunuod ng cartoons. Nakaramdam na sila ng gutom kaya ininit na nila ang napaka asim na sabaw ng sinigang at nagsalo salo nang kumain. "Buti te naisipan mong magluto ng sabaw saktong sakto sa tagulan" sabi ni MinMin ang bunso. "Hindi ako nagluto si kuya niyo" sabay tingin nang nakatawa sa asawa si Annie "Huh?akala ko eh ikaw ang nagluto niyan?" "Ako nagluto niyan" sabi ni Nilo ang pitong gulang na anak nila Dedek at Annie tawanan ang lahat at kanya kanyang ligpit na sila ng pinagkainan, naglatag na rin ang iba sa taas ng banig.


Hating gabi na nakatulog ang mga magkakapatid. Nagising si Dedek dahil sa naiihi siya kapag ganito talagang malamig eh ihing ihi ka kaya't bumaba siya.Habang pababa siya may naririnig siya na naghahalo parang nagluluto,dahan dahan siyang nababa. "Kaya pala masarap ang luto mo ha kasi ang aga aga mo nagluluto bhe" sbaay pasok sa C.R paglabas niya ay wala na si Annie. Pero napansin niya na nakatakip ang ulam "Adobo!! ang sarap!! bukas ka saakin" umakyat na si Dedek pag akyat niya hinahalikhalikan ni Dedek ang asawa "hmmmm amoy adobo ka ha!" pero nagtaka siya kasi puting bestida ang nakita niyang damit kanina ngayon eh naka red namana ang asawa niya. nagkibit balikat na lang siya baka nagbihis ito dahil sa baka mangamoy adobo siya. 


Kinabukasan umalis ang magkakapatid na sina Meji,MinMin, Bido at sinama nila si Nilo dahil alam nilang wala ng oras sa isa't isa ang mag asawa pumunta muna sila sa tito nila at doon na daw manananghalian.


"Ikaw ha ang aga mo nagluluto kaya pala masarap ang pagkain natin araw araw,nagpalit kapa ha kaso hindi na kita nakalabit antok na ako hehehe" "Nagluto?kailan? eh simula nang dumating tayo eh hindi pa ako nakakapag luto akala ko ay ikaw ang nagluluto tuwing umaga" "Naku binibiro mo nanaman ako sino paba ang naka bestida kagabi? eh diba favorite mo white dress? "Eh ano naman kinalaman ng suot ko tsaka wala nga akong dalang damit na outi kasi baka pag baba ko eh mabosohan ako diyan" seryoso na ang muka ni Annie at alam na ni Dedek na hindi nagbibiro ang asawa. Natahimik na lang siya at nagsimulang magisip, sa isip isip niya ay gigising siya ng madaling araw at titignan sinong tao ang napasok sakanila


Kinagabihan lahat tulog na maliban kay Dedek na gising na gising pa, hindi talaga siya natutulog dahil gusto niyang malaman ang nangyayari. Hanggang sa di nagtagal mga bandang mag aalas tres may narinig na siyang nagbukas ng kalan, pinapakinggan niya muna ito kung nanggagaling ba sa baba o sa kapitbahay. Sa baba nga! tinignan niya ang asawa at himbing na himbing sa pagtulog. Dahan Dahan siya umalis sa banig at gumapang para iuwang ang ulo sa hagdan para makita ang nangyayari, halos manlaki ang mata niya nakita niya ang babaeng nakita niya ng madaling araw nakaputing bestida at nagluluto. Pakanta kanta pa ito ng nakakatakot na boses nag Huhum lang kasi siya. Halos maihi na si DEdek sa nakita at sa sobrang takot eh bumalik siya sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Kinaumagahan may pagkain nanamang nakahanda sa mesa at tulog na tulog pa si Dedek sabi ni Annie at mga kapatid puyat nanaman si Kiuya maaga nanaman yang nagluto sabay kumain na sila, pahapon na nagising si Dedek at sumigaw siya panaginip lang daw pala pero parang totoo eh. Kinuwento niya muna sa asawa niya at naikwento rin naman sa mga kapatid at lahat sila natakot lalo na ang bata dahil narinig ang kwento. Doon daw muna sila kila tito matutulog mamaya pumayag naman kami kasi iimbestigahan nila mag asawa. 


Sumapit nanaman ang hating gabi nag aalulungan nanaman ang aso at kunwari silang natutulog. Nang may marinig na sila, dahan dahan nilang iniuwang ang ulo sa hagdan, tinakpan na ni Dedek ang bibig ng asawa dahil panigurado ay magtititili iyon sa makikita, Muntik na ngang tumili sa Annie at nakita nilang napahinto ang babae sa pagluluto sabay silang bumalik sa banig at nagtulug tulugan, maya maya ay may naririnig silang yapak ng babae sa hagdan, nanginginig a sa takot si Annie at Dedek. Maya maya pa ay nawala na ang yabag sa kahoy na bahay,nawala na rin ang nagluluto. Bumangon ulit sila "sabi ko sayo!! totoo ang nakita ko!! umalis na tayo dito!!"


Kinaumagahan nagising sila sa katok ng magkakapatid, at dali daling lumabas at ikinuwento ang nangyari. naisipan nila na magsabi sa may ari ng bahay kaso hindi na daw pwedeng bawiin ang ibinayad at nasa Maynila ito at may importanteng gagawin bawal din istorbohin, sinubukan nilang itanong sa mga kapitbahay kung may naninirahan ba dito dati.


May babae siyan na may limang anak, napakabait nuon saamin, madaling araw pa lang nag aasikaso na siya sa mga anak niya ang asawa naman ay nasa abroad, isang araw daw umuwi si America ang mga anak at siya ang naiwan at dadating daw yun ng madaling araw habang nagluluto daw ay pinasok ng magnanakaw at pinagsasaksak. Hanggang umaasa pa raw ito na babalik ang anak pero sila pa lang daw ang tumira jan mula nang paupahan at ngayon lang nila narinig ang kwento saamin. 


Tinirikan nila ng kandila kinagabihan at natulog na, lahat sila nagsiing sa pag bukas ng gas. Nagluluto nanaman siya,sabay sabay silang dumungaw sa baba at nakita nilang lahat at nanlaki ang mga mata nila sa nakita sabay sabay na inalis ang ulo sa hagdan dahil sa takot at sabay sabay ulit na tinignan pagtingin nila ay wala na, pag tingin nila sa taas ay andun na ang babae sigawan silang lahat pero maamo ang mukha nito at nakangiti sakanila at biglang nawala.


Kinaumagahan nagkwentuhan ang mga kapitbahay at kalat na sa buong Quezon ang kwento, at hindi na nagparamdam ang babae simula nuon,siguro daw ay nakita niya daw anng mga anak sa mga magkakapatid at nakalaya na ang kaluluwa.


  

Story Archive