Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Kwento ito ng aking ex-boyfriend na si Leo. Oo, ex-boyfriend kasi ngayon asawa ko na sya, hehe! 3 years kaming naging mag-on bago kami nagpakasal April 29, 2017. Bago palang kami mag-bg/gf noon nung minsang magtanong sakin ang bestfriend ni Leo na nagkataon namang tropa ko rin.


"Tol, ano, nagke-kwento na ba sayo si Leo? Diba mahilig ka sa katatakutan?" 


"Anong kwento? Bakit?" tanong ko.


"Nakakakita yun!"


Pinilit kong mag-kwento sakin si Leo. Hindi daw nya kasi basta basta ikinekwento yun dahil alam nyang iisipin ng iba na gawa-gawa nya lang yun. Pero ito ang mga naranasan nya, at ibang kwento mula mismo sakanya matapos ko syang pilitin ng sobra.


1. Madalas nya kong sinusundo sa dati kong pinapasukang work lalo kapag closing ako. Nasa alas tres na ng madaling araw non, binabagtas namin ang kahabaan ng Libis sakay ng motor nyang Rouser. Nagke-kwentuhan kami habang buma-byahe. Medyo mabilis ang takbo namin, 85-90 kmh, halos wala na kasing sasakyan sa kalsada dahil nga 3am na. Nagulat ako ng bigla nyang kinabig ng bahagya pa-kaliwa ang manibela ng motor! Konting kabig lang naman, pero dahil medyo mabilis ang takbo namin ay naramdaman ko yun. Kasabay non napiga din nya nang konti ang break. Dahil nakayakap ako sa kanya naramdaman kong nanigas ang muscles nya sa braso at sa katawan. Para bang na-tense sya na may biglang iniwasang kung ano. 


"Mahal, mag-ingat tayo please. Dahan-dahan lang." sabi ko. Nerbyosa pa naman ako sa mga aksidente sa motor. "Nalubak ka ba? Bat parang bigla kang kumabig?"


Hindi sya nagsalita. Nilingon ko yung dinaanan namin. Wala kaming ibang kasabay sa kalsada non. Aspalto din ang daan sa Libis at kung may lubak man siguradong nasa gilid-gilid lang yun ng kalsada. Nakauwi na ko ng bahay at sya ay umuwi na rin. Maya-maya nag-text sya. 


"Sorry ah, natakot ka ba kanina?" text ni Leo


"Hindi naman, medyo lang. Huwag kang kakabig ng ganun-ganun maaksidente tayo nyan eh"


"Nagulat kasi ako eh"


Pagkabasa ko non, inisip kong baka may nakita sya. Ito yung mga times na never pa sya nagkwento sakin. Nang tanungin ko sya kung ano ba talagang nangyari, ang sabi nya may nakita syang lalaki sa gitna ng kalsada. Nang tanungin ko kung anong itsura, punit punit daw ang damit nitong kulay blue. Punit din ang maong shorts nito. Isa lang ang suot na tsinelas at nakahandusay daw sa gitna ng kalsada. Umaagos ang dugo sa mukha na punong-puno ng bubog!


Nagreply ako sabi ko "Wala naman akong nakitang tao dun ah! Multo ba yun?". Hindi na sya nag-reply, at pag pinipilit ko magkwento iniiba na nya ang usapan.


2. Noong teenager palang si Leo naging construction worker raw sya. Sumama sya sa mga kaibigan nya papuntang Batangas para sa gagawing resthouse doon ni Piolo Pascual. Nasa itaas ito ng bundok at overlooking sa nakapaligid na dagat. Sinama nya ko dun sa lugar na yun at binalikan ang mga dating construction worker na nakasama nya noon. Sa isang kubo kami tumuloy, yun din daw yung kubo kung saan sila noon nag-stay. Kinabukasan nagdecide kami magswimming sa dagat, pero bago ka makarating sa dagat kailangan mong bumaba ng bundok. Ang lalakaran mo'y mga dalawang dipang lawak ng kalsada kung saan mataas na lupa ang isang side, at ang kabilang side naman ay bangin na. Pilit nyang sinasabing wag kami magpaabot ng alas sais ng gabi at dapat nakabalik na kami sa taas ng bundok bago dumilim. Pero dahil nag-enjoy kami sa dagat, inabot kami ng dilim pabalik. 


Naglalakad kami at medyo hinihingal na kasi matarik ang pataas na daan. Nagke-kwentuhan kami habang naglalakad, paminsan-minsa'y nagkaka-hagikgikan. Nang bigla na lamang lumapit sakin si Leo. Niyakap ako ng bahagya.


"Mahal bilisan natin", sabi nya. Bumilis ang paglakad nya at dahil naka-yakap ang isang braso nya sa likod ko ay napa-bilis na rin ang lakad ko. Tinignan ko sya. Seryoso ang mukha nya.


"Pagod na ko mahal eh, dahan dahan lang, ang tarik oh"


"Dapat kasi hindi tayo nagpaabot ng dilim eh. Basta bilisan nalang natin". Napansin ko habang nagsasalita sya ay nakayuko sya nakatingin lang sya ibaba.


"Takot ka baka makakita ka ng white lady no?" biro ko. Hindi sya nagsalita.


Nagpatuloy lang kami sa paglakad ng mabilis. May mga sandali pa na bigla syang hihinto tapos hihigpit ang yakap sakin habang nakapikit, pagkatapos ay biglang maglalakad ulit ng mabilis na parang may tinatakbuhan.


Nakarating kami sa kubo. Tahimik sya. Seryoso. Nang pilitin ko syang magkwento, sinabi nyang "Andito pa rin pala sya."


Pinilit ko syang mag-kwento. Ito ang sabi nya:


"Noong nagko-construction palang kami umuwi kami ng gabi, umakyat kami sa bundok mga alas otso ng gabi. Pagod na ko kaya mabagal lang ang lakad ko, nauna na mga kasamahan ko. Maya maya may nakita kong ulo sa may bangin! Napahinto ako non sa paglakad. Tapos yung ulo unti unti umaangat! Hanggang sa nakita ko may babae nang nakalutang dun sa bangin! Nakatingin sakin. Nakangiti pero nanlilisik yung mata. Nakakatakot yung itsura nya! Tumakbo ko sa sobrang takot ko. Naiwan na sya sa likuran. Tapos nakita ko may ulo ulit dun sa may bangin. Umaangat ulit. Hanggang sa andun na naman yung babae! Parang sinusundan nya ko. Sa tuwing tatakbo ako at lalagpasan ko sya maya maya eh lulutang na naman sya sa harapan ko! Parang nanggagaling sya sa ilalim ng bangin tapos lumulutang pataas! Tapos kanina, andun na naman sya! Nakita ko na naman sya. Hindi na nga ko maka-tingala, nakatingin lang ako sa lupa kasi sa tuwing lalampasan natin sya eh bigla ulit syang lulutang sa dinadaanan natin!"


Kinilabutan ako sa kwento nyang yun. 


3. Dun din sa Batangas, noong nags-stay pa sila sa kubo ng mga construction worker, meron daw syang ka-textmate. Madaling araw na gising pa sya at kausap sa phone ang babae. Napatingin daw sya sa isang puno ng saging dahil nakita nyang gumagalaw ang mga dahon nito kahit walang hangin. Maya maya nakita nyang bumuka ang katawan ng puno. Mula doon may lumabas na lalaki. Maitim ang buong katawan at mukha nito. Wala rin itong saplot. Nakita nya lumilinga-linga daw ito at parang tinitignan kung may tao sa paligid. Tumayo daw sya at sinigawan ito sa pag-aakalang magnanakaw ito. Pero laking gulat daw nya nang pumasok ito ulit sa loob ng puno ng saging!


Minsan din silang naglalakad sa taniman ng kawayan. Kung pwede sana maipakita rito ang picture ng kawayanan na yun maganda sana. Ang mga kawayan dun ay halos kasing taas ng 3rd floor na bahay. At nang minsang naglalakad sya kasama ang mga kaibigan, isang nilalang ang nakita nya dun. Napakatangkad na lalaki. Marumi, magulo ang buhok! Pangit! Mabaho, amoy nabubulok na basura! Hindi nya nakitang may hithit itong tabako o sigarilyo gaya ng mga nasa movies pero alam nyang kapre ang nakita nya.


4. Pauwi ulit kami galing sa trabaho ko. May nadaanan kaming mga kabataang naglalaro ng basketball sa half court na gawa-gawa lang ng mga taga-doon. Nag-excuse pa kami sa mga kabataang lalaki. Nasa gitna kami ng court nang biglang naramdaman kong nagulat si Leo. Lumingon sya kanan, nasa ilalim na kami ng ring. Tumitig sya saglit ilalim ng ring. Nagtaka ko kung anong tinitignan nya ron. Nakalagpas na kami sa ring pero paulit-ulit syang lumilingon pabalik sa ibaba ng ring. Nang tuluyan kaming makalampas  nagsalita ako:


"Ano yun mahal?"


"Huwag na tayo dadaan dun. May matanda dun sa ilalim ng ring nagagalit" sabi ni Leo.


"Wala namang matanda dun ah."


"Meron. Nakita ko pagdaan natin. May matanda sa ilalim ng ring, nakalutang sa ere, hindi lumalapat sa lupa yung paa. Masama ang tingin satin. Hanggang sa makalagpas tayo nakatitig pa rin sa'kin eh. Sa iba na lang tayo dadaan sa susunod."   


5. Madaling araw, sinundo nya ko ulit sa trabaho at hinatid sa bahay. Usually mula sa bahay namin 12minutes lang nyang binabyahe ang pauwi sa kanila. Pero nung gabing yun inabot sya ng mga 20 minutes bago nagtext sakin na nakauwi na sya. Nag-reply ako.


"Medyo natagalan ka ata pag-uwi ah" reply ko


"Oo, may muntik pang makisabay sakin." Leo


"Huh? Sino, kaibigan mo nakasalubong mo?"


"Hindi, multo!" 


Na-excite naman ako, kasi kwentong multo na naman. Tinanong ko sya anong nangyari. Ito ang sagot nya:


"Nagda-drive ako, andun na ko sa may 7/11 na nadadaanan natin pag pupunta samin. May lalaki sa gilid ng kalsada. Malayo palang kitang kita ko na sya kasi nakasuot sya ng puting t-shirt saka sya lang ang tao sa kalsada ng madaling araw. Pinapara nya ko! Nag- slow down ako. Tinitigan ko sya habang papalapit yung motor ko sa kanya. Nung katapat ko na sya nakita ko marumi yung damit nya, may tatlong malaking butas pa. Nilagpasan ko sya. Pero di pa ko nakakalayo huminto ako mga 3 dipa siguro mula dun sa lalaki. Naisip ko kasi baka nangangailangan nga ng tulong isasakay ko na sana. Pero paglingon ko, walang tao dun! Imposibelneg nakasakay na sya dahil walang ibang sasakyan dun ako lang."


Isang araw ang lumipas, sinabi ni Leo sakin na may binaril pala sa lugar na yun nung isang linggo. Tatlong tama ng bala sa katawan ang ikinamatay nung lalaki na pauwi na daw sana galing trabaho pero na-riding in tandem. Sabi ko sa kanya baka yung lalaking nakita nyang may tatlong butas sa damit ay ang multo nung namatay, na gusto lang makauwi sa bahay kaya sya pinapara.


  

Story Archive