Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Horror House

October 12th, 2012

“Hindi ordinaryong horror house ang napasukan nila. Dahil ang mga nilalang na nananakot doon ay hindi naka-costume lang. Totoo ang mga ito at pumapatay.”

PANAY ang tawanan ng magkakaibigang Jet, Vanessa, Trina, Mia, at Beng habang palabas ng Sparkle Fun, ang amusement park na pinuntahan nila sa isang bayan sa Nueva Ecija. Mag-aalas-dose na ng hatinggabi noon.

Gawain na talaga nila na pumunta sa mga carnivals tuwing summer vacation. Dumarayo pa sila sa kung saan-saang lugar para subukan ang mga carnivals doon. Walang kaso sa kanila ang perang gagastusin sa pag-a-out of town dahil pare-parehong may-kaya ang mga pamilya nila.

"Vanessa! ‘Kala ko, tatalsik ang lahat ng tutuli ko sa tili ni Trina kanina. Ang tagal na nating sumasakay sa nakalululang rides, hindi pa nasasanay,” ani Jet sa kanya, ang nag-iisang lalaki sa barkada nila.

“Heh! Sa nalulula ako, ano ang magagawa ko? Ayoko namang tumanghod sa ibaba habang nagpapakasaya kayo sa rides, ‘no!” sikmat nito kay Jet.

“Pero sayang, ‘no? Wala silang horror house, lyon pa naman ang pinaka-finale natin bago umuwi,” ani Mia.

Naglakad-lakad muna sila tutal ay hindi pa naman sila inaantok. Karaniwan nang alas-tres ng madaling-araw na siia umuuwi sa tinutuluyan nilang paupahan kapag out-of-town trip ang carnival na pupuntahan nila.

Nang may makita silang parke ay tinungo nila iyon at naupo sila sa mga benches doon. Bilog na bilog ang buwan at may mga poste ng ilaw roon kaya hindi gaanong madilim. Ilang minuto lang ang pinalipas nila at nagpatuloy na uli sila sa paglalakad.

“Guys, look!” mayamaya ay sambit ni Jet. Sinundan nila ng tingin ang itinuturo nito.

Sa gawing kaliwa ng parke ay may mga hile-hilerang nitso na ginagapangan na ng mga halaman. Humahangga ang libingan sa isang dilapidated na kastilyo na tila tahanan ni Count Dracula at ng mga alagad nitong bampira.

“‘Welcome to Fright House,’” pagbasa ni Beng sa nakasulat sa lumang karatula na nasa malaking punong-acacia sa tabi ng kastilyo. Hawak iyon ng isang naka-barong na nakabigting bangkay na naaagnas na at litaw na ang buto sa mukha.

“Wow! Parang totoo ito, ah,” ani Beng na hinawakan pa ang kamay ng bangkay. “Wax yata ‘to,” sabi nito kapagkuwan.

“’Eto pala ang hinahanap natin, eh. ‘Kala ko, matatapos ang gabing ito na wala akong pagkakatuwaan,” sabi pa ni Jet.

Noong huling pasok nila sa isang horror house ay biglang hinila nito si Vanessa sa isang madilim na sulok para magkubli. Nang may dumaang zombie sa kinatataguan nila ay sukat ginulat nito iyon. Tawa ito nang tawa nang magsisigaw ang zombie dahil sa gulat. Sa huli ay nakilala nila ang zombie na siya palang may-ari ng maliit na carnival na iyon at rumelyebo lang dahil wala ang talagang magko-costume na zombie.

Nang makita nila ang booth sa gawing kanan ng kastilyo ay lumapit sila roon para magbayad. Nakita nila ang isang kuba na nakangisi sa kanila.

“Pare, magkano ang entrance bawat isa?” tanong ni Jet dito.

“Wala. Sa loob na lang kayo magbabayad,” nakangising sagot nito.

“Sigurado ka?” diskumpiyadong tanong ni Beng.

Tumango ito. Nagkibit-balikat na lang sila at pumunta na sa kastilyo. Nang lingunin ni Vanessa ang kuba na nasa booth ay napakunot-noo siya. Wala na ito roon.

Itinulak nila ang malaking pinto ng kastilyo. Umingit iyon. Madilim sa loob niyon at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang aandap-andap na kandila na nasa mga’ lampara sa dingding. Nasorpresa sila nang makitang yari sa solidong bato ang loob ng kastilyo. Tila totoo talagang lumang kastilyo iyon.

Nakabibingi ang katahimikan sa loob. Tanging taguktok ng mga sapatos at mga boses nila ang kanilang naririnig. Nag-e-echo ang bawat sabihin nila.

"Natatakot na ako, guys. Labas na lang kaya tayo?” ani Trina na kumapit sa braso niya.

“Ikaw talaga, Katrina. Wala pa nga tayong nakikita, natatakot ka na,” ani Mia.

Napatili sila ni Beng nang may lumundag sa harap nila na malaking itim na pusa. Paangil na ngumiyaw iyon habang nag-iigkasan ang mga balahibo niyon. Napaurong sila. Ngunit pagkatapos na ngumiyaw niyon ay umalis din iyon sa harap nila.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Mayamaya ay napahinto siia nang makarinig sila ng malalalim na paghinga. Tila nagmumula iyon sa itaas ng kastilyo. Nang tingalain niia iyon ay nakita nila ang mga nakaitim na kasuotan na mga nilalang na matamang nakatingin sa kanila. Natatakpan ng hood ang mga ulo ng mga ito. Bawat isa ay may hawak na karit na kumikislap ang talim sa dilim. Bago pa sila makahuma ay isa-isang naglundagan ang mga ito sa kanila. Nagpulasan sila ng takbo.

MABILIS na tumatakbo si Jet. Nang lumingon siya ay nakita niyang wala pa ang humahabol sa kanila. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip niya. Lumiko siya sa kaliwa at nagkubli sa malaking pasimanong bato roon. Matiyagang hinintay niya ang pagdating ng isa sa mga naka-costume na Kamatayan.

Napangisi siya nang ilang saglit lang ay nakita niyang naglalakad ito at palinga-linga na tila may hinahanap. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa hood na suot nito. Tanging mapupulang mata lang ang nakikita niya sa dilim. Hustong tumapat ito sa pinagtataguan niya ay bigla siyang lumabas mula sa pinagtataguan at ginulat ito. Ngunit dahan-dahan lang itong lumingon sa kanya.

“Hey! Ang KJ mo naman. Hindi ka man lang nagulat? Kunsabagay, baka professional ka kaya sanay ka na sa mga pranks na ganoon,” nakangising sabi niya rito.

Inikutan niya ito habang sinisipat-sipat ang costume nito. “Hanep ang arrive mo, ah! Kamatayan na Kamatayan ang porma!” nakangising sabi niya rito. Napatingin siya sa karit nito. “Tell me, authentic ba ang karit mo?”

Hindi pa rin ito sumagot. Napapalatak siya. “Diyan ka na nga. Susundan ko na ang mga kasama ko,” aniya rito at tumalikod na. Ngunit biglang hinablot nito ang braso niya. Napatingin siya roon. “What the—” Nagulat siya nang makitang kalansay ang kamay nito at ubod ng lamig. Nanlalaki ang mga mata na tiningnan niya ito. Ngunit bago pa man siya makahuma ay biglang tumaas ang karit nito at dumiretso sa leeg niya!

NANGINGINIG na sa takot si Trina. Nang dambahin siya ng isa sa mga Kamatayan ay itinulak niya ito at dali-daling nagtatakbo habang tili nang tili. Hindi na niya alam kung saan siya nagpasikut-sikot. Huli na nang ma-realize niya na napahiwalay na pala siya sa mga kaibigan niya. Panay ang tawag niya sa mga ito ngunit nag-e-echo lang ang boses niya.

“Nasaan na ba kayo?” naiiyak nang sabi niya. Nang mapalingon siya sa pinanggalingan niya ay nakita niyang palapit ang dalawang nakaitim na nilalang. Nang makita niya ang nakabukas na bakal na pinto ng rehas ay dali-dali siyang pumasok doon. Agad siyang umupo at ikinubli ang sarili sa dilim.

Nang naroon na siya sa loob ay napaisip siya. Bakit ba siya takot na takot sa mga iyon, costume lang naman iyon? Nasa isang horror house sila. Dahil sa naisip ay natawa siya sa sarili.

Nang maalala niya ang mga kaibigan ay naisip niyang tanungin ang mga naka-Kamatayan costume. Baka nakita ng mga ito kung saan nagsuot ang mga kaibigan niya. Lumabas siya ng kulungan at tinawag ang dalawa. Lumingon ang mga ito sa kanya.

“Er… sorry kung na-spoil ko ang pananakot n’yo. Pero napahiwalay kasi ako sa mga kaibigan ko, eh. Baka alam n’yo kung saan sila nagsuot?” alanganin ang ngiti na tanong niya sa mga ito. Nang hindi tuminag ang mga ito ay siya na ang lumapit.

“Please naman, o. Nahiwalay kasi ako sa kanila, eh. Alam n’yo ba kung nasaan sila?” aniya sa mga ito. Nang hindi man lang tuminag ang mga ito ay hinawakan niya ang braso ng isa sa mga ito para yugyugin ito. Nanlaki ang mga mata niya nang wala siyang mahawakang laman! Tila kumuyumos lang siya sa hangin! Dahan-dahang tiningnan niya ang kamay nito. Napaawang ang bibig niya nang makitang kalansay ang kamay nito! Nang muli niyang ibalik ang tingin sa mukha nito ay lalo pa siyang nanginig. Tila aninong itim lang ¡yon na may nakalutang na pares ng mapupulang mata.

“Oh, my God…” usal niya. Napatili siya nang angat ng isa sa ere ang karit nito at akmang puputulin ang leeg niya. Bigla siyang yumuko. Nang akmang ang isa naman ang magwawasiwas ng karit nito ay ubod-lakas na itinulak niya ang isa sa mga kasamahan nito. Nang makabawi ay kandarapa siya sa pagtakbo sa loob ng rehas na bakal na pinanggalingan niya. Pagpasok doon ay dali-daling isinara niya iyon at hindi nag-iisip na i-p-in-adlock iyon mula sa labas sa sobrang katarantahan. Nang lapitan nga siya ng dalawa ay hindi nagawa ng mga itong mapasok siya.

Mayamaya ay huminto ang mga ito sa pagpipilit na buksan ang pintong bakal. Kapagkuwa’y tiningala ng mga ito ang itaas ng loob ng bilangguan. Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito. Natulala siya sa nakita.

Sa kabila ng mapusyaw na liwanag ay nakita niya ang maiitim na nilalang na tila mga tiyanak na naggagapangan pababa ng pader. Naghahagikgikan ang mga ito na tila tuwang-tuwa na naroon siya.

Natatarantang binuksan niya ang pinto. Ngunit nanlumo siya nang maalalang nai-padlock nga pala niya iyon. Prantikong nangapa siya sa sahig sa pagbabaka-sakali na naroon lang ang susi. Palakas nang palakas ang mga hagikgik tanda na palapit na ang mga ito sa kanya.

“Diyos ko, ano ba itong nasuotan namin?” naiiyak na sambit niya habang patuloy sa pangangapa ng susi.

Pumitlag ang puso niya nang may makapa sa sahig. Nang itaas niya iyon ay nakita niyang isang susi iyon! Akmang isusuot na niya iyon sa padlock nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyang likod kasunod ang pagbigat niyon. Nang kapain niya iyon ay napahiyaw siya. May tiyanak nang nakasampa sa likod niya! Pilit na iwinagwag niya iyon. Muli siyang napahiyaw sa matinding sakit nang ibaon niyon ang matutulis na kuko sa likod niya.

Hanggang sa maramdaman niyang isa-isa nang nagsipaglundagan sa kanya ang mga tiyanak. Bawat isa ay ibinabaon ang mga kuko sa balat niya na tila nagsisigurong hindi niya maiwawagwag ang mga ito. Tumulo ang dugo mula sa iba’t ibang parte ng katawan niya hanggang sa madulas siya sa sarili niyang dugo.

“DITO tayo!” sabi ni Vanessa sa mga kaibigan. Sila na lang nina Mia at Beng ang magkakasama. Napahiwalay na sa kanila sina Jet at Trina. Hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa mga ito. Hindi niya alam kung buhay pa ang mga ito.

Sa mga sandaling iyon ay alam na nilang hindi ordinaryong horror house ang napasukan nila. Dahil ang nilalang na nananakot doon ay hindi naka-costume lang. Totoo ang mga ito at pumapatay.

Nang magkahiwa-hiwalay sila ay napunta silang tatlo sa itaas ng kastilyo. Nang sa tingin niya ay wala nang humahabol sa kanila, pumunta sila sa may terasa upang silipin kung nasaang parte ang dalawa pa nilang kaibigan nang mapatda sila sa nakita.

Mula sa dingding ay lumalabas ang mga nakaitim na kasuotan na tila si Kamatayan na tulad ng humabol sa kanila kanina. Sa sahig naman ay nagsusulputan ang maiitim na nilalang na tulad ng mga tiyanak. Nagsipaglundagan ang mga iyon sa balikat ng mga Kamatayan at luminga-linga sa paligid na lila naghahanap din.

Nang makalagpas ang mga ito ay rnaingat silang bumaba. Lumiko sila sa kasalungat na direksiyon na pinuntahan ng mga nakaitim na nilalang.

Nang makaliko sa direksiyong itinuro niya ay patuloy silang naglakad. Kailangan na nilang makita ang labasan bago pa sila makita ng mga humahabol sa kanila. Hiling niya na sana ay makasalubong nila sina Jet at Trina.

“Vanessa, ‘di ba, doon tayo nanggaling kanina? Baka nandoon ang dalawa,” sabi ni Beng at itinuro ang direksiyong sinasabi nito.

“Sige, puntahan natin. Pero alisto kayo, ha? Hindi tayo dapat magkahiwa-hiwalay,” aniya sa dalawa.

Maingat na tinalunton nila ang daan habang alisto ang mga mata. Patuloy siya sa paglinga nang may maramdaman siyang pumatak sa ulo niya. Tumingala siya ngunit hindi niya gaanong maaninaw ang nasa itaas. Muling may pumatak sa noo niya habang nakatingala siya. Inabutan siya ni Beng ng lighter na may flashlight. Itinapat niya iyon sa pinahid niyang likidong pumatak sa noo niya. Nahindik siya nang makitang dugo iyon.

Tinanglawan niya ng flashlight ang sahig at nakita niyang may mga patak din doon ng dugo. Nanginginig na tinanglawan niya ang pinagmumulan ng mga patak ng dugo. Napahiyaw silang lahat nang makita nila ang nakabiting katawan ni Jet. Nakakuwintas dito ang pugot na ulo nito. Dilat na dilat ang mga mata nito. Nagtatakbo sila sa takot. Lumiko sila sa kanan.

Nang mahapo ay saglit na huminto sila. Isinandal nila ang katawan sa rehas na bakal.

“P-patay na si Jet… A-ano na kaya ang nangyari kay Trina?” anas niya.

“V-Vanessa, B-Beng…” anas ni Mia.

Nilingon nila ito. Nakita niyang natitigilan ito habang nakapako ang tingin sa paanan nito na inaagusan ng kung anong likido. Biglang sinakmal ng takot ang dibdib niya. Nang tanglawan nga niya iyon ng flashlight ay nakumpirma nilang dugo iyon. Nagmumula iyon sa loob ng kulungan na sinasandalan nila. Pigil-hininga at nanginginig na tinanglawan niya iyon ng flashlight. Napaiyak siya nang makita si Trina na nakahandusay sa sahig. Puno ng sugat ang buong katawan nito na inaagusan ng dugo.

“My God…” usal ni Beng.

“Kailangang makalabas na tayo rito! Baka tayo na ang kasunod na mamatay kapag hindi pa tayo nakalabas dito!” naghi-hysteria nang sabi ni Mia.

Agad na nga silang umalis doon para hanapin ang labasan.

Napaatras sila nang makitang parating ang mga Kamatayan. Nagtago sila sa isang sulok at nang masigurong wala na ang mga ito ay dali-dali na silang umalis.

“Dito, hindi pa tayo napupunta rito. Baka narito ang exit!” hiyaw ni Mia.

Gayon na nga lang ang tuwa nila nang makitang iyon na ang labasan ng kastilyo. Dali-dali silang lumabas doon na tila anumang sandali ay hahablutin sila ng mga humahabol sa kanila.

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tabi. Napaiyak na lang sila nang muling maalala ang sinapit ng dalawang kaibigan nila. Ngayon nila lubos na naunawaan ang sinabi ng kuba kanina na sa loob na lang sila magbabayad. Pinagbayaran na nga ng mga kaibigan nila ng buhay ng mga ito ang pagpasok nila sa horror house.

LUMITAW si Telmo mula sa punong pinagkukublihan niya. Alam niyang nang mga sandaling iyon ay may kinuha na namang mga buhay ang horror house. Buwan-buwan ay may nagbubuwis ng buhay roon. Nais man niyang hayagang balaan ang mga papasok doon ay hindi niya magagawa. Alipin siya ng mga espiritung naninirahan sa kastilyong iyon at ng kanyang pansariling motibo.

Lumapit siya sa puno ng acacia na kinabibigtihan ng unang taong namatay sa horror house—ang kanyang ama. Binuhusan niya ito ng tinunaw na kandila para kahit paano ay manatiling buo ito. Hanggang naroon ang kanyang ama, mananatili siya roon.

Ito ang orihinal na may-ari ng horror house. Ito ang nag-isip ng konsepto niyon. Maraming tumatangkilik doon noon dahil nakakatakot talaga ang mga nilalang na makikita roon. Ang ama rin niya ang nag-isip ng mga costume ng mga iyon. Ngunit nang magsimulang makilala ang horror house ay naging sentro ng inggit iyon ng ibang tao. Siniraan ng mga ito ang horror house hanggang sa hindi na pasukin iyon ng mga tao. Labis na dinamdam iyon ng kanyang ama. Hanggang sa isang araw ay makita na lang niyang nakabigti ito sa punong-acacia. Mula noon, ‘ isinumpa niyang ibabangon niya ang horror house. Ginamit niya ang angking kaalaman niya sa pagpapalabas ng mga espíritu mula sa itim na lagusan ng kawalan at ang mga ito na ang naging instrumento upang muling mabuhay ang horror house.

Ngayon, wala nang magsasabing walang kuwenta ang lagim na inihahatid ng horror house. Napatunayan mismo iyon ng mga pumasok doon.

Wakas.


  

Story Archive