Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

Boses

Story Rating:

Kasalakuyan nag-aantay kami ng elevator paakyat sa flat nami......

Bangungot

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Lady inside the car (A short story)

Story Rating:

Ito po totoong mga nangayari sa loob ng workshop kung saan a......

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


 


Herika


Written by: Tongbimxa


 


Sa bayan ng Malolos Bulacan, may mag asawa na hindi mabiyayaan ng anak.


 


Si Rufo at Mena ay nagsasama na halos sampung taon subalit hindi sila swertehin mgkaroon ng supling.


 


"Mena, magpachekup ka na kaya para malaman natin kung may tiyansa pa tayo magkaanak." wika ni Rufo sa mahal na asawa.


 


"Samahan mo ako para pareho na tayo macheck-up" sagot ni Mena sa asawa.


 


Sa tuwing ganun ang usapan parati na lang umiiwas si Rufo halos wala itong reaksyon sa sinabi ni Mena. Ayaw magpatingin sa doktor ni Rufo at walang balak talaga kahit parati niya itong inaaya. Ibabaling sa kanya na siya ang magpatingin. Gumagayak na si Mena para pumasok sa school. Isang guro si Mena sa elementarya habang ang kaniyang asawa ay walang matinong trabaho pasideline sideline lang. Habang naglalakad si Mena ganun na lang ang kaniyang pagkabigla ng may humawak sa kaniyang braso. Isang matanda na lalaki na halos napakalalim ng mata nanlilisik ang mga mata nito.


 


"Ineng mag iingat ka! Alagaan mo ang nasa sinapupunan mo." wika ng matandang lalaki na npakahigpit ng hawak sa kanya.


 


Halos manlamig si Mena.


 


Hinawakan ang tiyan. Napaisip siya sa sinabi ng matanda paglingon niya wala na ito.


 


Ikinuwento agad ni Mena pag dating sa bahay ang nanggyari sa kanya at pinabili niya agad ng pregnancy test si Rufo.


 


Ganun na lang ang pagkamangha nila positive ang naging resulta.


 


Nagdadalang tao nga si Mena.


 


Si Rufo naman ay walang reaksyon subalit si Mena ay masayang masaya.


 


"Lord, maraming maraming salamat po sa pagtugon niyo sa dasal ko". Taimtim na dasal ni Mena bago matulog.


 


Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na kaluskos sa bintana.


 


Nagising agad si Mena.


 


"Rufo! Rufo!


 


"Gumising ka parang may tao sa bintana." bulong sa kaniyang asawa.


 


"Pusa lang yan Mena matulog ka na." yamot na sabi ni Rufo sa asawa dala ng antok at puyat.


 


Balisa si Mena sapagkat kung ano ano ang nadidinig niya na kaluskos.


 


Halos hindi na siya makahinga ng maayos sa takot.


 


Kasabay pa ang malakas na tahulan ng aso. Isang palatandaan na may tao nga sa labas ng kanilang bahay.


 


Maya-maya ay yabag naman ng paa ang kaniyang nadidinig paakyat sa kanilang kuwarto.


 


Palapit ng Palapit ito.


 


Dahan dahan tumayo si Mena upang masiguro na nakalocked ang kanilang pinto ng kuwarto. Hahawakan niya ang door knob ng biglang may humawak sa kaniyang braso.


 


"Aaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!" sigaw ni Mena na takot na takot hinawakan na naman siya ng matandang lalaki na nakakatakot ang mukha.


 


"Alagaan mo ang nasa sinapupunan mo". Sabay haplos sa tiyan niya. Takot na takot si Mena hindi niya alam kung namamalikmata siya. Sapo sapo amg tyan umupo siya sa gilid ng kama. Ganun na lamang ang panlulumo niya pagtingin niya sa salamin andun pa rin ang matanda nakatingin sa kanya. Matalim ang tingin at nakangisi ito. Pumikit si Mena at nagdasal pagdilat niya wala na ito. Nakahinga na siya ng maluwag at tumabi ulit sa tabi ng asawa. Maya maya ay kumilos ang asawa nagising yata ito. Bigla siya hinalikan at niyakap ng mahigpit tanda ng gusto nito makipagtalik.


 


"Rufo mahal na mahal kita" malambing na sabi ni Mena sa asawa habang tinutugunan ang halik at yakap. Patuloy lang ang ginagawa ni Rufo. Ng bigla siya itulak ni Mena ng malakas at nalaglag siya sa kama.


 


"Anong problema Mena ha? Bakit may iba ka na ba?" Galit na sabi nI Rufo .


 


Naguguluhan si Mena sa kanyang ginawa sa asawa .


 


Subalit sa isang sulok may lihim na nakatingin at nagdidiwang ito sa ginawa ni Mena.


 


Malagim ang halakhak ng di kilalalang nilalang.


 


Nagkatinginan ang mag asawa.


 


Alam nilang may kasama sila ibang tao sa bahay nila.


 


Kinabahan si Mena baka ang matandang parating nagpapakita sa kaniya.


 


"Rufo natatakot ako, samahan mo lang ako dito. Mula ng nagbuntis ako parang may misteryo na nangyayari satin" takot na takot na sabi ng asawa.


 


Maya maya biglang humangin ng malakas. Hinangin ang kurtina umusok ito at nagkalampagan ang mga gamit. Senyales na may kakaibang nilalang nga sa loob ng kanilang bahay. Mahigpit na mahigpit na yumakap s Mena sa asawa. Si Rufo naman ay kalmado lang hindi pinapakita ang pagkatakot. Nagdasal ng taimitim ang mag asawa at tumigil ang kaguluhan. Kinaumagahan naghanap agad sila ng malilipatan na bahay dahil natatakot na si Mena sa kundisyon niya.


 


"Rufo kumain ka na ng almusal at aalis na tayo" sigaw sa asawa dahil nasa taas ito ng kuwarto. Pababa na si Rufo ganon na lang ang kaniyang pagkabigla wala itong ulo.


 


Walang uko si Rufo. Nabitawan niya ang pitsel at binalot ng kolabot ang kaniyang buong katawan. "Mena ano ba nangyayari sayo ha?" sabay tapik sa asawa. "R-Rrufoooo na-nakita ko wa-wala ka ulo" nanginginig na sabi ni Mena sa asawa.


 


"Hay Mena ikaw talaga kung ano ano nakikita mo naghahallucinate ka na yata. Kumain na nga tayo gutom lang yan" natatawang sabi ni Rufo pero sa isang banda alam ni Rufo na oras na.


 


"Mena lagi mo tandaan mahal na mahal kita, may kakulangan man ako sayo pero talagang mahal na mahal kita."madamdaming sabi ni Rufo.


 


"Rufo mag iingat ka ha. May kasabihan kasi na mamatay daw ang tao kapag nakitang walang ulo" nag aalalang sabi ni Mena.


 


Tawa lang ng tawa si Rufo pero ang totoo natatakot siya.


 


Niyakap ang asawa sabay kinuha ni Rufo ang iphone at nagpapicture sila mag asawa. Ganun na lang ang gimbal niya pagkakita sa litrato wala ulo ang asawa.


Lumipas ang mga ilang araw tumindi ang pangamba ng mag asawa. Hindi na rin sila natuloy sa paglilipat dahil naging kapwa abala ang mag asawa. Papaso na ng school si Mena ng tinawag siya ng kapitbahay. Ganun na lang ang kaniyang pagkabigla.


 


"Mena! Mena, huwag mo sana masamain ang sasabihin ko pero kagabi ng makita ko ang asawa mo pag pasok niyo ng bahay wala siyang ulo." pag aalalang sabi ni Aling Rosing ang kapitbahay nila.


 


Hindi lang pala siya ang nakakakita ng pangitain gayundin ang ibang tao.


 


Subalit iniisip ni Mena kung mamatay na nga ba ang asawa. Ano nga ba ang pangontra sa ganun na merida?


 


Lumipas na ang gabi wala pa rin ang kaniyang asawa.


 


Pabilis ng pabilis ang tibok ng kaniyang puso hanggang sa napasigaw siya.


 


"Aaaaaaaaaaaaaaaah ikaw na naman!!!!! Bakit ba lagi ka nagpapakita sakin?" takot at galit na tanong ni Mena.


 


Ang matandang lalaki ay nakatingin lang at may luha sa mga mata nakakapangilabot ang hitsura.


 


Humangin ng malakas na malakas.


 


Kitang kita ni Mena na may panglaw sa mga mata ng matandang Lalaki.


 


"Mahal na mahal kita Mena." parang pamilyar na boses ang pumainlang sa loob ng bahay halos paulit ulit.


 


"Mahal na mahal kita Mena.!!!!"


 


"MAHAL NA MAHAL KITA MENA!!!!


 


"Patawarin mo ako Mena, patawad." boses na kilalang kilala niya at iyon ay ang kaniyang asawa nagmumula sa labi ng matandang lalaki.


 


Gulong gulo ang isip ni Mena , napaiyak na din siya dahil nag alala sa asawang hindi pa umuuwi ng bahay.


 


Tinatanong ang sarili bakit siya minumulto ng matanda.


 


Sino nga ba ang matanda? Maraming tanong sa kaniyang isip hanggang sa nawalan na siya mg malay.


 


Pag gising niya wala pa rin ang asawa. Bigla na lang nawala ang kaniyang asawa walang makapagsabi kung patay na ba ito o ano ang nangyari dito.


 


Kinagabihan nakatulog ng maaga si Mena dala ng matinding pagod at kakaisip.


 


"Mena, Alagaan mo ang sarili mo. MAHAL NA MAHAL KITA AT ANG BABY SA TIYAN MO". bulong sa kaniyang tenga.


 


Nagising si Mena kinilabutan ramdam niya ang malamig na haplos sa katawan niya.


 


Malamig na malamig ito.


 


Kinikilabutan siya ramdam niya ang paghalik sa kaniyang tenga malamig ito. Pagbalikwas niya sa kama ang matanndang lalaki nakahiga dito sa kama.


 


"Patawad mahal kong Mena ako at si Rufo ay iisa."


 


"Ako ang nakaraan mahal ko, isa akong HERIKA isang nilalang na maaring maging tao sa larangan ng pagibig. Dahil sayo ako ay naging tuluyan isang tao dahil sa lubos at wagas na pagmamahal mo," paliwanag ng matandang lalaki.


 


" A-anong sinsabi mo? Hindi ko maintindihan ito...." wika ni Mena na nauutal.


 


" Mahal ko , dumating na ang takdang panahon natapos na ang pamamalagi ko sa lupa subalit hindi ako matahimik hinhanap pa rin kita."


 


" Matatanggap mo pa ba ako kahit makita mo ang totoo kong hitsura?"


 


Unti-unting lumalapit ang matandang lalaki, gustong yapusin si Mena.


 


Biglang nagbago ang malumanay na salita para ng isang demonyo ito.


 


" Akin ka lang Mena! hahahahahahahahhahaha".


 


Takot na takot si Mena umatras na ito subalit nahawakan siya ng HERIKA.


 


Biglang tumulis ang mga kuko ng HERIKA.


 


Susunggaban si Mena subalit nakailag ito.


 


Naging halimaw ang matandang lalaki na parang isang demonyo na hayok na hayok sa laman ni Mena.


 


Tumutulo ang laway nito at halos lumawit ang dila sa pagnanais makuha si Mena.


 


" Diyos ko po tulungan niyo ako." panalangin ni Mena.


 


Nanginginig na ang kalamnan ni Mena halos butil buti na pawis lumalabas sa katawan niya.


 


Paulit ulit niya sinsambit HERIKA HERIKA san niya nga ba ito nadinig.


 


Bigla niya naalala ang kuwento ng asawa na si Rufo at nagbilin ito.


 


Lagi nito kinukwento ang tungkol sa HERIKA ng nasa unang taon pa lang sila ng pagsasama.


 


Naging alerto si Mena handa na siya ipaglaban ang asawa at ang baby nila.


 


Alam niyang nililinlang siya nito pagmulat niya ng mata nasa harapan niya ang HERIKA.


 


Nilansi niya ito kahit diring diri siya nilambing niya ito.


 


Yumapos siya dito at humalik sa labi ng Herika na puro laway.


 


Tawang demonyo naman ang Herika at gustong gusto ang ginagawa ni Mena.


 


Ang hindi alam ng Herika may hawak na matalim na gunting si Mena.


 


Bigla niya itong itinarak sa likod ng ng halimaw.


 


Nagwala ang halimaw at pumalahaw sa sakit.


 


Sinamantala ni Mena ang pagkakataon kumuha ng pulang tshirt ng asawa at inilagay sa ulo ng Herika.


 


Biglang unti unting ng iba ang anyo ng halimaw at naging matandang lalaki at ang huli ay naging si Rufo.


 


Walang sinayang na sandali dinala ang duguan na si Rufo sa hospital.


 


Pagkaraan ng ilang oras ay pumanaw na rin ito.


 


Matinding kalungkutan ang naramdaman ni Mena.


 


Pinaglaruan sila ng Herika ginamit ang pagkatao ng kaniyang asawa para sa pansariling kagustuhan.


 


Nalaman din ni Mena na baog pala si Rufo kaya pagkatapos ng sampung taon ay nakipagkasundo ito sa Herika para mabiyayaan sila ng anak.


 


Isang sulat ang nagpatibay at nalinawan si Mena sa lahat ng nangyari.


 


Isinugal ni Rufo ang buhay upang magkaroon sila ng supling.


 


Lumipas ang siyam na buwan.


 


Naganak na si Mena.


 


Ang kaniyang supling ay isa bang Herika?


 


Ikaw handa ka ba sumugal sa Herika magkaroon lamang ng anak.


 


MAGHANDA NA BAKA NASA BAHAY MO NA ANG HERIKA....tandaan ang damit na pula ng asawa mo ang panlaban sa herika.


 


Ipatong m lang s ulo nito at siguradong manunumbalik sa dati ang iyongg asawa.


 


Wakas


  

Story Archive