Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Office Overtime

Story Rating:

First time ko mag overtime sa office dahil sa request ng amo......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Hello po. First time kong mag share ng experience ko sa paranormal. Marami akong experience nung bata pa ko dyan sa Pinas. Pero etong ikukwento ko ngayon ay nangyari sa ibang bansa.


Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong kasama na hindi natin nakikita. Sabi ng mga tiyahin ko meron daw akong 3rd eye pero nakasara dahil takot daw akong buksan. At dahil ang lolo ko ay isang dating manggagamot kaya daw lapitin ako sa mga ganyan. Hindi pa ko nakakita ng mga multo gaya ng nababasa ko dito, isa lang ang talagang pinapakitaan ako, yun ay ang White Lady.


Dalawang beses na kong nakakita, una nung bata pa ko sa kwarto namin sa bahay namin sa Pinas at nung nagdalaga na ko sa bahay naman ng auntie ko nung nagbakasyon ako sa kanila.


Sabi nila pag pinakitaan ka raw ng white lady ibig raw sabihin ay may darating na swerte sayo. Ewan ko kung totoo.


Anyway, fast forward, nandito na ko sa Australia ngayon. 20 yrs na kong naninirahan dito kasama ng magulang ko. May sarili na rin akong pamilya ngayon. Sa loob ng 20 yrs kong naninirahan dito ngayon lang nangyari samin ang kababaglahan sa bahay namin. Umuupa lang kami sa bahay na tinitirhan namin. Nangyari to siguro 2 yrs ago lang. Bago mag Holy Week.


Nag umpisa sa pagkahol ng aso namin sa sala tuwing alas tres ng umaga. Akala namin nung una may nakikita lang pusa sa may bintana kaya di namin pinapansin. Pero sinasaway namin yung aso tuwing nakahol sya at nakakabulahaw ng kapitbahay. Ilang gabi din kahol ng kahol ang aso namin kada 3am. Pinost ko pa nga sa facebook ang mga pangyayari. Hanggang may nag reply sakin na kaibigan kong may kakaibang kakayahan din.


Sabi nya sakin picturan ko raw yung lugar na kung saan laging kinakahulan ng aso namin. Sabi nya mag sign of the cross muna ako bago ko picturan. So ginawa ko nga, piniktyuran ko tapos sinend ko sa kanya. May kakayahan kasi syang makakita sa piktyur na mga hindi nakikita ng normal na tao. Nung una hindi ako naniniwala sa sinasabi nya. Pero nung sinabi nyang piktyuran ko raw lahat ng kwarto sa bahay namin, dun ako lalong natakot.


Sinabi pa nga nya na kailangan ko raw agad ipa bless ang bahay namin nang mawala ang mga masasamang elemento. Napasugod tuloy ako agad sa simbahan namin para ipa schedule ang house blessing. Simula ng napa bless na namin ang bahay, tumigil na rin sa pagkahol ang aso namin.


Pero etong napansin namin na kada palapit na ang Semana Santa o Santo Santo meron laging nagdo doorbell sa pinto namin sa kalagitnaan ng gabi. Akala ng asawa ko may mga nagpa prank samin o kaya scam na magnanakaw kaya hindi kami nagbubukas ng pinto. Eto pang nakapagtataka yung doorbell namin walang baterya kaya mapapaisip ka. Dalawang beses nangyari yan magkaibang araw at taon.


Yung una nagising kaming mag asawa sa lakas ng doorbell at tulog na lahat ng mga tao sa bahay. Kala namin faulty lang ang doorbell namin kasi alam naming sira na yun at di gumagana. Yung pangalawang beses nangyari mga alas dyes pasado pa lang ng gabi at gising pa kaming lahat, nanonood kami ng tv kaming mag asawa at yung anak ko naman nasa computer sa may tabi ng bintana na malapit sa pinto. Nung tumunog ang doorbell nagtaka kami kasi wala kaming bisita na inaasahan.


Yung anak ko namang nasa computer, sumilip sa bintana at makikita mo agad kung may tao nga sa pinto. Nagtaka sya kasi wala naman daw tao at dalawang beses pang tumunog ang doorbell.


Hindi takot sa multo ang mga anak ko at hindi sila naniniwala sa ganyan kaya dineadma lang nya. Samantalang ako sakto ka chat ko sa fb yung kaibigan kong may 3rd eye, sabi ko nga may nag doorbell sa pinto pero walang tao. Nung una sabi nya baka daw may mga batang dumadaan at pina prank kami. Sabi ko sa kanya kung meron mang dadaan na tao makikita agad namin at yung bintana sa kwarto namin nakabukas dahil sa sobrang init nung mga panahon na yun.


Hindi rin kami nagbubukas agad ng pinto at nag iingat din kami sa mga magnanakaw. Pero biniro ko yung kaibigan ko na sabi ko piktyuran ko sa may bintana na malapit sa pinto at tingnan nya kung may tao nga sa labas. Wag ko raw kalimutang mag sign of the cross sabi nya. Ok sabi ko, napiktyuran ko na at sinend sa kanya. Nag reply naman sya agad at sabi nga nya may tao nga sa pinto at nakatingin pa raw nung kinuhanan ko.


Isang matanda babae at maganda ang mukha. Pero mukha naman daw mabait ar hindi nananakit. Maaari daw ligaw na kaluluwa o kaya kamag anak namin na sumakabilang buhay na binibisita kami. Naisip ko tuloy na malapit na ang kaarawan ng lola ko at araw ng kamatayan naman ng lola ng asawa ko. Hindi namin alam kung sino sa kanila ang dumalaw sa amin pero kinabukasan dumalaw agad ako sa sementeryo at pinagdasal at pinagtirik sila ng kandila.


Minsan kasi sa sobrang busy namin nakakalimutan na namin silang dalawin kaya siguro kami ang dinadalaw nila. Paborito pa naman nilang apo ang asawa ko. Hindi paniwalain sa ganyan ang asawa ko. Kaya pag nagkukwento ako ng mga aswang at multo, tinatawanan lang ako. Salamat po sa pagbasa.


  

Story Archive