Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)



Noong nag aaral pa ako sa kolehiyo, tumira ako sa isang flat sa Dimasalang kasama ang tito ko, ang pamilya niya, at mangilan ngilang boarders. Meron itong tatlong kwarto, isang sala, isang kusina, isang banyo at terrace. Magkakaharap lang ang mga kwarto at sa pinaka gitna noon ay ang sala. Ang kusina naman at ang banyo ay nasa bandang dulo kasunod ng sala. May kalumaan na ang flat na yun, sa katunayan walang nakatira sa first floor at walang ilaw ang hagdanan paakyat sa 3rd floor kung saan kami nakatira.
Madalas walang tao sa bahay lalo't umaga dahil may mga trabaho lahat ng nakatira doon. Dahil nasa kolehiyo ako, madalas half of the day wala akong pasok.
Unang kakaibang pangyayari sa bahay na yun ay palaging nasisira ang lock ng pinto ng kwarto kung saan kami natutulog ng tito ko at ng family nya. Madalas pa naman nasa loob ako ng kwarto kapag nangyayari yun. Ilang beses na yun napalitan pero ilang beses pa ding nasisira sa di malamang dahilan at di ako makalabas kung hindi sisirain ang mismong door knob ng pinto.
Minsang umuwi ako galing school bandang ala una ng hapon, dumiretso ako sa kusina upang kumain. Nadinig kong may naglalakad sa loob ng kwarto ng isa sa mga boarders namin, sa pag aakala kong nandun pa si ate rhea dahil pang hapon ang trabaho nya, tinawag ko at niyayang kumain. Wala akong nadinig na sagot kung hindi ang paroot parito na paglalakad, sumilip ako sa ilalim ng pintuan at nakita ko nga ang anino ng isang tao. Sa pag aakala kong nagmamadali lang marahil dahil baka malate na sa trabaho kaya di na ako pinansin, binalewala ko na lang ang hindi nya sa pagsagot sa alok ko. Nag stay na lang ako sa sala at nanoood ng TV. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at laking gulat ko ng pumasok si kuya sonny (asawa ni ate rhea) kasunod si ate rhea. Napaisip ako kung sino ung nasilip kong anino na naglalakad sa kwarto nila. Hindi na lang ako nagkwento para hindi pagsimulan ng katatakutan sa bahay na yun.
Makalipas ang ilang Linggo, nagparamdam na naman ang kasama namin sa bahay. Naiwan kami ng pinsan kong bata sa bahay, nanonood kami ng TV habang kumakain, sa sulok ng mata ko may nakikita akong nakasilip na itim na anino galing sa kwarto namin, bigla kong nilingon at nakita ko nga ang anino, bigla din itong nawala na parang kisap mata lang. Napatingin ako sa pinsan ko na nakatingin din sa sulok kung saan ko nakita ang anino, naitanong ko na lang kung nakita din ba nya, tango lang ang naisagot ng pinsan kong bata. Sinabi ko na lang na wala yun, nood na lang tayo, para hindi kami magkatakutan at tumakbo pababa ng flat.
Ilang buwan ang lumipas, umuwi ako galing sa school at naabutan ko ang isa pa naming boarders si ate aimee na tulala at nakaupo sa sala. Tinanong ko sya anong nangyari, napaiyak sya habang nagkekwento. Pumunta lang daw sya sa kusina dahil may kukunin sya sa ref, pagtalikod daw nya nakita nya ang isang white lady papunta sa direksyon nya hanggang sa unti unti daw maglaho. Upang makalma si ate aimee, biniro ko na lang kung san ba nya nakita at ginaya ko kunwari ang white lady. Nung gabi na yun, nagpasama sya sa akin matulog sa kwarto nya dahil pumunta sa baguio ang asawa nya at natatakot syang mag isa. Naglalaro kami ng sungka ng makarinig kami ng parang may nagbabasa ng dyaryo sa sala na imposible dahil tulog na lahat ng tao ng mga oras na yun, at dahil maliit lang ang flat, madidinig namin at makikita ang sinag ng ilaw kung may magbukas man ng ilaw sa sala. Tumigil kami sa paglalaro at pinakinggan naming mabuti, maya maya pa ay may narinig na kaming malakas na paghinga na parang nagagalit. Akmang bubuksan ko ang pinto upang lumabas sa sala ng biglang may narinig kaming bumagsak sa lamesa na isang mabigat na bagay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binuksan ko na ang pinto, patay ang ilaw at walang katao tao sa sala. Napatakbo na lang kami pabalik ng kama at nagtalukbong ng kumot. Kinabukasan sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ako makakain at hinang hina ako. Bandang hapon nagsalita ako ng pasensya na sorry na talaga hindi na kita gagayahin na para bang nakikipag usap ako sa white lady sa bahay na yun. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang gumaan ang pakiramdam na para bang nagdahilan lang ako.
Lumipas pa ang ilang buwan at wala naman kami naramdaman sa bahay na yun. Hanggang sa puntong namatay ang tito ko sa cancer. Dahil nagluluksa ang tita ko, minabuti nya na makasama ang mga anak nya sa una nyang asawa. Sila ate aimee naman at ang asawa nya ay bumalik na sa baguio. Sila ate rhea at kuya sonny ay bihira ng umuwi sa flat. Dahil ako na lang ang palaging maiiwan sa bahay, niyaya ko ang mga pinsan ko na dun na lang tumira.
Dumating din ang mama ko at mga kapatid ko dahil magpapa opera naman ang kapatid ko sa ovary. Isang gabing natutulog kami nila mama, pagising gising ako dahil sa pagbukas at pagsara ng pinto sa kwarto namin na para bang galit ang nagsasara. Ilang sandali pa ay nagising ang pinsan ko at pumunta sa banyo, nagising na din ang kapatid ko dahil sumusumpong ang sakit nya sa ovary. Papaidlip na muli ako ng bigla na naman may nagbukas at sara ng pintuan ng kwarto, doon nakita ko ang lalaking itim walang mukha pero pakiramdam ko ay galit sa akin. Nagsabi na ako kay mama ng may multo. Hindi naniwala si mama at sinabing matanda na daw ako para magpapaniwala pa sa ganung bagay. Kinaumagahan habang nag aalmusal kami, nagreklamo si mama na hindi nakatulog ng maayos dahil sa amin, nabanggit pa nya yung sinabi kong may multo. Iginiit ko sa kanya na may nakita nga akong lalaking itim, biglang nagsalita ang kapatid ko at tinanong ako, ate yun bang multo na sinasabi mo may sumbrero na pahaba kagaya ni harry potter? Nagulat ako dahil hindi ko naman binanggit na nakasumbrero yung multo, tinanong ko pano nya nalaman, ang sagot nya sakin " kasi nakita ko sya kagabi nasa tabi mo nakatingin sayo". Ilang araw pa at umalis na kami sa bahay na yun.

  

Story Archive