Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

APARTMENT FOR RENT

Story Rating:

Madami ng cobwebs sa loob kasi raw matagal na siyang di nabu......

Basement

Story Rating:

Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay......

Creepy Stories ( Part 11 )

Story Rating:

Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na kara......

DAYO

Story Rating:

Isang araw, niyaya ako ng kababata ko na magpunta sa Bicol d......

Clinic (by Vivien)

Story Rating:

This is my first time to write such story kaya pagpasensyaha......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

Lamay (Short Story)

Story Rating:

Isang araw may kapitbahay kaming namatayan ng anak. Maganda ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Sa baryo ng San Pedro sina Ambo at Jenny lumipat. Sa alitan ni Ambo at ng ama nitong si Mang Nardo, napilitang mag-alsa balutan ang dalawa lalo pa’t buwan na ng kapanganakan ni Jenny.


Hindi matiis ng mag asawa, lalo na ni Ambo ang paninita ng ama sa lahat ng kanilang ginagawang mag-asawa. Lahat ay may katumbas na panunumbat.


Hiyang hiya ito sa asawa kaya hindi na sila nagdalawang isip pa nang mag-alok ng pansamantalang tirahan ang kaibigan nitong si Berto sa kabilang baryo ng San Pedro.


Unang linggo ng mag-asawa, lubos na kasiyahan ang naramdaman ng dalawa. Mababait ang mga tao, palakaibigan lalo na ang pamilya ni Berto. Kahit kalat-kalat ang mga bahay, nababatid nilang nagkakasundo ang mga tao. Nagkaroon din ng trabaho agad si Ambo bilang taga-gawa sa konstruksyon sa bayan. Ayaw man ni Jenny dahil naiiwan syang mag-isa sa araw, subalit kailangan nilang kumita ng pera.


 


Isang gabi, alalang-alala si Jenny dahil hindi pa nakakauwi si Ambo. Alas-otso na ng magpasya ang buntis na puntahan ang bahay nina Berto na di naman kalayuan sa kanila para mag-usisa.


Nagkaroon daw ng biglaang pagpupulong sa grupo nina Ambo at Berto. Pumalya ang plano ng lider kung kaya’t kailangan nila ng agarang plano para sa solusyon.


Saktong nakabalik na ng bahay si Jenny ng makaramdam ng pananakit ng tiyan. Sa isiping gutom lang ito sa kahihintay kay Ambo, dumalo ito sa hapag kainan at kumain.


Makalipas ang kalahating oras, sumakit na naman ang kanyang tiyan. Doon niya natiyak na manganganak na siya sa gabing iyon.


Dali dali siyang sumigaw ng tulong sa mga magulang ni Berto na kanyang labis na ikinagulat dahil nasa labas na ang mga ito. Ramdam siguro nilang manganganak na ang babae. Lalo namang sumakit ang kanyang tiyan ng pumasok ang dalawang magulang ni Berto sa loob ng bahay.


Mabilisang naghanda ang ina ni Berto ng mga gamit pampaanak samantalang ang asawa naman nito ay madaling tumakbo para tawagin ang hilot sa kanilang baryo. Ayon sa matandang babae, kilala daw itong magaling magpaanak.


Halos di mawari ni Jenny kung ano ang kanyang gagawin sa sobrang sakit ng kanyang tiyan. Agapay naman ang ina ni Berto sa kanya na hindi matukoy ang itsura kung kalmado ba o kinakabahan din.


Kalahating oras pa ang lumipas ng dumating ang ama ni Berto kasama ang isang matandang babaeng naka-damit ng lumang puting bestida. Mahaba ang buhok nito at may kataliman ang mga mata kung tumingin.


“Unang sanggol mo?”, tanong nito kay Jenny na tinanguhan lamang niya. Noon niya lang napagtanto ang maitim at mapulang bibig nito, siguro’y dahil sa pagnga-nganga.


Pumasok ang dalawa pang babaeng alalay ng hilot at naghanda para sa pagpapa-anak. Maraming mga boteng may lamang kung ano-ano ang inilabas ng mga ito. Meron pang krus na nakapagtataka.


Pumuwesto na ang hilot sa unahan ni Jenny samantalang nasa magkabilaang tabi nito ang dalawang alalay. Hawak naman siya sa ulo ng ina ni Berto samantalang ang asawa nito ay nakatingin lamang sa kanila. Nagmamasid at naghihintay.


Patindi ng patindi ang nararamdamang sakit ni Jenny habang umi-ire. Naluluha siya sa isiping hindi niya kasama si Ambo sa mga oras na iyon.


Sa tagal ng kanyang paghihirap, halos nanlalabo na ang kanyang paningin. Habang patuloy syang umi-ire, pakiramdam nya’y umiinit at lumalansa ang kapaligiran. Napapansin nya ring humahapdi ang bawat haplos ng kamay ng hilot sa kanyang kasarian. Wari ba’y tinutusok ito ng mga matutulis na kuko.


Ubod lakas na si Jenny sa pagtutulak sa kanyang tiyan, tagaktak na rin ang kanyang luha at pawis. Kasabay ng paglabas ng sanggol mula sa kanyang sinapupunan, biglang lumamlam ang sindi ng mga gasera.


Kahit hinang-hina siya, kitang kita ni Jenny ang abot tengang ngiti ng ama ni Berto. Subalit hindi ito ang magpagimbal sa kanya.


Sa kanyang unahan, unti-unting nag-iba ang anyo ng manghihilot. Humaba ang mga pangil at tenga nito. Naglalaway itong nakatitig sa bagong silang na sanggol. Ilang minuto pa ay bumukas ang pakpak nitong napakalaki.


Napaiyak si Jenny sa sobrang takot at sa sobrang awa sa sarili dahil wala siyang kayang gawin. Hinang hina na sya at nanlalabo pa ang paningin. Hindi niya rin naramdamang nagulat ang iba pang taong naroon sa loob bagkus ay nakangiti ang mga ito.


Umiyak ng napakalakas ang sanggol na siyang ikina-bungisngis ng halimaw na may malaking pakpak na may hawak nito. Maya maya pa’y may pumasok na iba pang tao sa loob ng bahay. Gutom na gutom at naglalaway ang mga itsura nito.


Walang nagawa si Jenny ng makita nyang pinaghati-hatiang kainin ng mga aswang ang kanyang bagong silang na sanggol. Matapos maubos ito, ay siya naman ang pinagtulungan.


  

Story Archive