Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Totoo ba ang aswang?

Story Rating:

May asawa na ako ngaun at kasalukuyang nagdadalang tao. Naka......

Mama Double Ganger

Story Rating:

1996 nung lumipat kami sa bahay sa Silang Cavite village ito......

Balagtas-Horror Facial Clinic

Story Rating:

Clinic Assistant ako dun for 7months isa sa pinaka memorable......

WHO'S KNOCKING???

Story Rating:

It first started when I was still in my second year of colle......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)


Gabi Ng Lagim


Ang aking kweto ay naganap noong Nobyembre 2010, ako ay mag-isa lamang sa aking bahay, ang akala kong isang ordinaryong gabi ay binalot ng takot na habang buhay kong hindi makakalimutan. Habang ako ay mahimbing na natutulog sa aking kwarto ay may narinig akong isang malakas na galabog sa baba


“BLUG.!!”, na ikinadahilan ng aking pag-gising. Hindi naman ako isang palapansin na tao kaya naman binalewala ko ang ingay na iyon, pero tila may isang bagay na pumipigil sa akin na makabalik sa pagtulog, pinipilit kong muling antukin pero hindi ko magawa, humahanap ako ng magandang posisyon sa kama para makatulog pero ayaw parin umipekto, kaya naman naisipan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig, at habang naglalagad ako sa hagdan papuntang kusina nang marinig ko ulit ang malakas na kalabog “BLUG.!!!”, na ikinagulat ko ng mga oras na iyon, at nalaman ko na nanggagaling sa basement ng bahay ang kalabog, ang basement ay nasa ilalim ng hagdan at katapat ng kusina. Kahit may konting takot sa aking isipan dedma parin akong naglakad papuntang kusina sabay inom ng tubig, hindi ko alam kung bakit uhaw na uhaw ako nung mga oras na iyon kaya tatlong baso ng tubig ang aking nainom. Pero habang iniimon ko palang ang pangatlong baso ng tubig ay narinig ko ulit ang kalabog, pero tatlong beses itong nag paulit-ulit, at tulad nga ng sinabi ko hindi ako ang tipo ng tao na palapansin sa mga bagay-bagay kaya as usual dedma parin.


Pag lakad ko pabalik ng hagdan ay nagpatuloy ang kalabog pero mas malakas at mas madaming beses na paulit-ulit, hindi ko parin sana papansinin ngunit nang mapatapat ako sa harap ng basement bigla itong bumukas at nag patay bukas ang mga ilaw sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ako makagalaw sa aking pwesto dala narin ng takot, at may naaninagan akong babae. Babaeng nakatayo sa loob ng basement pero hindi aninag ang kanyang mukha dahil natatakpan ng buhok ang kalahati nito. Ang tiyak lang ay naka suot sya ng puting bestida na puno ng dugo! Sa mga oras na iyon hindi ko na alam ang aking gagawin pero ayaw na talagang gumalaw ng aking mga paa, at ang hindi ko maisip ay kung bakit ako nakalapit sa babae papasok ng basement samantalang hindi gumalaw ang aking mga paa. Parang ang basement ang kusang umurong papalapit sa akin. At nung nasa loob na ako at halos katapat ko na ang babae, kinilabutan ako sa sunod na ginawa nito, nilapit niya ang kanyang labi at pakiramdam ko ay lumapat pa ito sa aking tainga, sabay bulong, at binigkas niya ang mga katagang


“UMALIS KA SA PAMAMAHAY KO.” sa mahinang tinig, at nag-init ang buo kong katawan dahilan upang makatakbo ako palayo ng bahay,

Pinalipas ko ang gabing iyon sa bahay nang isang kaibigan, at napag pasyahan ko nalang na lumipat ng bagong bahay pero bago iyon napag alaman ko ang dating istorya ng bahay na iyon. Pangatlo na pala ako sa mga taong tumira sa bahay na yon, ang unang pamilyang may-ari ng bahay na ay may malagim na karanasan. Medyo may sira sa pag-iisip ang naging ilaw ng tahanan at lagi nitong iniisip na may kalaguyo ang kanyang asawa kahit wala naman, ilang gabi silang nag aaway ng kanyang asawa sa bintang na kaya ginagabi ito ay dumadaan pa sa babaeng kalaguyo. Hindi totoo ang iniisip ng babae pero dahil na nga sa may sira ang ulo nito, patuloy parin nitong inaaway ang kanyang asawa at hindi nakikinig sa anumang paliwanag. Hanggang isang gabi sa mismong silver anniversary ng mag asawa, laking gulat nalang ng lalaki nang nakita niya ang dalawang anak na nakahiwalay ang mga ulo sa sariling katawan.

Agad nanlumo ang lalaki sa kanyang nakita at nabitawan ang hawak na bulalak at mga pagkain at tuluyang napa luhod at napatingin sa asawang may hawak na itak at nakangiting nakatitig sa kanya, napaiyak nalang ang lalake habang nakaluhod sa dugo ng sariling mga anak, at habang unti-unting lumalapit sa kanya ang asawa.



Kina-umagahan natagpuan ang pamilya sa loob ng bahay na wala nang buhay, nag pakamatay din ang babae matapos nitong pugutan ng leeg ang kanyang mister,

At ang sumunod na tumira sa bahay na iyon ay nakaranas din nang katulad ng aking naranasan, kaya ibinenta nalang din ng huling may ari ang bahay, na sya ding ginawa ko matapos ko maranasan ang kakila-kilabot na pangyayari sa aking buhay…

Wakas…

MALIGAYANG ARAW NG MGA PATAY.!!^^
*Headtaker


  

Story Archive