Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Sabi ng iba kapag nagmahal ka, kahit anong hadlang pa yan kakayanin mo. Kahit sukdulang may isakripisyo ka gagawin mo para lang sa taong mahal mo. Kahit mali pa ito at kahit hindi na malinaw sayo kung ano ang tama at kung ano ang mali.. kahit pa sabihin ng iba na nababaliw ka na.. Nagmamahal ka eh, kaya kahit anong paratang pa yan, iindahin mo.


Isang 19 years old na dalaga ang nakatira sa San Marcelino, ang kanyang pangalan ay Gia. Galing siya sa isang pamilya na masasabing nasa maayos na estado ng buhay. Yung tipong kaya nilang tustusan ang pangangailangan sa pang-araw-araw at bilhin ang anumang gustuhin.


Ang kanilang bahay ay nakatatirik sa kanilang malawak na lupain sa gitna ng bukid. Pinangangasiwaan ng kanyang ama ang kanilang bukirin sapagkat dito din sila kumukuha ng kanilang pinanggagastos. Hindi alintana sa kanyang ama ang hirap kahit mayroon itong mga katulong sa mga gawain, pero sa tuwing sila ay aani, sobra-sobra naman ang perang dumadating sa kanila.


Ang kanyang ina naman ay ang siyang nangangasiwa ng kanilang grocery store sa bayan. Meron siyang nag-iisang nakatatandang kapatid na lalaki ngunit ito ay wala sa kanila dahil isa itong pari.


Dahil sa masyadong busy ang ama at ina ni Gia at kung minsan ay gabi na ang mga ito kung makauwi, siya na lamang ang naiiwan sa kanilang bahay mag-isa. Ang ginagawa na lamang niya ay pumupunta siya sa isang burol at laging doon pinapalipas ang kanyang araw.


Maganda ang burol na iyon, may isang malaking puno ng mangga na nakakaakit kung titignan dahil sa mayabong nitong mga dahon na nakapagbibigay lilim doon. Nagkataon pang panahon ito ng pamumunga noon at hitik na hitik ito sa bunga.


Tuwang-tuwa si Gia kapag pumupunta siya doon dahil sarili niya ito kaya naman nakakapagpahinga siya ng maayos at kung minsan ay nakakaidlip pa siya.


Ngunit nagbago ang lahat nang minsan na pumunta siya doon isang hapon dakong alas-3. Pagkarating niya sa burol, may nakita siyang isang lalaki na nakasandal sa puno ng mangga sa mismong paboritong upuan niya.


Binilisan niya ang lakad at akmang susugurin niya ang lalaki upang paalisin, ngunit napatigil siya nang siya'y makarating at makita ang lalaki. Parang may bigla siyang naramdaman na awa sa lalaki dahil nang magtama ang kanilang mata, napansin ni Gia na sobrang lungkot nito.


"Ano ang pangalan mo? At bakit ka nandito sa lugar na paborito ko? Saan ka nanggaling?, ito ang sunud-sunod na tanong ng dalaga.


"Diyan lamang ako sa kabilang bayan, isa akong sundalo at nagkataon na wala akong trabaho ng ilang araw kaya ako nandito", sagot ng lalaki.


"Ah ganun ba", ang tanging nasagot ni Gia.


Gusto niya sanang paalisin ang lalaki pero may kung anong emosyon ang pumipigil sa kanya dahil sa awa. Kung kaya't siya na lamang ang umalis at nagpasyang babalik na lamang bukas.


Ngunit kinaumagahan, naroon pa rin ang lalaki na nakasandal sa pwestong paborito ni Gia. Imbes na umalis ang dalaga, nagpasya na lamang siyang makipagkwentuhan ng kung anu-ano dito.


Nalaman niya na ang lalaki pala ang tumataguyod sa pamilya nito dahil pumanaw na ang kanilang ama at wala naman pwedeng trabaho sa ina dahil sa katandaan na nito. Nag-aaral din ang kanyang mga kapatid. Kung kaya't tinataguyod niya ang kanyang pamilya sa pagiging sundalo kahit pa napakahirap makipagsapalaran sa trabahong ito.


Lumipas pa ang dalawang buwan at ganoon pa rin ang tagpo, laging nandoon ang lalaki na napag-alaman niyang Joshua ang pangalan. Nais tuloy magtanong ni Gia kung bakit nandito pa rin ito at hindi umaalis samantalang ang trabaho nito ay sundalo, dahil hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na minsan lang din makauwi ang mga sundalo sa kanilang pamilya. Ngunit hindi na lamang siya umimik.


Dumating ang araw na iba na ang nararamdaman ni Gia kay Joshua, at ganun rin si Joshua kaya nagpasya sila para sa kanilang mga sarili. Nabuo ang pagmamahalan na nagsimula sa burol.


 


Palagi ay nagkikita sila, hanggang sa mag-aya si Gia sa kanilang bahay upang ipakilala niya si Joshua sa kanyang mga magulang. Nagset siya ng araw kung saan ipapakilala niya ang kanyang mahal sa mga magulang. Dahil ayaw niya na rin naman itago ito sa magulang.


Nang dumating ang araw na iyon ay tuwang-tuwa siya dahil maipapakilala na niya ang kanyang kasintahan sa wakas. Ngunit nang dumating si Joshua habang naghihintay ang kanyang ama at ina maging siya sa sala, at akmang sasalubungin niya ang lalaki. Nagtaka siya kung bakit hindi man lamang pinapansin ng kanyang ama at ina si Joshua, pulos lang ang tingin ng mga ito sa kanya at napasign of the cross pa ang kanyang ina na halos panawan ng ulirat.


Bigla siyang hinila ng kanyang ama at dinala sa kwarto upang doon siya kausapin.Takang-taka siya kung bakit nito ginagawa sa kanya iyon. Sobrang tampo niya sa kanyang ama dahil iba ang asal na pinakita nito sa kanyang kasintahan.


Hindi niya na alam kung ano ang nangyari kay Joshua dahil hindi na rin naman siya pinayagan ng kanyang ama na magpunta sa burol.


Hindi niya pa rin nakakausap ang mga ito dahil nagkulong na lamang siya sa kwarto simula ng pagbawalan siya.


Hindi rin siya makatakas dahil himalang hindi umaalis ang kanyang ama upang bantayan siya. Waring napakalaking kasalanan ang pagkakaroon ng kasintahan sa isang 19 yrs. old na kagaya niya. Iyak na lamang siya ng iyak.


Hanggang isang hapon, habang natutulog siya sa kanyang kwarto. Naalimpungatan siya sa isang tao na humawak sa kanyang pisngi, nakita niya si Joshua na nakangiti pa sa kanya. Nagtaka siya dahil wala naman itong pwedeng pagdaanan sa bahay pero hindi niya na lang inisip iyon. Pinagtuunan niya ng pansin ang kaligayahan na nararamdaman niya kapag kasama niya si Joshua.


Nabulag na siya ng pagmamahal ngunit wala na siyang pakialam, ang mahalaga ay kasama niya si Joshua.


Laging ganoon ang tagpo nila, lagi siyang nagigising ng hapon o disoras ng gabi na nandoon si Joshua sa kwarto niya at binabantayan siya. Tapos pag nakatulog na ulit siya, mawawala na lamang ito na parang bula.


Naitanim na lamang niya sa isip niya na kahit anong mangyari ay ipaglalaban niya si Joshua.


Isang hapon nagtaka siya sa taong kumakatok sa kanyang pintuan. Hindi niya na halos makasama ang taong ito dahil sa sobrang busy, ngunit ngayon ay nagsadya pa ito sa kanya.


Ito ay ang kanyang kuya na pari. Miss niya na ito kaya kanya itong pinagbuksan ng pinto at kinausap. Pinagsabihan niya ito ng kanyang problema sa mga magulang dahil alam niya na ito lang ang makakaintindi sa kanya. Sinabi pa niya na bukas ay ipapakilala niya ang kanyang kasintahan sa kanyang kuya dahil nakakahanap namn daw ito ng paraan upang mapuntahan siya sa kwarto.


Umalis sandali ang kanyang kuya at sinabing kukuha lamang ng tubig na inumin at tinapay upang makapag-usap sila ng mas matagal.


Lingid sa kaalaman ni Gia ay may balak ang kanyang kuya. Pagdating nito ay pinainom siya ng isang basong tubig. Onti pa lang ang naiinom ay parang sumasakit ang ulo ni Gia at may kung anong nagsasabi na wag niya itong inumin.


Hindi alam ni Gia kung bakit iba ang pakiramdam niya, para siyang nahihilo ngunit bumabalik din sa ayos ang pakiramdam.


Nakita niya pa si Joshua na nasa likuran ng kuya niya. Ngunit nang maubos niya ang tubig, ibang Joshua na ang nakita nito.


Pangit ng itsura. Naaagnas at nangangamoy na parang matagal nang patay. Nahintatakutan siya at umiyak. Natulala siya sa pangyayari at nawalan ng ulirat.


Pagkagising niya ay nakita niya ang kanyang ama at ina maging ang kanyang kuya na nakabantay sa kanya.


Pinaliwanag nila dito na ang kanyang kasintahan ay matagal nang patay at hindi na nararapat pa dito sa ating mundo.


Napag-alaman kasi ng mga ito sa kabilang bayan nang minsang mabanggit ni Gia na taga kabilang bayan lamang ito, na matagal nang patay ang Joshua na kasintahan ng kanilang anak. 1898 pa daw ito namatay sa labanan bilang sundalo. Ang nakababatang kapatid ni Joshua ang kanilang nakausap.


Dinasalan nila si Gia upang maging pangontra nito sa espirito na kanyang minahal.


Masakit man kay Gia pero tinanggap niya. Naliwanagan na ang kanyang isip na hindi sila pwedeng magsama ng kanyang mahal.


Nagpasalamat siya sa kanyang kuya dahil kung hindi ito tumulong hanggang ngayon ay nandoon pa rin sa kanya ang kagustuhan na makasama si Joshua.


Ipinaliwanag ng kanyang kuya na holy water ang kanyang ininom kaya ganun na lamang ang kanyang naramdaman. Nakatali na pala kasi siya sa espiritu ni Joshua kaya hindi niya ito magawang iwan.


Noong ininom niya ung holy water,para daw may kung anong pwersa ang umalis sa kanya at nagbigay ayos muli sa kanyang sistema.


Hanggang ngayon, tatlong taon na ang nakalilipas pero di niya pa rin makalimutan iyon. Yung mga panahon na masaya siya sa piling ni Joshua, pero hindi niya na hinahanap-hanap ang lalaki. Isa na lamang itong di malilimutang istorya na nangyari sa kanya.


Hindi pa niya nababalikan ang burol kung saan sila unang nagkita ni Joshua. Kaya gumayak siya dahil gusto niyang makita na muli ang itsura ng nalimutang burol.


Ganun pa rin naman ang itsura nito, may nakita lamang siyang isang nakatuping papel. Pinulot niya ito at binuksan ng dahan-dahan.


May nakasulat, para ito sa kanya..


Nagulantang siya sa nakasulat, "Akala mo umalis na ako? Hindi pa. Hindi ako aalis hangga't hindi kita naisasama!".-Joshua


Kaya pala sa tuwing natutulog siya ay may dumadamping hangin sa mukha niya kahit nasa kwarto siya, iyon pala ay dahil nandoon pa rin si Joshua. Humahanap lang ng tiyempo kung paano makukuha ulit si Gia..


  

Story Archive