Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

At The Kids' Camp

Story Rating:

This story happened last Friday (May 31, 2019) to my mother ......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

mauulan pa rin at malamig pa rin ang month n yun. 3rd week n......

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago mas pasko. Hindi ko man sya nabubuo madalas pero nag sisismba pa din ako halos tuwing madaling araw. Ang oras ng simba sa amin ay mula alas 4 ng umaga hanggang alas 5, pag katapos namin mag simba ay lagi kaming dumederetso sa simenteryo upang dalawin ang nanay ng pinsan ko na lagi kong kasama mag simba, kasama na din ang kanyang mga barkada na naging kaibigan ko na din. 


 


4th year hign school ako noon, madalas ay namimili na kami ng mga mumurahing regalo para ibalot at ilagay sa aming christmas tree. Madalas dumadating  sa bahay ang kapatid ng tatay ko sa labas na si ST ( di tunay na pangalan) , kasama namin sya nag sisimba. Pipilitin ko sanang kumpletuhin ang Simbang Gabi kaso nag aaral pa ako noon at sa High School, iisa lang ang Schedule kapag HS, dahilan para di ako makabangon ng maaga. 


 


Si ST, dikit sila ng pinsan ko na tomboy na si Mar (Di tunay na pangalan), kaya naman napaaga ang bigay nya ng regalo, isa itong ilaw na palawit na  nag papatay sindi na kulay asul. Nag simba kami kasama pinsan ko GF nya, at si ST. Dibale apat kami


 


Dinala ng pinsan ko un nung simbang gabi, at tulad nga ng nakaugalian pagkatapos namin mag simba, dumretso kami sa sementeryo, iba ang gabi na un kasi parang sobrang dilim, ulitmo ung mga pintura na puti akala mo kung ano na, nag banta na ung pinsan ko na wag na lumingon lingon pa dahil nga ano pa makita. 


 


Nilabas nya ung ilaw na na nag papatay sindi, at masakit sya sa mata, dahil nga madilim at parang maaninag mo sya sa malayo sa sobrang liwanag. Matatanaw din mula sa sementeryo ung Gusali kung san ako nag aaral, Ung ika apat na baytang nun ay hindi na sya ginagamit, sa madaling sabi ay abandonado, usap-usapan sa baytang na un na madami nga daw talagang nag paparamdam don. 


 


Habang tumatakbo ang oras, medyo naiinip ako kaya niloko ko ang pinsan ko na buksan ung ilaw nya at sinabihan ko sya na kung matapang sya eh lumakad nga sya don sa malayo habang bitbit ung ilaw na un. Sabi nya, hindi nya kaya at ako nalang daw, sa pag mamatapang ko ay kinuha ko ang ang ilaw at lumakad papalayo sa kanila. 


 


Habang lumalakad ako ay medyo nahihilo na ako gawa ng patay sindi ng ilaw at tingkad ng kulay nito, nakatingin lang ako sa baba ng napansin ko tila may kasalubong akong tao, kita ko naman na wala talagang tao pero napansin ko na may paa sa harapan ko. Laking gulat ko pa ng sinipat ko pataas ay wala itong katawan at paa lang talaga sya na nag lalakad na tila papalapit sa akin , nanigas at kinilabutan ang buo kong katawan kaya naman hindi agad ako nakakilos. Nang akoy nag balik sa aking katinuan ay agad akong tumakbo pabalik sa kanila na gulat na gulat dahil humahangos ako pabalik, mangiyak ngiyak akong sinasabi kung ano ang aking nasaksihan, sila man ay natakot pag katapos kong sabihin ang lahat, alam nila na totoo ang sinasabi ko dahil bakas sa mukha ko ang takot, nagalit pa nga Gf ng Pinsan ko gawa ng natatakot na din sya at wag na daw namin pag usapan.


 


Sumikat na ang araw kaya umalis  na kami.


 


 


Kinabukasan, kinalimutan ko ang lahat at maigi pa na mag simba nalang ulit para makalimot ako sa nangyari. Tulad ulit ng nakaugalian, nag punta kami sa sementeryo upang doon magpalipas ng oras.


 


Hindi na ako kumilos, pero lilinga linga ako sa paligid, iba na ulit pakiramdam ko dahil  nga sa nangyari kahapon, parang may naaninag ako na mga kakaiba pero alam kong pintura lang sila ng mga haligi sa sementeryo. Pagkatapos ng ilang saglit. Nakapansin ako ng isang puti na nakasandal sa isang haligi ng Pader, inaninag kong mabuti baka nga naman pintura lang sya, pero hindi, unti unti itong naging malinaw at nakita kong tila isa syang babae at punit punit ang damit nito na parang nakapang kasal, at ang matindi pa nito ay wala syang mukha at hindi ko mawari ang kanyang itsura, pagkatapos ng ilang segundo ay bigla itong naglaho, hindi ko na ibig sabihin pa ito sa kanila dahil baka matakot nanaman sila at mapagalitan pa ako.


 


Yung sunod na pang yayaring un ang nag papaniwala sa akin na  totoo pala sila, minsan siguro yung ibang tao gawa gawa lang pero sa aking pagkakaalam at sariling Experience, andyan lang sila sa paligid, nag mamasid, nakatingin sayo, hindi mo alam minsan magpapakita nalang sila ng  hindi mo inaasahan. Ano ang gagawin mo?


  

Story Archive