Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


ANG BATA SA LIKOD NG BLACK BOARD


 


Isa akong teacher noon sa isang pribadong paaralan sa aming bayan. Medyo malayo ito sa aming baranggay para makarating dito ay kailangan ko pang sumakay sa tricycle papasok ng eskwelahan. Mabuti na lang ay may service kami, ang aking bayaw. Nag-aaral din kasi sa paaralan na yon ang anak nya at isa pang pamangkin ko. Medyo liblib ang lugar ng paaralan pero nasa gawing bukid ito at kahit maliit ang sahod ay pinagtyagaan ko na.


 


Mayroon kaming estudyante doon na napaka cute at bibong bata si Rein (hindi nya tunay na pangalan). Si Rein ay mabait na bata at matalino.


 


Nagsimula ang mga naranasang kababalaghan kay Rein isang umaga.


Routine na sa paaralan ang pagsasagawa ng flag ceremony tuwing umaga lalo na sa mga elementarya, at syempre pagkatapos non ay papasok na sa kanya- kanyang silid ang bawat grade. Ang room ko ay nasa gitna at ang room naman nila Rein ay nasa pinakadulo malapit sa CR at sa gilid nito ay isang bakanteng espasyo na puro halaman na matitinik at ikot na ito ng mataas na bakod. May isang blackboard doon na nakalagay paharap sa pinto ng CR. Ito ay ginagamit namin kapag may mga anunsyo na kailangan malaman ng mga magulang o kaya ay pagdiriwang. Hindi naman ito nakakaabala kapag gumagamit ng CR.


 


Habang nasa klase si Rein ay nakaramdam sya ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam sya sa kanyang guro na iihi lang. Pumayag ang guro nya at dali dali ng lumabas si Rein sa kanilang kwarto para umihi. Ng nasa loob na sya habang umiihi ay may itim na aninong dumaan sa harap ng CR (ang pinto kasi ng CR ay plastik at may mga maliliit na siwang na syang nagsisilbing bentilasyon at nakikita din dito kung may tao sa labas) nakita nya itong umikot papunta sa likod ng blackboard paharap sa CR. Nakapalda ito, kaya inakala nya na kaklase nya na gagamit din ng CR. Kinausap nya ito, pero hindi ito sumagot. Kaya nagmadali na sya upang makagamit na ang susunod sa kanya. Nakita pa nya na nakatayo ito sa labas, pero ng buksan nya ang pinto para lumabas ay nakita nya na walang estudyante na nakatayo sa likod ng blackboard. Nakaramdam sya ng takot pero nilakasan pa din nya ang kanyang loob kahit na kinakabahan ay umikot sya sa gilid para tignan kung pinagtaguan sya, pero wala syang nakitang bata. Nang maisip nya na nagiisa lang sya ay nagtatakbo syang pumasok sa kanilang room at mangiyak- ngiyak na sinabi sa teacher nya ang nangyari sa kanya.


 


 


ANG MATANDANG LALAKI


 


Hindi inaasahan ni Rein na masusundan pa ang kababalaghang nangyari sa kanya. Nangyari ito habang papasok sila ng eskwelahan ng kuya niya.


 


Maagang pumapasok sina Rein at ang kuya niya na si Niel (hindi tunay na pangalan) sa paaralan dahil maaga ang flag ceremony at kagaya namin sa kabilang barangay din sila nanggagaling. Ang daan nila ay lubak-lubak at nasa gilid din ito ng creek na ginagamit ng mga magsasaka bilang irigasyon ng tubig. May service din sila na tricycle, mababa lang ang sidecar nito na may mababang salamin sa harap. Makikita mo dito ang nasa harapan ng tricycle kahit nakaupo ka at sa likuran naman ay bukas para makapasok ang hangin.


 


Isang umaga habang lulan sila ng tricycle; mabagal lang ang andar dahil sa baku-bakong daan ay may nakita si Rein na isang matandang lalaki na naglalakad sa unahan nila papasalubong ito sa kanila. Nung una akala nya ay simpleng matanda lang pero ng malapit na sila at matapat sa matanda ay nagulat sya dahil halos maligo ito sa dugo at halos madurog ang ulo nito sa pagkakaipit. Halos sumabog ang puso nya sa sobrang kaba dahil sa takot na nadama ng makita nya ito pero hindi nya magawang makasigaw dahil parang may pumipigil sa lalamunan nya. Hanggang sa malampasan na nila ito ay hindi pa rin mawala sa isip nya ang kanyang nakita, kaya kahit natatakot ay nilingon nya pa rin ito at nakita nya na patuloy pa ring naglalakad ng normal ang matanda. Nagtaka ang kuya ni Rein sa kanya dahil lingon sya ng lingon kaya tumingin din ito sa likod. Tinanong sya kung ano ba ang nakikita nya bakit sya tingin ng tingin sa likod, at masama ba ang pakiramdam nya dahil namumutla sya at nilalamig.


 


Hindi na nilihim ni Rein ang mga nakita nya sa kuya nya at sa driver ng tricycle sinabi nya na may nakita syang matandang lalaki na naglalakad at duguan. Nagtatakang napatingin sa kanya ang dalawa at sinabi na wala silang nakita. At naalala nung driver nila na nung gabi na yon ay may isang matandang lalaki ang nasagasaan at nakaladkad ng trak habang ito ay naglalakad pauwi napisak ang ulo nito na agad ikinamatay. Sabi na lang nung driver kay Rein na ipagdasal yung matandang lalaki. Malamang na hindi pa nito alam na patay na sya kaya patuloy pa din itong naglalakad pauwi sa kanila.


  

Story Archive