Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Wala akong third eye. Hindi ako nakakakita ng mga multo. At kung meron man akong nararamdaman, palagi akong naghahanap ng rason o science sa likod nito. 6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saan nai-kuwento ko dito sa website ang mga kababalaghang nangyayari dun. Lumipat na ko ng ibang trabaho. At ngayon base pa rin sa mga kwento, isasalaysay ko sa inyo ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa eskwelahang pinagta-trabahuan ko.


 


1.  Si Roy, isang janitor, pang-gabi ang duty nya. Bawat janitor ay binibigyan ng mga floor assignment. Kung anong floor ng building ang ma-assign sayo, dun ka maglilinis. Alas otso ng gabi, kinuha na ni Roy ang mga gamit pang-linis. Karaniwan wala nang estudyante sa building na yun ng ganung oras. Pumunta na sya sa harap ng elevator. Bumukas na ang pinto at tulad ng kadalasan, walang taong laman ang elevator. Sumakay na si Roy, pinindot ang "6" at hinintay na magsara ang pinto. Nang magsimula nang umakyat, napansin ni Roy ang nakasarang pinto ng elevator. Nakaharap sya dito. Napa-titig sya nang matagal. Malinaw ang silver na pinto nitong gawa sa stainless steel. Parang salamin ito kung saan nakikita pa nya ng bahagya ang reflection nya rito. Pero hindi yun ang nakapagpa-titig sa kanya ng ganun nalang.


Dahil sa pinto ng elevator, kitang kita nya ang reflection nya, pati ang reflection ng mahigit na 5 tao sa likod nya! Hindi malinaw ang mukha ng mga ito, nakikita nya sa pinto na may mga kasama sya sa loob ng elevator! Hindi kumikilos ang mga tao sa likod nya. Dahan dahan nyang ginalaw ang mga mata at tinignan ang magkabilang tagiliran nya. Sigurado syang wala syang kasama dun! Ipinikit nya ang mata pero pagdilat nya ay nandun pa rin sa reflection ang mga taong nasa likod nya! Nakita ni Roy na nasa 3rd floor na sila. Agad nyang pinindot ang "4" at bumukas nga ang pinto sa 4th floor. Patakbong lumabas si Roy, saka lumingon pabalik. Walang tao sa elevator! Lalong napatakbo si Roy at ikinwento agad sa mga kasamahan ang naranasan.


Sabi ng kasamahan nya na isa ring janitor, ito rin ay may ganung experience. 10pm daw non nung mag-OT ito. Pauwi na ito at pababa na sa ground floor nang sa pagbukas ng elevator isang lolang may kasamang bata ang nakita nito. Marumi ang mga damit at mukhang mga pulubi. Nakatungo at nakatingin daw sa flooring ng elevator ang matanda at ang bata. Tinanong daw ng kasamahan nya kung saan pupunta ang mga ito. Tumingala raw ang matanda, tumitigtig sa kanya saka dahan dahang ngumisi. Tulad ni Roy, napatakbo nalang din ang kasamahan nya. 


 


2. Si Ms. Ana ay isa sa mga boss sa department namin. Nung buwan na yun, August 2009, nag-decide na mag-leave at mag-out of the country si Ms. Ana. Kasabay non ay pina-attend na rin sya ng seminar ng aming school sa ibang bansa rin. 2 months syang nawala. Ang kwarto nya sa office namin, naka-lock at walang nagbubukas. After 2 months, bumalik na si Ms. Ana. Binati namin sya ng "Welcome back!" at dumiretso na sya sa kanyang office. Hindi pa lumilipas ang ilang saglit nang tawagin nya kami at pinapapasok sa kwarto nya. Nagmadali naman kami. Sabi nya


"Guys, tignan nyo to!", turo nya ang computer nyang nakapatay na bahagyang napuno na ng alikabok dahil sa dalawang buwan nyang pagkawala.


Tinignan naming mabuti ang computer nya. At nakita nga namin ang tinutukoy nya! Sa screen ng computer, malinaw ang mga bakas ng kamay ng isang bata! Kasing laki ng isang batang nasa 4-5 years old. Apat na bakas ng kamay na nakalapat sa screen ng monitor ni Ms. Ana. Kinalibutan kami, dahil alam naming walang ibang nakapasok sa kwartong iyon. At kung may officemate man kaming magdala ng kanilang mga maliliit na anak ay sigurado namang hindi sila ang may gawa ng mga bakas na iyon. Simula non, kapag may mga naririnig na kaluskos sa office, lagi na nilang sinasabi na gawa yun ng batang multo. 


 


3. June 10, 2017: Sabado, half day lang ang pasok namin. At ako lang ang pumasok sa department namin. Nasa pinaka-unahan ang cubicle ko at halos kaharap ko lang ang main door ng office namin. Pagpasok ko sa office binuksan ko ang ilaw sa parte lang ng cubicle ko. Ang bandang gitna at dulo ng office, nanatiling madiliim. Nagbukas ako ng computer at nagpa-tugtog sa YouTube. Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig nang may marinig akong tunog ng nagbubuklat ng libro. Basta tunog ng papel. Alam kong wala akong kasama sa office kaya nagtaka ako. Nilakasan ko ang sounds at tugtog sa YouTube. Pero lumakas din ang tunog ng mga papel na binubuklat kaya hindi na ko nakatiis! Tumayo ako at dahan dahang naglakad. Paunti-unting sinisipat ko ang madilim na bahagi ng office. Tumalon ang puso ko!--nang biglang lumabas si Sir Visperas, ang isa sa mga professor.


"Sir! Andyan ka pala, jusko nagulat ako!" sabi ko


"Kanina pa ko andito."


"Akala ko wala akong kasama, kinabahan tuloy ako. Teka bubuksan ko switch ng ilaw"


"Ay wag na, paalis na rin ako"


"Eh bakit ka nag-stay dun sa likod ang dilim dilim dun" sabi ko.


"Ok lang may tao rin dun." sabi ni Sir Visperas.


"Sir walang tao dun." medyo naalarma ako.


"Meron, merong nagta-type sa keyboard narinig ko"


"Sir ako lang mag-isa dito. Wala ako narinig na nagta-type, ang narinig ko parang nagbubuklat ng libro. Ikaw ba yun?"


"Ay hindi ako yun, pero narinig ko rin na may nagbubuklat ng libro at nagbabasa. Kanina pa ko nagce-cellphone eh. Sure kang walang tao dun?"


"Sir sigurado ko. Bakit may narinig kang nagta-type sa keyboard! Hala!"


Nagkatawanan nalang kaming dalawa ni Sir. Umalis na sya at naiwan ako. Binuksan ko lahat ng ilaw sa office. Bumalik ako sa cubicle ko at nanood nalang ng mga nakakatawang video sa YouTube with matching maximum volume! Pero deep inside nagdadasal ako na sana walang magpakita saking kahit na ano!!


 


4. Bago nangyari ang mga narinig ko nung Sabado ay isinama ng isang officemate ko ang bunsong anak nya nung Friday. 5 years old ang anak nyang babae na si Oreo. Madalas na syang sinasama ng officemate ko sa opisina kaya kilala na namin ang bata at sanay na rin sya samin. Tahimik na bata si Oreo, behave, hindi iyakin, hindi sumpungin, masunurin sa sinasabi ng mama nya. Kapag nasa office sya pinapa-pwesto lang sya ng mama niya sa isa sa mga bakanteng cubicle na katabi lang ng cubicle ng mama nya at maghapon lang nyang nilalaro ang mga baon nyang toys, masaya na sya dun. Nung Friday ng hapon narinig namin na nagsusumbong si Oreo sa mama nya. May pumalo raw sa pwet nya. Nung tanungin namin sino ang pumalo sakanya, umiyak na si Oreo.


"Sino pumalo sayo Oreo?", tanong namin.


"Anak tahan na, sino pumalo sayo sabihin mo kay Mommy."


"Mommy yung pumalo sakin, hindi sya tao," umiiyak pa rin si Oreo. Humahagulgol at humihikbi. Niyakap ni Ms. Belle ang anak at pinatatahan. Ang iba kong officemate tinry din na patahanin si Oreo. Pero ayaw tumigil sa pag-iyak ng bata, at napakalakas ng kabog ng dibdib nito.


"Sige na anak, sino pumalo sayo? Sabihin mo kay Mommy. Nakita mo ba yung pumalo sayo?"


"Opo", sagot ni Oreo.


"Sino? Anong itsura?"


Nang magsalita si Oreo para i-describe ang umano'y namalo sa kanya lahat kami ay nakinig. At hindi namin inaasahan ang sinabi nya.


"Monster Mommy! Pula yung kamay, orange yung katawan tapos maraming balahibo. Sobrang laki ng mga hita nya. Malaki yung mata saka mahaba ang buhok parang kay Rapunzel. Sino yung pumalo sakin? Hindi sya tao Mommy!" 


Lahat kami kinilabutan. Nung una kasi'y pare-pareho pala kami ng naiisip, na baka yung batang multo ang pumalo sa pwet ni Oreo. Pero sa narinig namin, parang itsura ng demonyo ang inilalarawan nya! Mga ilang minuto din ang lumipas  bago napatahan si Oreo. At kaming mga officemate ko, bukod sa kaluluwa ng isang batang ligaw, ay may bago na namang kinatatakutan. Gawa lang kaya ng malikot na isipan ng isang bata ang nakita nya? Hindi kaya isa itong elemento? O di kaya totoong ang nakita nya ay isang demonyo?


  

Story Archive