Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Ang kwentong ito ay base sa tunay na pangyayari sa aking buhay na hindi ko inasahan. Ako ay isang Call Center Agent at given naman na hatinggabi na ang aking pasok.


Noong araw na yon, 2 AM ang pasok ko at alam kong maaga pa ang 11:30 para umalis ng bahay at pumasok, pero dahil nga madalang ang masasakyan kung mas late pako aalis samin, e mas minabuti ko ng pumasok nalang ng maaga. Lagi akong dumadaan sa eskinitang aking iku'kwento pero minsan pa lang nangyari sa buhay ko itong kagimbal gimbal na pangyayari.


This happened on March 11, 2017 at exactly 11:45 PM. Habang naglalakad ako sa eskinita palabas ng High Way para mag-abang ng masasakyan, ay naisipan kong tawagan ang aking team mate sa trabaho na si Ella upang ayain muna magkape at magyosi bago kami pumasok tutal maaga pa. 


*** Ring, ring, ring...


Ella: "Hello friend, napatawag ka?"


Ako: "Hello besh, ano naba? Diba pareho tayo schedule?"


Ella: "Oo friend, bakit?"


Ako: "Asan kana? Maaga kaba papasok? On the way nako e, maaga pa kaya magkape at yosi muna sana tayo."


Ella: "Ay oo friend, on the way na rin ako, alam mo namang hirap ng sasakyan kung mamaya pako papasok. Sige yosi at magkape muna tayo, maghintayan nalang tayo sa main gate".


Ako: "Mabuti naman, haha. Oo sige, hintayan tayo sa main gate". 


Ella: "Teka lang friend, bakit ang ingay dyan? Asan kaba now?"


Ako: "Huh?? Anong maingay? Eh tahimik nga dito, asa eskinita pako saamin, naglalakad".


Ella: "Gaga ka, eh anong tahimik ka dyan, ang ingay ingay nga parang ang dami daming tao naguusap at nagbubulungan."


Natahimik ako bigla sa sinabi ni Ella, at tinignan ang aking paligid habang ako ay naglalakad. Wala namang ibang mga tao sa paligid ko, at ako lang talaga mag-isa. Nagsimula na akong kabahan ng mga oras na iyon at binilisan ang aking lakad, bumilis rin ang pintig ng aking puso pagkat alam kong may hindi magandang nagaganap.


Ella: "Hello friend? Andyan kapa ba?"


Ako: "Oo te, nakakaloka ka ha! Wag mo akong tinatakot dahil wala naman akong kasamang ibang tao sa paglalakad ko dito, ako lang talaga magisa, at isa pa--hatinggabi na te."


Hindi na nakasagot pa si Ella, dahil bigla nalang namatay ang cellphone ko. Hindi naman ito lowbat kanina dahil alam kong chinarge ko ito bago ako umalis ng bahay.


Kinabahan na talaga ako kaya medyo tumakbo nako palabas ng eskinita. Bago ko pa ilahad ang mga susunod na pangyayari, hayaan nyo muna akong ilahad and itsura ng eskinitang ito. 


Kung palabas ka at papunta ka ng highway, sa kaliwang bahagi ay isang bakanteng lote na may abandonadong bahay na sa pagkakalaam ko ay may 20 years nang abandonado. Sa kanang bahagi naman ay isang paaralang pang-elementarya. Higit na pupukaw talaga ng pansin mo dito ay ang abandonadong bahay sapagkat lumang luma na talaga ang itsura nito at napapalibutan ng mga puno ng mangga. 


Alam ng lahat ng tao sa baranggay namin na maraming lamang lupa na ang naninirahan dito at mga ligaw na kaluluwa kaya naman wala ng naglalakas pa ng loob upang ipademolish ang bahay na ito.


Balik na tayo sa eksena. Ako nga ay tumakbo na palabas ng eskinita at dali daling lumipat na ng kalsada. Pero bago pa man ako makalipat, ay naramdaman kong humihip ang malakas na hangin at parang hinihigop ako pabalik sa eskinita. Ako ay nagdasal ng "Our father at Hail Mary", pagkatapos noon ay biglang tumahimik at nawala ang malakas na hangin.


Tinuloy ko na ang pagtawid ko sa kalsada at hindi na ako tumingin pa sa'king likuran. Pakiramdam ko'y ang bigat bigat ng katawan ko. Pagtawid ko ng kalsada ay syang pagharap ko naman sa nasabing eskinita. Heto na ang nagpagimbal ng aking gabi. 


Saktong pagharap ko, ay humihip nanaman ang malakas na hagin at parang nagiba ang aking paligid. Tila nasa ibang dimensyon ako, makalumang dimensyon at puro buhangin at lupa ang paligid, at mga lumang kabahayan. Parang panahon pa ng mga kastila ang aura. Tuyong tuyo ang paligid.


Talagang nakakatakot ang lugar at makaluma ang lahat ng aking nakita ng mga oras na iyon pero wala akong nakikitang mga tao o nilalang. Muli, ako ay umusal ng dasal at pumikit, naging tahimik ang paligid pero ramdam ko pa rin ang malamig na hangin. Hindi pa ako natapos sa pagdadasal ko ng biglang nakarinig ako ng busina ng isang sasakyan.


Ayan na ang sasakyang aking pinakahihintay at sa wakas ay naka sakay nako. 12:10am na noong mga oras na yon. Bago pa man umandar ang sasakyan ay napatingin akong muli sa eskinita, at dooy nagulantang ako sa aking mga nakita. Hindi ko alam ang saktong bilang nila pero sila'y pawang mga ligaw na kaluluwa. May mga lalaking sobrang tangkad na pawang mga kastila, mga babaeng nakasuot ng puting blusa at lumulutang sa hangin, at mga kabataan ang itsura ay madudungis, lahat sila ay walang mga mukha at hindi ko mawari kong ano ang nais nila. Hindi ko maipaliwanag at maintindihan ang mga pangyayari.


Isa lang ang malinaw sa aking isipan ng mga oras na yun, ako ay napaglaruan ng mga ligaw na kaluluwa. Laking pasasalamat ko dahil hindi naman nila ako sinaktan. Pagdating ko sa trabaho ay iknwento ko agad ito kay Ella, sya ay hindi makapaniwala noong una ngunit kinalaunan ay naniwala rin. Yung cellphone ko nga pala, pagka on ko ay 86%. Diba? Nakakaloka. 


Nagresearch ako sa internet ng mga pangyayaring gaya ng akin, at napag alaman kong hindi lang ako ang nakaranas ng ganoon. Tinutukoy ko ay yung pag-iba bigla ng dimensyon. Nangyayari pala talaga ito kapag nais ka talagang paglaruan ng mga kaluluwa at gusto ka nilang isama sa mundo nila. Dapat daw ay magdasal ka kapag may ganoong pangyayari (which is ginawa ko naman), at mas makakabuti kung may ibang bagay ang pupukaw ng atensyon mo (the jeep).


Sobrang thankful ako dahil wala namang nangyaring masama saakin. Kaya ngayon, tuwing papasok ako at dadaan sa eskinitang sinasabi ko, ako ay may bitbit na rosaryo at pocket bible which is effective naman. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito sa aking buhay, at isa lang ito sa napakarami ko pang karanasang kababalaghan. Maraming maraming salamat sa pagbabasa. 


  

Story Archive