Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Mga Putol na Kamay (Short Story)

Story Rating:

Nakatira kami noon sa Project 4 Quezon City sa bahay ng mga ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated 0(/5)
by 0 user(s)


(true story)


Gusto ko lang ishare ang istoryang ito. It wasn't my story, this was my Papa's experience when he was still young, which he always tell us.


Sa province nakatira sila Papa kaya siguro na-experience nya ang gantong bagay. Bata pa daw siya nun, mag-i8years old palang. Isang gabi daw, nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. May lagnat daw siya that time. Nakaramdam siya ng gutom kaya bumangon daw siya at pumunta ng kusina nila. Kumuha daw siya ng kamote dahil yun daw ang hapunan nila ng gabing iyon. Habang kumakain siya ay napatingin siya sa bintana, bukas ang bintana nila. Hindi niya alam baka nakalimutan lang isara. Nang mapatingin ulit siya sa bintana ay may nakita na siyang maliit na tao na nakatayo doon. Maliit lang talaga at tantya niya'y kasing laki lang ng palad ng malaking tao. Nakasuot ito ng makulay at mukha itong masaya, pinapadyak padyak pa nga daw nito ang mga paa at ipinapalakpak ang mga kamay sa mga hita nito.


Dahil bata pa nga siya ay hindi naman daw siya nakaramdam ng takot o pagtataka. Isa pa ay matapang na bata daw si Papa, hindi nga daw siya umiiyak noon pag pinapalo. Basta ang ginawa lang daw niya ay pinagmasdan daw niya ang maliit na tao. Pero nang puntong sinesenyasan daw siya nitong lumapit ay dali-dali na daw siyang bumalik sa higaan nila ng mga kapatid niya.


Kinabukasan ay kinwento niya daw ito sa nanay niya, lola ko, pero hindi daw ito naniniwala, marahil bunga lang daw iyon ng mataas na lagnat niya.


Nang sumunod na araw habang naglalaro daw siya sa malapit na puno sa bahay nila ay nakita niya daw ulit ang maliit na tao. Nakatayo ito sa malaking bato na malapit sa punong iyon. Ganun ulit ang ginagawa nito, pumapadyak at pinapalakpak ang mga kamay sa mga hita. At muli, hindi pa rin naman daw siya nakaramdam ng takot. Hindi naman daw kasi ito mukhang nakakatakot dahil mukha itong masaya. Kaya imbis na takot ay naaamaze pa nga daw siya.


Nang sumunod na araw ay napagalitan daw siya ng tatay niya, lolo ko, takot na takot daw siya dahil namamalo daw talaga ito. Tumakbo daw siya at hinabol siya ng lolo ko. Nang mapagod ay nagtago daw siya sa puno ng bayabas. Umupo lang daw siya sa tabi nito. Maliit lang daw ang puno ng bayabas kaya pag nahabol siya ng lolo ko ay siguradong makikita daw siya.


Sa pagod ay hindi niya daw namalayang nakatulog na daw pala siya. Maya-maya ay nagising siyang naririnig ang tawag ng lolo ko. "Yoli! Yoli! hain na ka?!" (Nasaan ka na?). Paulit-ulit lang daw si lolo kakatawag sa kaniya.


Nagtataka daw siya kung bakit hindi daw siya nakikita ni lolo eh halos nasa harapan na nga daw niya ito nagtatawag. Paikot ikot na nga daw ito sa puno ng bayabas kung saan naroon siya. Maya-maya ay nakita ulit niya ang maliit na taong nakikita niya. Nakatayo ito sa tabi niya at ngumingiti-ngiti pa daw. Nang mga panahong iyon yun, wala daw talagang nararamdamang takot si Papa at wala rin daw siyang naiisip na kung anu.


To make the story short, hindi nga siya nakita ni lolo pero umuwi naman din daw siya maya-maya. Iyon na daw ang huling pagkikita nila ng maliit na taong iyon. Dahil nang sumunod na araw ay lumipat na daw sila ng tirahan.


Matanda na daw si Papa nang marealize niya kung ano yung nakita niya. Dahil din daw sa mga naririnig niya kaya naisip niyang baka duwende nga iyon. At naniniwala daw siyang may kapangyarihan nga ang mga ganung nilalang dahil sa nagawa nitong gawin siyang invisible sa harap ni lolo.


Noong una kaming nakarating sa probinsya ng kapatid ko, 2002 iyon ay tinuro niya saken ang puno kung saan may katabing malaking bato na iniisip niyang tirahan daw ng duwendeng iyon. Pero wala na ang malaking bato na iyon at may maganda naring bahay na nakatayo malapit sa bahay na iyon.


At dyan na po nagtatapos ang kwento ko. :-)


//please follow my facebook page po pala, leigh's writings. thanks. :-)// 


  

Story Archive