Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

School Stories 2

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old. Gusto ko lang ishare......

OPISINA (Story 1)

Story Rating:

Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang Buildin......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


 Ako si Sharon. At ito ang ilan sa mga personal kong karanasan. 


1. May interview ako noon sa isang kompanya sa Ortigas. Commercial building sya kaya iba-ibang kompanya ang nasa building na yun. 23rd Floor ang pupuntahan kong opisina. Nakita kong galing sa Basement 1 ang elevator, huminto sa ground floor at dun nga ako sumakay. Pagpasok ko dalawa lang kami sa loob ng isang lalaking nakasuot ng amerikana. Parang sobrang formal ng pupuntahan nya. Naisip ko boss siguro sya sa isa sa mga kompanya dun. Matanda na sya, parang mga nasa early 60s. 


“I’m so sorry, 17th floor please.” Narinig kong sabi ng matanda sakin. Nilingon ko sya sa likod, medyo may kalakihan kasi yung elevator at dahil dalawa lang kami hindi ako dumikit sa kanya nung pumasok ako. Nasa sulok sya at nasa malapit ako sa pinto, sa may pindutan ng floor numbers.


Nginitian ko sya at pinindot ko ang 17th floor. Nagce-cellphone ako habang umaakyat yung elevator nung tumunog at bumukas sa 17th floor. Nagtaka ko nang hindi lumabas yung matandang lalaki. Pa-simple akong lumingon sa likod ko para sana i-inform sya na 17th floor na, pero walang tao dun. Ako lang mag-isa sa elevator. 


2. First week of July 2018 nagpunta ko sa isang malaking ospital sa Ortigas, Pasig City. Nasa 5th floor ang clinic ng doctor ko, at nang matapos ang check-up ay nag-hintay ako ng pababang elevator. Pero natagalan ako at nag-decide na mag-hagdan na lang. Hinanap ko ang Fire Exit at bumaba na nga lang ako ng hagdan. Pagbukas ko ng pinto may nakita akong janitor na nakatalikod, nakaharap sa pader, may hawak na mop, at may mop bucket sa tabi. Hindi ko sya pinansin at bumaba na ko. Pagdating ko sa 4th floor, nabigla ako nang makita ko yung parehong janitor! Nakatalikod sa pader, may hawak na mop, syang sya yun! Iba na ang pakiramdam ko. Tinitigan ko sya habang dahan dahan akong bumababa. Nakalapit na ko sa kanya at wala namang nangyari, patuloy pa rin sya sa pagma-mop. Nagpatuloy akong bumaba papuntang 3rd floor, at hindi ako nagkamali, andun ulit sya. Nagulat ako nang magsalita yung janitor.


“Huwag mo syang gagalawin” sabi ng janitor. Parang bumubulong lang.


 “Ano po?” Hindi ko alam kung bakit pa ko nagtanong, parang automatic na lumabas sa bibig ko kasi narinig ko syang nagsalita eh.


“Sa taas mo.” sabi nung janitor.


Napatingala ako sa itaas. Nakita ko may babaeng naka-lutang sa kisame! May malalaking tubo sa itaas, at nakasabit dun yung babae, itim ang damit , itim ang balat, gulo gulo ang buhok, mukhang taong grasa! Hindi ko makita ang mukha nya dahil bukod sa itim ang balat nya halos natatakpan na rin yun ng buhok. Biglang uminit ang pakiramdam ko, sumakit ang batok ko, pinagpawisan ako bigla.


Napatakbo ko sa hagdan pababa sa 2nd floor. Pagdating ko sa 2nd floor may 3 babaeng nagbukas ng pinto ng Fire Exit, baba rin sila sa hagdan. Medyo kumalma na ko dahil may kasabay na ko pababa sa ground floor.


3. Nag-iinterview ako ng mga applicant sa dati kong trabaho. 4:30 pm na yun, nakatapos na ko mag-interview ng 4 na applicant. Medyo pagod na ko kaya sinilip ko kung ilan pa ang naka-pila. Nakita kong may 3 babae pang naka-upo sa labas.


“Tatlo nalang ba kayo?” tanong ko sa isa sa mga babae. Lumingon sya sa mga katabi nya, pero hindi sya sumagot. Parang nahihiyang sumagot.


“Last na kayo?” iniba ko ang tanong. At sumagot nga ng “Opo” yung babae.


Pinapasok ko na yung isa at ininterview ko na. Nang matapos sya at lumabas hihintayin daw nya matapos yung isa dahil friend daw nya yun, so bumalik sya sa inuupuan nya kanina. Pinapasok ko na yung isa pang girl.


“Papasukin mo na rin yung isang girl ah.” Sabi ko dun sa ininterview ko pagkatapos ko syang kausapin.


“Uhm, Ma’am wala na pong kasunod, ako na po yung last” mahinahon nyang sabi sakin.


“Diba tatlo pa kayo dun sa labas?”


“Hindi po, dalawa lang kami. Nagtaka nga po kami nung nagtanong po kayo kanina kung tatlo nalang kaming natitirang for interview.”


Tumayo ako, lumabas kaming dalawa sa maliit na interview room. Nakita ko sa labas ng kwarto nakaupo yung isang girl na na-interview ko na kanina. Hindi ko na makita yung isa pang babaeng kasama nila.


“Wala ba talaga kayong kasama kanina? Katabi nyo, naka-pantalon, naka-sandals, may back pack na pula, nakatali ang buhok.


“Wala po Ma’am, dalawa lang po kami talaga, kami na po yung last.”


Sobrang takang taka ko. Hindi ako pwedeng magka-mali, may kasama pa sila kaninang babae. Babalik sana ko sa loob ng interview room para kunin ang mga resume na nasa lamesa, pero papasok pa lang ako sa pinto nang makita kong andun sa loob yung babae! Nakaupo sya sa silya. Nakatingin sa harapan, sa opposite chair kung saan ako dapat nakaupo. Nagsasalita sya na para bang may nagiinterview sa kanya pero wala akong naririnig na boses. Tapos sa isang kisapmata ko lang nag-iba ang itsura nya. Naging duguan yung binti nya, at ang isang paa nya parang putol na, may nakalabas na buto. Natakot ako! Sinara ko agad yung pinto.


“Ok na girls, tatawagan ko nalang kayo kung nakapasa kayo sa interview.” Mukhang nagtataka man eh nagpaalam na yung dalawang interviewee.


Ako naman umuwi na at kinabukasan ko na binalikan yung mga naiwan kong resume sa interview room.


  

Story Archive