Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

MATA

Story Rating:

I'm chad, 20 yrs old. I was born blind po. Pero naoperahan p......

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Ako si Sharon. Sabi nila gift daw ang magkaroon ng bukas na third eye. Ang ike-kwento ko ay isa sa mga karanasan ko na kung saan masasabi kong ang kakayahan kong ito ay minsan ko ring itinuturing na curse.


Nung college ako nag-try ako mag-rent mag-isa sa mga apartment o bedspacer malapit sa school namin. Humanap ako ng murang bedspace at nakakita nga ako ng magandang bahay. Si Mommy Lhen kung tawagin namin ang aming landlady, sa kanya ang bahay na yun. Puro kami babae, at sa kwarto 3 kaming magkasama. Mag-kaibigan at magkasama sa trabaho ang nakasama ko sa kwarto. Halos hindi kami nagkikita dahil sa call center sila nagwo-work. Sa gabi ako lang mag-isa sa kwarto, at sa umaga naman solo nila ang kwarto dahil nasa school ako. Unang pasok ko sa bahay maayos naman, maaliwalas, walang kakaiba. Pero nung umakyat ako papunta sa kwarto namin naging mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. May area sa may hagdan na pag dinadaanan ko sumasakit ang batok ko at tumataas ang mga balahibo ko. Bigla rin ako nakakaramdam na parang hindi ako makahinga, at sumasakit ang kaliwang bahagi ng leeg ko. Dahil sanay na ko makaramdam ng mga kakaibang bagay, hindi ko yun pinansin. Hanggang sa nangyari sakin ang gabing yun. 


Madaling araw na non pero gising pa rin ako, may exam kasi ako bukas, at dahil nasa work ang 2 kasama ko ay mag-isa ko sa kwarto. Naiihi ako kaya lumabas ako at nag-CR. Pagbalik ko sa kwarto may isang parte ng kisame na natanggal at nasa sahig na. Hindi ito ang unang beses na nangyari yun. Pang-apat na ito sa loob ng 3 weeks kong pag-stay dun. Paulit-ulit lang syang pinapagawa ni Mommy Lhen sa karpintero. At ngayon nga natanggal na naman sya. Tumingala ako at tinignan ang butas sa kisame, wala naman ako nakita, madilim lang. Itinabi ko ang nalaglag na plywood, at umupo ulit sa kama, nag-review. Maya maya may narinig akong ingay sa loob ng kwarto, tunog ng naglalakad, pero mahina lang, wala ko makita pero rinig na rinig kong may naglalakad sa loob mismo ng kwarto! Tinigil ko ang pagbabasa at nakinig nang mabuti. Maya maya may narinig akong ingay sa labas ng kwarto, sigaw! May babaeng sumigaw! Nakakatakot ang sigaw na yun, parang babaeng naghihinagpis! Dali dali akong tumayo at lumabas. Tumakbo ko papunta sa hagdan, nag-aalala na baka may masamang nangyari sa ibang kasama ko sa bahay. Pagdating ko sa hagdan bigla kong napahinto. Hindi ako makagalaw. Kasi sa hagdan may isang lalaki, nakatingin sakin, may hawak na kutsilyo! 


Tumakbo ko pabalik sa kwarto ko. Sinara ko pinto. Sumigaw ako sa takot! 


“Mommy Lhen! Tulong! Mga kapitbhay, tulong!”  


Sigaw ako ng sigaw! Takot na takot ako! Hanggang sa may kumatok sa pinto ng kwarto. Ayoko buksan! Baka yung lalaki, naisip ko. Umiiyak na ko sa takot! Hindi ko alam kung pano pero nabuksan yung pinto, at pumasok sila Mommy Lhen pati mga ibang babaeng kasama ko sa bahay.  Lumapit sila sakin sa kama.


“Anak, anong nangyari?!” nag-aalalang tanong sakin ni Mommy Lhen.


“Mommy Lhen magtago tayo, may nakapasok na lalaki! Isara nyo yung pinto! Yung lalaki nasa hagdan may kutsilyo, Mommy Lhen papatayin tayo!” hysterical pa rin ako nito. Isinara ng ibang mga babae ang pinto ng kwarto. Si Mommy Lhen, pinapakalma ko, may isang babae na inabutan pa ko ng isang baso ng tubig. Mga ilang minuto pa, medyo kumalma na ko. Kasi sinabi ni Mommy Lhen na walang lalaki.


“Buti nakatawag tayo ng pulis, kung hindi baka patay na tayo.” Sabi ko kay Mommy Lhen. Pinipigilan kong umiyak ulit, at nagtataka ko kung bakit ako lang ang panic na panic, at kalmado naman silang lahat.


“Sharon wala kaming tinawag na pulis. Kasi wala namang lalaki. Walang nakapasok na magnanakaw o lalaking may kutsilyo.” sabi sakin ni Mommy Lhen.


“Mommy Lhen may nakita ko! Una nalaglag yang tapal sa kisame. Tapos may narinig akong babaeng sumigaw kaya ako lumabas. Tapos dyan sa may hagdan andun yung lalaki.”


Tumahimik si Mommy Lhen. Pinalabas nya yung ibang mga girls. Ito ang kwento nya sakin:


Matagal na nyang pinapaupahan for bedspacer ang bahay na yun. 5 years ago, nagkayayaan ang lahat ng mga umuupa dun na mag-outing. Sabado de Gloria kaya maraming nakasama. Pero nagpaiwan si Hazel, ang isa sa mga dating umuupa dun. Uuwi daw kasi sya sa bahay nila para dun magcelebrate ng Easter Sunday. Nung gabi ng Sabado, nasa sala si Hazel, may narinig syang ingay sa isa sa mga kwarto sa taas. Umakyat sya ng hagdan para silipin. Pinasok pala ng magnanakaw ang bahay. At sa kisame dun sa mismong kwartong inuupahan ko daw dumaan ang magnanakaw. Malamang sa malamang nakita si Hazel nung magnanakaw. Sinaksak sa leeg nung magnanakaw si Hazel, at dun mismo sa hagdan sya namatay. Yung magnanakaw daw ay binaril ng dating kapitbahay ni Mommy Lhen na pulis, na nag-usisa nung makarinig ng mga sigaw galing sa bahay.


Dun ko napagtugma tugma lahat ng nararamdaman ko. Simula sa tapal nung butas sa kisame sa kwarto ko na ilang ulit nang natatanggal, hanggang sa paninikip ng dibdib ko at sakit sa leeg na nararamdaman ko tuwing dadaan ako sa hagdan. Hindi na kami natulog ni Mommy Lhen non, humingi ako ng sorry sa kanya dahil hindi ko na kako kayang mag-stay pa dun. Tinawagan ko Mama ko at nagpasundo, umalis na ko sa apartment na yun. 


  

Story Archive