Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Kalabog (Short Story)

Story Rating:

Ako po yung dating nagkwento ng " Anino". Gusto ko po ulit s......

Takot ako!

Story Rating:

Ako nga pla si Jia at ngayon ay 32 anyos na ako. Nais ko lng......

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na karanasan.


1. Isang araw may meeting kami sa opisina. Puro glass ang dingding ng conference room kaya kita ang labas ng office. Habang nasa kalagitnaan kami ng meeting ay napatingin ako sa labas at nakita ko si Mang Tony, isa sa mga matatandang janitor. Naka-uniform sya, nakatayo at nakaharap sa dingding. Nakatalikod sya sakin pero alam kong si Mang Tony yun. Mga tatlong beses akong nagpalingon-lingon sa kanya dahil hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya. Nakatungo sya habang walang kagalaw-galaw na nakatayo at nakaharap sa puting pader. Tumayo ako sa upuan ko para lumabas, pero pagtingala ko wala na sya dun. Lumabas pa rin ako, nilibot ko ung maliit na lobby nung floor namin baka sakaling andun si Mang Tony. Nagulat ako nung biglang may boses na nagsalita sa kaliwang tenga ko: “Pahinga na ko”. Kinilabutan ako. Kinahapunan din nung araw na yun, in-announce samin na namatay na si Mang Tony, inatake sa puso.


2. Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kaming malaking stockroom don na mukha nang tambakan sa sobrang dami ng nakalagay na kung ano anong gamit at files. Bago palang ako at inutusan ako ng boss kong kuhain ang ilang lumang files dated 1995. Pagbukas ko ng pinto ng stockroom pinindot ko ang switch para bumukas ang ilaw. Halos hindi na ko makapasok dahil sa taas ng pagkaka-stock ng mga gamit dun. Nilibot ko muna ng tingin ang buong stockroom para magka-idea ako kung saan ko sisimulang hanapin ang files na pinapakuha ng boss ko. Habang nakatingin ako sa bandang taas biglang may lalaking dumungaw mula sa likod ng mga tambak na papel! Para syang tumayo mula sa pagkakaupo,  nakikita ko ang ulo lang nya sa gitna ng mga kung ano anong gamit sa loob ng stockroom. Grabe ang gulat ko non, para syang taong grasa, maitim at mata lang nya ang malinaw sa buong mukha nya. Napa-“Sh*t!” ako sabay labas agad ng pinto. Sinabi ko sa boss kong hindi ko makita ang pinapahanap nya, kaya ibang empleyado na ang pinahanap nya. Wala kong pinagsabihan kahit sino tungkol sa nakita ko.


3. Mga 3 weeks na ang lumipas after nung unang araw ko sa pinapasukan kong opisina. Ilang araw na rin ang lumipas matapos yung insidente sa stockroom. Isang araw, sa loob ng common CR, nakasabay ko si Annie. Palagi ko syang nakakasabay sa CR. Hindi ko sya ka-department pero madalas kami magka-batian, ngiti at tango lang, minsan hi or goodmorning, pero hindi pa naman kami nakakapagkwentuhan. Habang katabi ko si Annie sa harap ng salamin dumating ang isang officemate ko, si Shiela.


“San tayo kain mamayang lunch?” tanong sakin ni Shiela.


“Kayo na bahala, kahit san ako.” Sagot ko.


Pagkatapos ko mag-ayos, at pagkatapos umihi ni Shiela sabay na kaming lumabas ng CR. At tulad ng karaniwan, tumango lang ako ulit kay Annie, at ngumiti naman sya. Naglalakad na kami Shiela pabalik sa mga desk namin, tinanong ko sya.


“Shiela, saang department yun si Miss Annie?”


“Miss Annie?”


“Oo yung nakasabay natin sa CR. Lagi ko kasi kabatian yun, nahihiya naman ako magtanong kung anong department sya.”


“Nasa CR sya kanina?”


“Oo yung katabi kong nag-aayos”


“Wala ka namang katabi kanina eh, tayong dalawa lang nandun!”


  

Story Archive