Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na karanasan. 


1. Galing kami sa isang bar sa Pasay ng 7 kong kaibigan. Ala-una na ng madaling araw non at nag-decide na kami umuwi. Isa isa na kaming sumakay sa loob ng van, sa harapan ako umupo katabi ni Gab na driver at owner nung van. Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so kinuha nya cellphone nya, itinaas at nag-siksikan naman kami para kumasya sa shot. Habang naka-timer yung camera nya may nakita akong babaeng nakaupo sa seat sa likod ko. Malapit sya sa pintuan ng van, katabi ng isang friend kong babae. 


“Huy Sha, anong itsura mo dito para kang nakakita ng multo!” sigaw ng isang friend ko nung tignan nila yung picture namin saka sila nagtawanan, nakitawa nalang din ako. 


Bumyahe na kami, nararamdaman ko yung presence nung babae sa likuran ko. Lumingon ako sa likod at naglakas loob na tignan sya, maikli ang buhok nya na parang gupit pang-lalaki, hindi ko makita ang mukha dahil nakatungo sya. Ang tanging malinaw lang sakin ay yung mga braso nya na puro dugo, puro laslas! 


“Gab, stop over tayo pag may 7/11 ah, nasusuka ko.” sabi ko. Huminto nga muna kami sa isang 7/11 na nadaanan namin. Bumaba silang lahat. Nagpa-iwan ako saglit. Nung ako nalang magisa sa van, lumingon ako sa likod at hinarap ko yung babae.  


“Bababa tayong lahat. Pati ikaw.” Sabi ko sa babae. Nakita ko syang umiling. Umiiling sya habang nakatungo pa rin. Bumaba na ko ng van. Nag-stay kami ng mga 30minutes sa 7/11, at nang bumalik kami sa van, wala na yung babae. 


2. Isinama ko ng kaibigan ko sa birthday party ng pinsan nya. First time kong makilala ang pinsan nyang si Janet na may 1 year old baby at ang mister ay isang seaman. Gabi na nung dumating kami sa bahay ni Janet galing sa work namin. May mga bisita rin syang iba, umupo kami sa sofa at nagkwentuhan ng friend ko. Napansin ko ang baby ni Janet sa stroller, ang cute, tawa sya nang tawa habang nilalaro ng isang matandang babae. Nilapitan ko yung baby. 


“Ang cute po nya!” sabi ko. 


“Naku oo, kaya proud lola ako hahaha!” sabi ng matanda. 


“Ahh, nanay po kayo ni Janet?” tanong ko at um-oo naman ang matanda. 


Maya-maya tumayo ako at kumuha ng tubig, nasa kusina din si Janet. 


“Ang cute ng baby mo! Mabuti ok lang sa mama mo na mag-alaga.” sabi ko kay Janet. 


“Mama ko?!” 


“Oo, nakausap ko nanay mo eh, proud daw sya kasi ang cute cute ng baby mo hehehe” 


“Pero patay na mama ko….” 


3. Pumunta ako sa bahay ng inaanak ko nung minsang nag-birthday siya. 4 years old si Cheska at college friend ko naman ang mama nyang si Elaine. 2 beses palang ako nakakapunta sa bahay nila noon at sa tuwing pupunta ako dun ay meron akong hindi magandang nararamdaman. Sinasabi ko naman ito kay Elaine pero dahil wala akong nakikita at wala rin naman silang masamang nararamdaman ay bina-balewala na lang namin. At sa pangatlong beses kong pagpunta sa bahay nila ganun ulit ang naramdaman ko. Nilalaro ko si Cheska sa loob ng playroom, nag-puzzle kami, nag-bilang at kumanta ng ABC at kung ano-ano pa. Inopen namin ang book nya na Sofia the First at isa isa naming pinangalanan yung mga characters. After naming makumpleto yung mga characters biglang nagsalita si Cheska. 


“Ninang, ano name nya?” tanong sakin ni Cheska. Nakaturo sya sa likod ko, sa pinto.  


Lumingon ako sa likod at nagulat ako nang makitang may nakatayong black lady sa pinto! Nakatingin kay Cheska. Hindi ko kita ang mukha nya sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko na matandaan kung dahil blurred ba, o maitim ba, o dahil natatakpan ng buhok. Hindi ko rin alam kung bakit nag-sinked in sa utak kong naka-ngiti sya ganung hindi ko naman nakita yung mukha nya. Kahit ang lakas tibok ng puso ko at nararamdaman kong naninikip ang dibdib ko dahil sa mabigat na aura nya ay nilakasan ko ang loob ko dahil may kasama akong bata. 


“Hindi ka welcome dito. Umalis ka sa bahay na’to” Mahina pero may diin kong sinabi habang nakaharap sa black lady. Tapos humarap ulit ako kay Cheska na tumingin naman sakin at parang walang kaalam alam, walang takot sa mata ng bata. “Huwag ka sasama dun ah, bad yun”, sabi ko kay Cheska. 


Lumingon ako ulit sa likod ko at wala na dun ang black lady. Nagsalita pa ulit si Cheska ng “Wala na ninang, alis na sya” 


Hindi ako isang exorcist. Maaring nakakakita at nakakarinig ako ng mga paranormal na bagay pero alam kong wala akong kakayahang magpalayas ng kung ano mang nilalang. Kaya naman sinuggest ko kay Elaine na magpa-bless at magpa-cleanse ng bahay. Naaalala ko pang apat na beses binalikan ng mga ni-refer kong paranormal investigator ang bahay nila. Ang sabi nila yung black lady raw ang kauna-unahang may-ari ng lupang yun, at tila ayaw umalis ng babaeng itim sa bahay.


  

Story Archive