Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking personal na karanasan.


1. Last August 25, 2018 nang pumunta ulit ako sa isang malaking ospital sa Ortigas. At dahil walk-in patient lang ako, gabi na nung matawag ang pangalan ko, ako ang pangalawa sa pinakahuling pasyente na che-checkp up-in ng doctor. 9:30 PM na yun, ok lang kasi sinamahan naman ako ni Mama. Pagdating palang namin ng around 7 PM ay may nakita na akong batang babae na naka-pantalon at t-shirt, mga 4 years old siguro. Akala ko kasama sya ng mga pasyenteng kasabay naming nag-aantay sa labas ng clinic. Pero naubos na ang mga tao at 2 nalang kaming pasyenteng natira ay andun pa rin ang bata.


“Ma, kita mo ba yung bata?” tanong ko kay Mama.


“Aling bata? Saan?” tanong ni Mama habang luminga-linga pa.


“Wala.” Hindi ko nalang pinansin ang batang masayang nagpaparoon parito sa hallway.


Nung tawagin na ang pangalan ko pumasok na kami ni Mama. Ako ang unang pumasok, nakita kong sumabay ang batang babae sa pagpasok ko, tumakbo sya papunta sa likurang bahagi ng upuan nung doctor. Sya namang lingon nung doctor. Lumingon sya sa likuran nya, at parang nagtataka. Sabay paulit ulit na tumingin samin ni Mama. Nung mga time na yun nakapasok na si Mama sa loob ng clinic at sinasara na nya yung pinto.


“May hinahanap akong---“, hindi maituloy nung doctor ang sasabihin nya, tumitingin sya samin ni Mama. Nakangiti lang naman ako sa doctor at inaantay ang sasabihin nya.


“Ok lang po ba sumama dito sa loob yung Mama ko?” tanong ko kasi base sa mukha nya naisip ko na baka bawal si Mama at nahihiya lang sya magsabi. Pero hindi nya sinagot ang tanong ko, bagkus tinanong nya kami.


“May kasama ho ba kayong bata?” tanong ng doctor.


“Wala po.”


“May nakita akong batang tumakbo eh pumunta dito sa likod ko. Kaya pansin mo, kanina sabi ko may hinahanap ako, akala ko kasama nyo.”


“Hindi po, wala po kami kasamang bata”. Medyo nagulat ako sa sinabi ng doctor, hindi ko inexpect na gifted din sya tulad ko.


“Kinikilabutan ako bigla.” Sabi ng doctor.


Hindi na ko nagsalita. Hanggang sa natapos na ang check up sakin. Sarado na ang mga elevator, first time naming abutin ng gabi sa ospital na yun at hindi ko alam na sinasara pala ang mga elevator pag gabi na. Nagdecide kami maghagdan nalang ni Mama, pero matinding hagdan yun kasi nasa 17th floor kami. At medyo kinakabahan ako dahil sa hagdan ding yun nakita ko noon ang black lady na nakasabit sa kisame sa 3rd floor. Ayokong makita sya ulit nang kasama ko si Mama.  Nagkwentuhan nalang kami habang bumababa.


“Ang haba naman ng bababain natin. Nakakatakot naman dito, may CCTV ba dito? Baka ma-rape tayo dito walang katao-tao”, nagtawanan kami sa biro ni Mama. Ok naman ang pagbaba namin, hanggang sa makarating kami sa 8th floor. Bigla akong kinabahan, namigat ang balikat at batok ko, pero hindi ko pinansin. Paliko na kami pababa sana sa 7th floor nang pareho kami napahinto ni Mama. Nakatingin kami sa baba ng hagdan, patay ang ilaw, sobrang dilim, which is imposible dahil dapat hindi pinapatay ang ilaw sa Fire Exit in case of emergency.


“Hala, bat patay na yung ilaw, anong floor na ba tayo?” sabi ni Mama.


Hindi ako nakasagot agad. Kasi sa baba ako nakatingin, dahil sa gitna nung kadiliman ay andun yung batang babae na nakita kong gumagala sa taas kanina. Pero iba ang itsura nya, mukha na syang mala-demonyo! Nakatayo lang sya, nakatingin samin ng masama, ngumingisi! Nagtatayuan na lahat ng balahibo ko sa batok. Hinawakan ko si Mama sa braso.


“Mama, huwag tayo jan, nakakatakot.” sabi ko.


“Eh saan na tayo dadaan?” tanong ni Mama.


Nasa likod ko ang pinto ng Fire Exit na pabalik sa loob ospital. Sumilip ako sa salamin nung pintuan, madilim, patay na rin ang mga ilaw sa corridor. Tapos may nakita kong lalaking nakabarong na naglalakad. Kaya agad kong binuksan yung pinto ng fire exit.


“Sir excuse me!---“ , pero pagbukas ko nung pinto walang tao. Sumilip ako sa kahabaan nung corridor walang tao, madilim lang. Sinara ko ulit yung pinto at nilapitan ko si Mama. Napatingin ako ulit sa hagdan pababa ng 7th floor, nakita ko kumilos na yung batang demonyo paakyat samin. Kaya hinila ko na si Mama papunta dun sa pinto ng Fire Exit, papasok ulit sa ospital. Kahit madilim dun wala na ko pakialam, basta wag lang makalapit samin yung batang demonyo o kung ano mang nilalang yun.


“Saan na tayo dadaan nito. Anak, may nakita ka ba don?” tanong ni Mama.


“Wala ‘Ma, mas nakakatakot lang dumaan dun kasi sobrang dilim na, at least dito baka may mga bukas pang clinic na may ilaw.” Syempre ayoko naman sabihin kay Mama na ‘may demonyong bata dun sa hagdan ng fire exit’. Pinipilit kong bagalan lang ang lakad ko para di halatang kinakabahan. Hanggang sa may tumawag samin.


“Mam, saan po kayo papunta?”


Lumingon kami ni Mama at nakita ang isang security guard. Napabuntung-hininga ko ng wagas. Kumalma na yung puso ko na parang gusto nang lumabas sa dibdib ko sa kaba. Tinuro ng guard kung saan yung service elevator na pwede naming gamitin pababa sa basement, at maayos naman kaming nakababa ni Mama. Sa kotse pareho naming ginawang katatawanan nalang yung mga nangyari.


2. 2002 nung naoperahan ako dahil sa appendicitis sa isang private hospital sa Mandaluyong. Na-confine ako ng 3 araw sa kwarto kung saan 3 kaming patient na magse-share. Malaki yung kwarto, may 3 bed, at may kurtina na tumatabing sa pagitan ng bawat bed para sa kahit papano’y privacy ng bawat pasyente. 2 babaeng may breast cancer ang naka-share ko sa room. Isang gabi, nagising ako sa pagkakatulog at nakita kong maraming tao dun sa patient na nasa gitna, sa unahan kasi ako nakapwesto malapit sa pinto. Alas onse na ng gabi non at nakita ko si Mama na nakatulog na sa sofa sa gilid ng kama ko.


“Mama.” Ginising ko si Mama. “Pengeng tubig.” Bumangon naman si Mama at pinainom ako. “Ma, bakit ang daming tao dito sa gitna. Hanggang anong oras ba ang visiting hours?”


“Anong tao? Wala namang tao.”


“Ayan oh, mga kamag-anak ata, mga nakatayo.”


“Naku nananaginip ka lang.”


Kinabukasan, nagising ako ulit. Bakante na ang bed sa gitna. Namatay daw nung madaling araw yung pasyente dun.


Kinagabihan, around 7 pm, dinalaw ako ng mga kaibigan ko. Nakakatayo at unti-unting lakad na ko nun. Pumunta ko ng CR para umihi, bitbit ko pa ang dextrose ko, nang mapalingon ako dun sa patient na nasa dulo ng room. Dalawa nalang kaming natira dun sa room. Wala pa kong nakitang dalaw nya. Hindi ko rin nakitang tumayo o lumakad lakad ang patient dun, basta alam ko lang chine-check sya ng nurse. Nakita ko sa paanan ng bed nya ang isang anino. Walang hugis, hindi korteng babae, hindi rin korteng lalaki. Basta masasabi kong may aninong nakatayo sa paanan ng kama nya. Hindi ko yun pinansin. Pero hanggang sa umabot ang 12am, nakailang silip ako sa gawi nung pasyenteng nasa dulo at andun lang ang anino.


Kinabukasan, namatay na din yung patient dun.


Sa takot, nakiusap si mama sa nurse na baka pwede kami mag-transfer nalang sa ibang room sa huling gabi at araw naming na mags-stay dun sa ospital. At inlipat naman kami nung nurse sa katabing kwarto.


Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nakita kong kamag-anak ang ‘sumundo’ dun sa pasyenteng nasa gitna, at isang anino naman dun sa pasyenteng nasa dulo. Hindi ako naniniwala kay Kamatayan, at hindi pa ko nakakita ng Death Reaper na tulad sa mga palabas na may karit at naka-itim na hood.


Sa mga makakabasa nito, you are free to comment kung may idea ka o opinion tungkol sa mga ‘sundo’.


  

Story Archive