Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Matanda sa Bintana ( zitskylove)

Story Rating:

Taong 1989 noong ako ay ipanganak, ang sabi ng nanay ko, lap......

Ghost Town Dos

Story Rating:

Hello po eto po ulit ako si Zac. Tagal naman po ulit na hind......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

Multo ng Nakaraan

Story Rating:

Hi! This is a true story na nangyari pa noong grade 6 pa lan......

Class Room

Story Rating:

Thursday or Friday yata ito nanyare,Grade 5 palang ako.Isa s......

Jueteng (2egundo)

Story Rating:

Bata pa ako nung nangyari ito. Elementary days pa yun. Batan......

Creepy Stories ( Part 10 )

Story Rating:

Portal. Yun ang nakita ko sa gitna ng mga malalagong puno nu......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

Tabi-tabi po. (2egundo)

Story Rating:

Napabayaan na ang lumang bahay na iyon at unti-unti nang sin......

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang isa sa aking mga personal na karanasan.


Ang ike-kwento ko ay ang first paranormal experience ko sa work. Kaka-graduate ko lang at first job ko sa isang company sa Ortigas. Hindi ko talaga ugali ang mag-overtime, unless meron talagang kelangang tapusin. Meron akong event na inoorganize na bukas na gaganapin kaya no choice ako kundi mag-OT dahil ang dami ko pang ira-rush na gawain. 8pm na non, dalawa nalang kami ni Mam Bel sa office. Pero nang dumating ang asawa nya mga past 9pm nagpaalam na rin sila sakin, hanggang sa ako nalang ang natira dun. Ok naman ang pagta-trabaho ko, Linkin Park pa tugtugan ko non sa YouTube. Hanggang sa biglang nagloko yung ilaw sa itaas ng cubicle ko. Tumingala ako, nakita kong kumikislap kislap sya, yung parang mamamatay pero hindi natutuloy. Tapos biglang namatay yung computer ko, nag-restart mag-isa! Bigla rin sumakit ang batok ko! Tumahimik ang paligid, kasi namatay yung computer so nawala din yung pinapatugtog ko. Balewala lang naman sakin lahat ng nangyari dahil hindi naman ako praning para mag-isip ng kung ano ano. Pero nagbago mood ko nung mapatingin ako sa screen ng computer ko.


Black yung screen kasi nga nag-auto restart, nakikita ko reflection ko sa screen, pero hindi yun ang kinatakot ko, kundi yung reflection ng babae sa likod ko! Nakikita ko reflection ko habang nakaupo sa swivel chair, mula sa dibdib, balikat hanggang ulo ko. Samantalang nakikita ko rin ang reflection ng isang babaeng nakatayo sa likod ko, mula hita hanggang balikat lang nya ang nakikita ko, hindi ko kita ang ulo nya. Naka-suot sya ng puting blouse at itim na palda. Bumukas na yung computer ko, lumabas na yung logo ng Windows, andun pa rin ang babae sa likod ko, wala syang ginagawa, nakatayo lang sya. Dali dali kong dinampot cellphone ko, nag-browse ako nang nag-browse kahit hindi ko naiintindihan yung mga nakikita ko sa fb basta ma-divert lang yung atensyon ko.


"Wag ganyan marami pa kong gagawin." mahinahon kong sinabi, parang nagpaparinig lang ako sa hangin.


Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nung maramdaman kong kumilos yung babae sa likod ko. Naramdaman kong lumapit yung labi nya sa tenga ko.


"Gabi na." bulong nya sakin! Ramdam ko yung hininga nya sa tenga ko. Nagtaasan mga balahibo ko!


"Shit!" yun lang nasabi ko nang malakas sabay takip ng tenga. 


Tapos may napansin ako. Mataas kasi ang wall ng cubicle namin. Kapag nakaupo ka hindi mo makikita kung meron bang naglalakad sa harap ng cubicle mo. Pero pagtingala ko may ulo! Naka-side view, puti at manipis ang buhok, pero left side lang nya ang nakikita ko, noo at itaas ng ulo lang. Napansin ko parang dahan dahan syang lumalakad. Pero pakiramdam ko nakalutang lang sya sa ere, kasi kita ko sya mula sa upuan ko, eh mataas nga yung wall ng cubicle ko.


Tapos bigla ako napatingin sa isang kalapit na cubicle, 2 cubicles ang pagitan. May lalaking nakaupo dun! Bukas ang computer at nagta-type! Likod lang nya ang nakikita ko pero solid sya as in mukha syang totoong tao. Alam ko lang na imposible yun dahil ako na nga lang ang natitira dun sa opisina!


Bumalik ang atensyon ko sa ulo ng matanda na nasa itaas ng cubicle ko. Nawala na sa isip ko yung babaeng nakatayo sa likod ko. Nung malapit na yung ulo dun sa puntong makikita ko na yung buong katawan nya dali dali akong tumungo. Habang nakatakip yung kamay ko sa tenga ko yung mukha ko nginudngod ko sa desk. Tapos kinapa ko yung telepono, dinilat ko nang konti yung mata ko ma-dial ko lang yung local number ng security namin sa baba.


"Sir akyat ka dito 7th floor, now na, please." Yun lang ang sinabi ko sa phone, bumalik na ko sa pagkaka-ngungod sa desk, nakapikit ako nang madiin, nakatakip ang kamay ko sa tenga ko, natatakot akong may marinig o baka makipagusap sila. Gusto ko sumigaw pero bukod sa wala rin naman magagawa yung pagsigaw ko eh nakasanayan kong hindi sumigaw sa tuwing nakakakita ako ng mga apparition. Dahil na rin siguro sa mga past experience ko kung saan hindi naman nila nakikita kung anong nakikita ko. 


"Please wag, tama na, tama na, tama na..." yan lang ang paulit ulit kong binubulong. Hindi ko alam ilang minuto ko naka-ngudngod sa desk, pero kumilos lang ako nung marinig ko na boses ng guard sa tabi ko.


"Mam Sharon ok lang kayo?!" tanong ng guard sakin. Tumingala na ko, pawis na pawis, umarteng parang wala lang.


"Oo Sir, sorry ah pinagmadali kita, bigla kasi sumakit ng sobra ulo ko, akala ko may mangyayari sakin eh". Hindi ko na pinaalis si kuya guard. Nagligpit na ko ng gamit at sabay na kami bumaba, tapos umuwi na ko.


Kinabukasan pagpasok ko sa work inobserbahan ko ang buong office. Hindi ko na nakita yung matanda at yung babae. Pero yung lalaki, palagi ko na syang nakikita. Palipat lipat lang sya ng cubicle, kung saan bakante andun sya, nakaupo lang. Likod lang nya ang lagi ko nakikita, basta ang natatandaan ko mataba sya at naka-checkered na polo. Hindi ko iknwento kahit kanino sa mga officemate ko ang mga nakita ko, kasi alam kong may iba sa kanilang iisiping weirdo ako. Saka para saan pa, hindi rin naman nila makikita ang mga nakikita ko. 


Bago ko mag-resign tumulong ako mag-ayos ng mga old files nung company. May sinend saking files ang boss ko at gawan ko daw ng folder ang mga lumang photos at videos ng mga old activities nila noon. Doon ko nakita yung kaluluwa ng lalaking lagi kong nakikita. Nakita ko sya sa isa sa mga videos dun sa files, Team Leader daw yun noon na inatake sa puso habang nasa field. Pero syempre hindi ko sinabi sa kanila na nakikita ko sya sa office.


Never na rin pala ko nag-OT sa office na yun hanggang sa mag-resign ako after a year. 


  

Story Archive