Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Matanda sa Bintana ( zitskylove)

Story Rating:

Taong 1989 noong ako ay ipanganak, ang sabi ng nanay ko, lap......

Ghost Town Dos

Story Rating:

Hello po eto po ulit ako si Zac. Tagal naman po ulit na hind......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

Multo ng Nakaraan

Story Rating:

Hi! This is a true story na nangyari pa noong grade 6 pa lan......

Class Room

Story Rating:

Thursday or Friday yata ito nanyare,Grade 5 palang ako.Isa s......

Jueteng (2egundo)

Story Rating:

Bata pa ako nung nangyari ito. Elementary days pa yun. Batan......

Creepy Stories ( Part 10 )

Story Rating:

Portal. Yun ang nakita ko sa gitna ng mga malalagong puno nu......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

Tabi-tabi po. (2egundo)

Story Rating:

Napabayaan na ang lumang bahay na iyon at unti-unti nang sin......

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa mga personal kong karanasan.


Simula bata palang ako maraming beses nang nagmukha akong tanga sa harap ng maraming tao, hehe literal. Kasi minsan hindi ko alam kung ang nakikita ko ay totoo o hindi. Kumakausap ako ng mga taong akala ko nakikita ng iba pero hindi pala. Nakakakita ako ng mga images, scenario na akala ko nakikita rin ng iba, pero hindi pala.


1. College ako non, nagkayayaan ang barkada na mag-spend ng Semana Santa sa bahay nila Kent sa probinsya sa Bicol. Bahay daw yun ng Lolo’t Lola nya na matagal nang namatay, ang Tito Elmer at Tita Chat nya ngayon ang nakatira doon. Pagdating namin sa bahay nakita namin agad ang malawak na bakuran, tapos may 2 storey house na gawa sa bato at kahoy, parang sinauna ang itsura, mala-Kastila ang style. Sa likod ng bahay may malawak din na lote na puro puno, taniman daw yun ng kung ano-anong prutas at gulay. Pumunta na kami sa mga kwarto namin. Isang kwarto para sa 5 babae at 1 kwarto para sa 4 na lalaki. Bumaba ako, naghahanap ng CR. Pagbaba ko wala ang mga kamag-anak ni Kent, wala ko mapagtanungan kung nasan ang CR. Pumunta ko sa kusina.


“May kailangan ka?” Napalingon ako agad sa likod ko.


“Ay sorry po, san po ba yung CR?” sabi ko sa lalaking kaharap ko. Tito siguro ni Kent. Tinuro nya ang CR, at nagpasalamat ako.


“Tito rin po kayo ni Kent?” tanong ko sa kanya bago ko pumasok sa CR.


“Oo, si Ato ako, bunso akong kapatid ni Elmer.” Tapos ay nagpaalam na ko na papasok na sa CR.


Paglabas ko ng CR sumilip ako sa malaking bintana, andun pala sa labas sila Tito Elmer at Tita Chat, pumipitas ng sineguelas, ipapakain siguro samin. Andun din sa Tito Ato nakatayo sa tabi ni Tita Chat at nakatingin sa puno habang pumipitas si Tito Elmer. Umakyat na ko sa taas sa kwarto namin. Nung kinagabihan tinawag na kami ni Tita Chat para maghapunan daw. Kakain na kami nang mapansin kong wala si Tito Ato sa hapag kainan. Pumunta ko sa kusina para maghugas ng kamay, andun sya.


“Tito Ato, kain na po tayo.”


“Sige susunod ako” nakangiting sabi nya.


Matatapos na kami kumain nung nakita ko si Tito Ato na nakatayo sa may kusina.


“Tito Ato kain na po,” tawag ko sa kanya.


Naglingunan sila lahat sa direksyon ng kusina kung saan ako nakatingin. Tapos mga nagtataka silang tumingin sakin.


“Huy Sharon sino tinatawag mo dyan!” sabi ng isa kong kaibigan. Nakaramdam na ko na hindi tao si Tito Ato, base sa reaksyon ng mga kasama ko


“Hija, Ato ba kamo?” tanong sakin ni Tito Elmer.


“Opo tito, bunso nyo pong kapatid.” Yun lang ang sinabi ko, kasi alam ko na ang susunod nyang sasabihin. Umiling iling si Tito Elmer, pero nakangiti nyang sinabi:


“Death Anniversary nga pala ni Ato, nawala sa isip ko.”


2. One time ginabi ako ng uwi galing sa trabaho. Bumababa ako sa isang lugar na may simbahan atsaka sasakay ulit ng tricycle pauwi samin. Pagbaba ko nakita kong maraming tao sa simbahan. 10:30 ng gabi yun kaya nagtaka ko kasi dapat wala nang misa ng ganung oras at sarado na ang simbahan. Naglakad ako palapit sa simbahan. Sumilip ako at nakita ko na puno nga ng tao sa loob, pero walang pang pari. Naisip ko mag-simba na rin kaya ako. Pero nakakaramdam ako ng gutom kaya lumabas muna ko. May katapat na Jollibee yung simbahan na yun kaya tumawid ako ng kalsada at bumili ng burger, mabuti at walang pila. Bago ko umalis sa counter nagtanong ako sa cashier.


“Ate anong meron sa simbahan ngayon?”


“Uhm, ano pong ‘meron’?”


“May okasyon ba, ba’t biglang ang daming tao ng gantong oras? May misa?”


“Mam wala na pong misa ng gantong oras. Last mass po 7pm. Sarado na po yung church” sabi ng cashier


Nagtaka ko. Sasagot pa sana ko na bukas yung simbahan, pero paglingon ko sa likod ko para tanawin ang simbahan, nakita kong wala nang ilaw. Lumabas ako, tumawid papunta sa simbahan, walang ilaw, walang tao, sarado ang pinto. Then I just realized na yung inner eye ko ang nakakita ng mga nakita ko kanina. Hindi ko alam kung sino yung mga tao, or should I say kaluluwa na nagdadasal dun, at wala na kong balak pang alamin. Pero totoong mas maraming kaluluwa akong nakikita sa mga simbahan kaysa sa mga sementeryo, dahil sa maniwala kayo’t hindi, nagdadasal rin ang mga kaluluwa.


3. Nagpunta kami sa Batangas ng mga kaibigan ko. Taga-doon ang lolo’t lola ng isa naming friend. Malaking kubo ang bahay nila, nasa itaas ng bundok at overlooking naman sa dagat. Sobrang hirap ng akyatan bago mo marating ang bahay nila, pero sobrang ganda rin naman ng view pagdating mo sa taas. Pagdating namin sa bahay winelcome kami ng lolo’t lola nya at ibang kamag-anak. Habang nakaupo kami sa sala, isang babaeng nakasuot pang-kasal ang lumabas sa kwarto. Tumakbo papunta sa kabilang kwarto na walang pinto. Hinawi lang nya ang kurtinang nakasabit at pumasok na sa loob ng kwarto. Natuwa ako kaya nagsalita ako.


“Wow may ikakasal po?” nakangiting sabi ko.


“Ikakasal? Wala naman.” Sabi ng lola ng friend namin. “Bakit mo naisip na may ikakasal?”


“Ahh- - wala po—." Naisip kong hindi tao ang nakita kong babae, kaya nagpalusot nalang ako. "--Uhm, dami po kasi pagkain, parang may kasalan eh hehe…” Maya maya nakita kong lumabas na naman sa kwarto ang babaeng nakasuot pang-kasal. Pero kung nung una nakita ko lang ang likod nya, ngayon nakita ko syang nakaharap. Wala syang mukha! As in parang ulo na walang mata, ilong, at bibig, wala ring tenga. Iniwas ko ang tingin ko, natakot ako! 3 araw at 2 gabi kami nag-stay dun, at lagi kong nakikita ang babaeng yun tuwing 11:15am. Paulit ulit lang, tatakbo mula sa isang kwarto papunta sa kabila. Hindi ko tinanong ang friend ko tungkol dun, ayoko na rin malaman kung anong history meron sa bahay na yun.


  

Story Archive