Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Kalabog (Short Story)

Story Rating:

Ako po yung dating nagkwento ng " Anino". Gusto ko po ulit s......

Takot ako!

Story Rating:

Ako nga pla si Jia at ngayon ay 32 anyos na ako. Nais ko lng......

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na karanasan.


1. 2010 nang minsang pumunta ako sa Provident Village sa Marikina. Niyaya ako ng kaibigan ko na magpa-tattoo sa kakilala nya na doon nakatira. First time kong makarating sa lugar na yun. Pagpasok ko sa subdivision ang daming magaganda at malalaking bahay. Medyo nasa dulo pa ang bahay nung magta-tattoo samin kaya nag-tricycle pa kami papasok dun. Dahil 3 kaming nagpa-tattoo inabot ng 6 na oras bago kami matapos lahat, 10pm na nung nag-decide kami umuwi. Napag-desisyunan namin na maglakad na lang palabas ng subdivision dahil wala rin naman tricycle. Habang naglalakad kami tumitingin ako sa mga bahay. Malalaki, magaganda, pero napansin ko, karamihan abandonado na. Nung mapadaan kami sa isang malawak na bakuran, napatingin ako, maraming halaman pero parang malalanta na, at maraming tuyong dahon na para bang di na nawawalisan ang paligid. Tumingin ako sa bahay na nakatayo sa gitna ng bakuran, unang tingin ko madilim ang bahay at mukhang abandonado, pero biglang nagliwanag sa loob. Tapos nakita ko may mga tao na sa loob ng bahay. Nanay, 2 bata, at isang matandang lola siguro nung 2 bata. Sumisigaw sila, nagkakagulo sa loob, pero hindi ko alam kung anong nangyayari. Umiiyak yung 2 bata. Yung nanay at yung lola aligaga. Tapos naramdaman ko para kong nasa ilalim ng tubig, alam kong walang tubig sa paligid ko pero yung feeling parang nakalubog ako sa tubig. Sumisikip dibdib ko, nanlalamig ako, nahihirapan ako huminga. Tapos nawala lahat ng nararamdaman ko nung hawakan ako ng kaibigan ko sa braso.


“Sharon, ok ka lang?!” tanong ng kaibigan ko. Hindi ako agad nakasalita. Parang na-blanko ko sandali, mga 5 seconds. Tapos may narinig akong mga iyak. Hindi ko alam kung san nanggagaling. Alam kong hindi yun iyak ng mga nabubuhay na tao, mga palahaw yun ng nagdurusang kaluluwa. Pilit ko pinapakinggan kung san galing yung mga iyak.


Tapos maya maya sabi ko sa kaibigan ko. “Umiiyak yung lupa.”


“Ano?!”


“Yung lupa umiiyak. May pamilyang namatay dyan sa bahay.” Sabi ko.


“Hala ayan ka na naman, nakakakita ka naman, alis na tayo dito!” Hinila na ko ng 2 kong kaibigan. Hanggang sa naglalakad na kami palayo naririnig ko pa rin yung mga iyak.


At dahil sa curiosity ko paguwi ko ng bahay nagresearch ako, tinype ko Provident Village Marikina. At unang lumabas ang mga litrato at news tungkol sa bagyong Ondoy noong 2009, kung saan marami ang namatay sa lugar na yun. At siguro isa na yung pamilyang nakita ko at ang mga iyak ng kaluluwang narinig ko.


2. Bumisita kami ng family ko sa isang kaibigan ni Mama sa Novaliches. Isa sa mga subdivision na malapit sa TV 5 ang tinitirhan ng friend ni Mama. Habang nag-uusap sila Mama nagpaalam ako na lalabas at bibili ng mga street food, meron kasing hilera ng mga nagtitinda ng street food malapit sa entrance ng subdivision. Naglalakad ako nang makitang sa labas mismo ng gate ng subdivision ay may naka-paradang kariton na nagtitinda ng manggang hinog, nag-decide akong bumili. Pero ayokong bitbitin ang binili kong mangga hanggang dun sa bilihan ng mga street food, so naglakad ako ng konti pabalik sa guardhouse. May isang matandang guard dun na mukhang mabait. Lumapit ako.


“Sir, makikisuyo sana ko. Baka pwede ko po iwanan saglit tong pinamili ko. May bibilhin lang po ako dyan sa malapit.” Sabi ko sa matandang guard na nakangiti sakin.


“Sige Mam no problem, basta huwag kayong magtatagal at baka kainin ko to, mauubos ko to!” biro nung guard. Nabasa ko ang nakasulat sa uniform nya, R.B. VENTURA SR., ang nakasulat na pangalan nya. Tumawa naman ako, at naisip ko agad na mamaya pagbalik ko ibibili ko ng 2 pirasong mangga si manong guard.


Pagkatapos kong bumili ng mga inihaw at kwek kwek ay bumalik na ko sa nagtitinda ng mangga, binili ko si manong guard ng 2 pirasong manggang hinog, at pumunta na ko sa guard house. Pero wala dun yung matandang guard na kausap ko kanina, mas batang guard ang naka-upo ngayon dun.


“Hi Sir, kukuhanin ko po sana yang mangga na pinaiwan ko. Asan po yung kasama mong guard?” sabi ko.


“Ay sino ho Mam?”


“Yun pong kasama mo, na mas matanda sayo. Kanina sya yung kausap ko eh. Bibigay ko lang sana tong mangga.”


“Mam wala po kong kasama dito. Nag CR lang po ko saglit kanina Mam, baka po mga taga-rito lang din po yung nakausap nyo.”


“Hindi po, naka-uniform sya eh, saka andito sya sa loob ng guard house. Si R.B. Ventura SR. po.”


“Eh Mam ako ho yon!” Pinakita nya sakin ang nametag sa uniform nya. R.B. VENTURA JR.


“Sir, Junior naman po yan eh, Senior po yung hinahanap ko. Tatay nyo po?!”


“Naku Mam, huwag kayong nagbibiro nang ganyan, eh matagal na hong patay ang tatay ko.” Ngumi-ngising sabi ng guard sakin.


“Di nga sir? Kanina kausap ko sya dito eh. Binilihan ko nga ng manga oh.”


“Oo Mam, gwardya din ho dito yung tatay ko, pero ayun nga, namatay na, last year pa ho. Naku mukhang nagduduty pa rin ata yung tatay ko ah”, tulad ng tatay nya, palabiro din ang anak nya.


Hindi ko alam kung pano ko iibahin ang usapan, o pano ko magpapaalam kay kuya guard. Kinuha ko nalang yung manggang pinaiwan ko, at binigay ko nalang sa kanya yung 2 pirasong mangga na binili ko para sana sa tatay nyang namatay na pala.


  

Story Archive