Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Kalabog (Short Story)

Story Rating:

Ako po yung dating nagkwento ng " Anino". Gusto ko po ulit s......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na karanasan.


1. Napasali ako isang grupo nung 22 years old ako. Sa pagre-refer ng mga kakilala, na-meet ko ang grupong ito ng mga pinagsama-samang psychic at paranormal investigators na graduate sa mga kilalang university sa Pilipinas. Pagkatapos ng ilang mga sessions or meetings namin, pinapunta kami ng manager namin sa isang  “haunted house” sa Bulacan. Para daw ito sa isang segment na ifi-feature ng isang TV Network for their Halloween special. 4 kaming pumunta dun at isang 2 storey modern house ang bumungad samin. Abandonado na daw matagal na at sabi ng mga taga-roon ay pinamamayahan na nga daw ng mga masasamang espiritu.


Sa labas palang ng pinto naramdaman na namin ang mabigat na aura ng bahay. Paano nga ba nasasabing mabigat ang aura? Ito yung biglang parang sumikip ang dibdib mo, may feeling of uneasiness or yung feeling na hindi mapalagay, biglang parang may kaba. Sa akin minsan as in literal na bumibigat, pakiramdam ko biglang bumibigat ang hangin at biglang namimigat o nangangalay ang mga balikat ko kaya madalas hinihimas ko ang batok ko o balikat kapag nakaka-experience ako ng paranormal.


Lumingon ako sa isang kwarto sa kanan ko. Sira na ang pinto non at madilim ang loob. Nakita ko may batang lalaki! Para syang lumiliwanag sa dilim dahil sa napaka-putla nyang balat, nasa 8-10 years old siguro sya.


“Fuego!” (na ang ibig sabihin ay apoy sa wikang espanyol). Yun ang narinig kong sinasabi ng bata paulit-ulit. Sinabi ko sa mga kasama kong may bata sa loob. Tumakbo yung bata papasok sa loob nung madilim na kwarto. Pumasok kami sa loob. Sabi ng mga taga-roon na kasama naming nagiikot ay baka daw masamang espiritu yung bata, pero base sa pakiramdam ko ay hindi naman, isa lang syang confused soul. Lalapitan ko sana sya habang nakasiksik sya sa likod ng lumang cabinet pero napatigil ako kasi biglang umingay ang kanang tenga ko! Nagulat ako, biglang parang may nagdikit ng megaphone sa kanang tenga ko at nag-play ng mga tunog ng sasakyan at sigawan ng mga tao. Napapikit ako saglit at sa halos 2 seconds lang na pagkakapikit ko nakita kong nakatayo ako sa kalsada, nakatingin ako sa isang nasusunog na bahay. Maraming sumisigaw, maraming tumutulong na mapatay yung apoy, mga taong nakasuot ng lumang pananamit. Tapos nawala rin agad ang vision.


“Nasunog yung dating bahay na nakatayo dito,” sabi ko.  “Panahon pa yun ng mga kastila. Nalilito yung bata, hindi nya alam kung san sya pupunta.” Nilapitan ko na ang lumang cabinet para silipin ang bata sa likod, pero wala na sya dun.


Nagdecide kami na i-cleanse na lang ang bahay, pero mas higit pa yata dun ang kelangan dahil hanggang ngayon nakikita kong ifini-feature pa rin sa mga Halloween Special sa telebisyon ang bahay na yun, na hanggang ngayon nga raw ay pinamumugaran pa rin ng mga espiritu.


2. Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng Undas last year. Nasa sala ako at mag-isang nanonood ng TV. Naramdaman kong may lumakad sa bandang likuran ko kaya lumingon ako, pero wala akong nakita. Tumayo ako, kumuha ng makakain sa fridge. Naglalakad na ko pabalik sa sofa nang mapahinto ako saglit. Nakita kong may isang batang babaeng nakaupo sa sofa! Around 6 yrs.old sa tingin ko. Kanina tahimik, pero ngayon naririnig ko na ang iyak nya. Nakatingin sya sa screen ng tv pero tuloy tuloy lang ang iyak nya. Nasa isang minuto rin siguro ang lumipas bago ko nagdecide na lumapit. Naglakad ako sa harapan nya at tinignan ko ang mukha nya. Bigla syang tumingin sakin at nagsalita.


“Ninang, ayoko pa po mamatay”, nagulat ako sa sinabi nya, tinawag nya kong Ninang!


"Anong pangalan mo?” tanong ko sa kanya.


“Lyka.” Sabi nya habang humihikbi pa. Isip ako ng isip pero hindi talaga mag-register sakin ang pangalan nya. Hindi ko nga yata sya talaga kilala. Nagsalita sya ulit. “Papasok pa po ko sa school, gusto ko pa po maglaro. Mahal na mahal ko sila Mama’t Papa saka sila kambal.”


Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Pumikit ako, ang bigat ng dibdib ko, umiiyak na ko. Napupunta sakin ang mga sad emotions ng kaluluwang kaharap ko. Pagdilat ko wala na sya. Umupo ako sa sofa, pinipilit kong ihinto na ang pag-iyak ko. Pero nararamdaman ko pa rin ang sakit na nararamdaman nung batang kaluluwa. Habang patuloy pa rin akong lumuluha pilit kong iniisip kung bakit nya ko tinawag na Ninang. Hanggang sa may naalala ko! Sa dati naming tinitirhan may kapitbahay kami, si Ate Avic, kinuha akong maging ninang ng anak nyang panganay, Lyka ang pangalan! Pero baby pa yun nung huli ko syang nakita dahil lumipat din kami agad ng bahay.


Kinabukasan, tinawagan ko ang tita ko, kapitbahay nila si Ate Avic.


“Tita, may itatanong lang po ako, kamusta si Ate Avic.”


“Ay, bakit? Nahulaan mo?! Namatay yung panganay nya, si Lyka kahapon. Ilang araw na palang nilalagnat yung bata hindi naman pinapa-checkup, may dengue na pala. Kahapon nagdugo na yung ilong saka tenga, nung dinala sa ospital wala na huli na, namatay yung bata.”


Parang sumikip ang dibdib ko sa narinig, naalala ko yung batang kaluluwa na umiiyak sakin kagabi. Inaanak ko pala, ang laki na nya.


Pumunta ako sa burol kinagabihan, dun ko nalaman na may kapatid pala si Lyka, 2 lalaking baby pa, kambal, tulad nga ng sinabi ng kaluluwa nya nung magpakita sya sakin. Hindi na ulit nagpakita sakin ang kaluluwa ni Lyka. Hanggang ngayon kasama sya sa mga ipinagdarasal kong kaluluwa, yun lang naman ang kaya kong gawin, ang ipagdasal ang katahimikan nya.


  

Story Archive