Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

...

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

APARTMENT FOR RENT

Story Rating:

Madami ng cobwebs sa loob kasi raw matagal na siyang di nabu......

Basement

Story Rating:

Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na karanasan. 


1. Portal. Yun ang nakita ko sa gitna ng mga malalagong puno nung minsan nag 3 days 2 nights stay kami sa Baguio. Sa Teacher’s Camp kami nag-check in dahil may kasama kaming 2 professor kaya naka-discount kami. Kasama ko si Mike, bukas din ang third eye nya tulad ko. Pagpasok namin sa bahay na gawa sa kahoy at semento isang anino ang sumalubong samin. Bawat galaw namin nakamasid sya, pasilip silip sa mga dingding para tignan kami, pero pag titignan ko sya nagtatago sya. Bukod dun wala naman syang ginagawa kaya hindi nalang namin sya pinapansin.


Kinabukasan may pinuntahan kami sa bandang Kenon Road. Isang maliit na falls sa gitna ng mga puno na para bang nasa loob ka ng kagubatan. Napaka-refreshing ng ambiance. Pero may parte dun kung saan masukal ang mga puno at hindi masyadong naaabot ng mga turista, doon may isang portal. Lagusan sa pagitan ng mundo ng tao at mundo ng mga patay at kakaibang nilalang. Tinawag ko si Mike.


“Mike, tignan mo.” Tinuro ko ang isang parte sa mga puno kung saan pareho naming nakita na may mga naglalakad na ‘tao’. Mukha silang mga Japanese, pila pila sila sa paglalakad pero hindi sila sundalo. Naglalakad sila habang may mga dalang gamit na pang-construction. Nakasuot ng simpleng polong puti yung mga lalaki (na marumi at naninilaw na), at simpleng Japanese kimono naman ang suot ng mga babae. Biglang nagsalita si Mike.


“1904.” Isa yun sa mga kakayahan ni Mike na sanay syang gamitin, nalalaman nya kung anong taon ang mga image na nakikita nya. “Hmm, wala pang World War II non ah. Baka gumagawa sila ng tunnel” sabi ni Mike. Pero later nung mag-research kami nalaman namin na meron palang mga Japanese noon na mga karpintero, mason at construction worker na dumating sa Pilipinas para gawin ang Kenon Road sa pamumuno ng mga Amerikano, at nasa mga year 1904 nga nung ginawa ang Kenon Road.


2. College ako nung pumunta kami sa isang church sa isang di kalayuang probinsya para sa ginagawa naming film project. Mga 3 oras na kami nagsu-shoot sa iba’t ibang parte nung simbahan at maayos naman ang lahat. Para sa next scene, kukuhaan ang eksena sa loob ng kampanaryo o yung bell tower. Nasa ground kaming mga “staff” kasama ang “director” na syang professor namin, at nasa kampanaryo na ang mga groupmates kong “actors”. Nung sisimulan na ang pag-shot sa eksena biglang nag-malfunction ang mga gamit namin. Blurred ang shot ng mga camera at hindi gumagana ang mga lapel microphone. Nag-break kami ng 30 minutes at inayos ang mga gamit. Nagrereklamo ang mga actors na sobrang init daw sa kampanaryo, iba rin daw ang pakiramdam nila don. After 30 minutes ok na ang camera pati ang lapel.


Nung simulan na ang pag-shoot, napansin ng director namin na may aninong humaharang sa camera kaya naman yung kalahati ng shot medyo itim at yung kalahati malinaw. Tinawagan ng director namin yung mga staff na nasa kampanaryo para paalisin daw kung sino man ang humaharang sa camera. Pero sabi nila wala naman daw nakaharang. Nag-volunteer akong umakyat sa kampanaryo para i-check. Nakaka-hingal ang paakyat sa taas, masikip pa ang hagdanan na gawa sa bakal na medyo kinakalawang na sa tagal. Malapit na ko sa tuktok nang makaramdam ako ng init. Pinagpawisan ako lalo, namimigat ang balikat ko at tumatayo ang mga balahibo ko sa batok. Narating ko na ang taas. Nilibot ko ang paningin ko sa maliit na space na yun. Nakita kong umuusok ang pader at may orange na ilaw na lumalabas sa mga singit singit ng semento na para bang nagba-baga ang likod non, sobrang init! At sa harapan ko mismo nakita ko kung ano ba talaga yung nakaharang sa camera namin.


Maligno!


Isang maitim na elemento ang nasa harapan ko, na syempre hindi nakikita ng mga kasama ko. Nakakatakot ang itsura nya, as in kulay black sya, wala kong makitang hibla ng buhok pero sa paningin ko parang may buhok sya. Yellow na medyo greenish ang mata nya, walang pupil o yung itim sa gitna. Wala syang ilong at bibig, pero may isang malaking butas sa ibaba ng mata nya. Hindi ko alam kung yun ba yung bibig nya, pero kung makikita nyo sya para syang sumisigaw. Galit sya, galit na galit. At ako naman, takot na takot. Usually, ang mga maligno ay makikita sa mga kagubatan, hindi naman talaga sila nakikihalubilo sa mga tao, pero may mga masasamang maligno rin na minsan dahil sa kagagawan ng mga tao ay naliligaw sa syudad. At sa case na to hindi ko alam kung paano napadpad sa kampanaryong yun ang malignong nasa harapan ko. Pero sa lakas at itim ng presensya nya sigurado akong kaya nyang makapanakit.


“Guys pack up, now na. Baba tayo, baba!.” Nagmamadali kong sinabi. Hindi ako dapat nag-cause ng panic, pero dahil nahalata nila siguro yung takot sa mukha ko nag-unahan magsi-baba yung mga kasama ko.


Pagdating namin sa baba, sinalubong kami ng director namin. Paakyat na rin pala sya para tignan kami, kasi bigla na lang daw nag-static yung shot ng camera namin, at may malaking boses ng lalaki na sumisigaw galing sa lapel microphone ng mga actors namin! Alam ng director namin ang kakayahan ko, kaya nung sinabi ko sa kanya kung anong nakita ko sa taas, nag decide kaming humanap na lang ng ibang church na pagsu-shootingan. Bago kami umalis binanggit namin sa pamunuan ng simbahan ang nangyari at ang nakita ko, tumugma ang kwento ko sa pa-ilan-ilang kwento ng mga katiwala ng simbahan tungkol sa napaka-init na pakiramdam at boses ng sumisigaw na lalaki sa kampanaryo, pero wala na kaming balita kung anong aksyon ang ginawa nila.


  

Story Archive