Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

momoo sa office

Story Rating:

nito lng November nagpalit ng gwardya dahil expire na yung k......

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story


Compound


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


They said when young, your imagination is the one to blame when you get scared every time you hear or talk about “Supernatural beings”, ika nga nila “tinatakot natin ang sarili natin.” Pero, naniniwala ako na hindi lang basta imagination ang may kasalanan bakit tayo natatakot, pero dahil may mga bagay talaga na mahirap maipaliwanag.

Just like the first story I submitted (Binatana) this next story also happened to me at the same area (same Barangay) we used to live in Mandaluyong, but I think I was 13 or 14 yrs old. Back in those days, we use to play outside since di pa uso ang gadgets, playground natin kabataan is kalsada. I have made a lot of friends already and till now close friends ko pa din sila, most of them nga is Ninong pa ng mga anak ko. Habit na namin lumabas at tumambay or maglaro ng kung ano ano after mag dinner ng 7PM, we will gather outside, then we will find something interesting to do.

That evening, Me and 3 of my friends decided na maglaro ng Boardgame sa bahay ng isa sa amin. Lets just call him “Van”. Since wala madalas Mama (Single mom kasi) niya, home alone siya at mga tito at tita madalas niya kasama. Isang buong compound sila na magkakamag anak. Tulad ng nasabi ko sa previous story ko, dati din kinatatyuan ng Public school building yung compound nila, medyo looban at sa dulo mismo ng compound yung bahay nila.

Bago ka pumasok sa compound nila, baba ka muna ng hagdanan na bato at medyo matarik, mga 6 hanggang 7 steps papasok sa compound. Lalakarin mo papasok na halos 3 tao lang ang lawak ng looban nila, dadaanan mo ilang pinto ng bahay ng mga tito niya at sa dulo at medyo madilim na sulok ang bahay nila Van. 2 ilaw lang nag nagbibigay liwanag sa hallway ng compound nila, yung una ay sa gitna nung hallway, yung 2nd is malapit sa bahay nila Van, may ilaw sa pintuan nila van pero most of the time sarado kasi wala naman tao sa kanila. Kay kapag mammalasin ka, pwede ka madulas sa hagdan papasok ng compound at pag nagkaton disgrasya pa aabuitn mo kung dika maingat.

Around 8PM that evening, I went out dahil narinig ko na yung mga palakpak (this is how me and my friends calls to each other) ng mga kaibigan ko. Duamting si Mike yung bestfriend ko. “Tol, si Van asan?” tanong niya sakin. “baka nasa bahay pa nila, tawagin na lang natin.” Sagot ko naman. Ilang hakbang lang at nakita namin papalapit na si Egie yung isa pang kaibigan namin dala yung gitara niya galing din sa bahay nila. “Ano, may praktis ba tayo?” sabi nya habang pasalubong samin. “Sige, tawagin natin si Van” sabi ko kay Mike sabay lakad sa direksyon papunta kila Van at si Egie naman ay papunta sa may kalapit na tindahan sa kabilang kalsada.

Sa tuwing pupunta kami kila Van ay ugali na namin yung tinatakbo at hinahakbangan yung ilang baitan ng hagdan para mapabilis bumaba, yung tila nagmamadali bumaba. Nauna patakbong bumaba si Mike, “Pak! Pak! Pak!” tunog ng tsinelas na goma sa makinis na batong hagdan at mabilis na kasunod naman akong patalon talon na bumaba, “Pak! Pak! Pak!” tunog ng Rambbo na tsinelas ko. “Pak! Pak! Pak!” muling tunog ng tsinelas. Nilingon ni Mike at sumunod naman ako lumingon sa likod para tingnan kung sino pero bigla akong natulala at tumingin pabalik kay Mike ng makita ko na wala na kaming kasunod na bumaba at kami lang dalawa ang magkasama!

Nagkatinginan kami ni Mike ng mga 3 segundo at sabay sabi niya na pabulong “Pucha, sino yun??”. Nangilabot ako ng walang sabi-sabi at dali-dali kami tumakbo paakyat at palabas ng compound nila Van. Hinanap namin agad si Egie na iniisp ko na baka nanakot lang pero medyo nasa kalayuan siya at bumibili sa tindahan sa kabilang kalsada. Nilapitan namin si Egie at agad agad namin sinabi ang nangyari. “Pucha pre may sumunod samin pagbaba ng hagdan!” palakas na sabi ni Mike kay Egie. “Huh? Anong sumunod?” di kaagad naintindihan ni Egie ang sinabi ni Mike kaya dinugtong ko agad na “hindi, kasi pagtakbo namin pababa, narinig namin ni mike na may sumunod kasi tumunog yung tsinelas, pero pag tingin namin walang tao.”

Tumawa lang si Egie ng mahina sabay mura ng mahina “tang ina’ng yan, hihihi” pahinang tawa niya. “Marami talaga d’yan, dun nga sa tapat na bahay nila Van sa may manukan may sumisitsit dun na parang maliit na boses, parang dwende. Madalas yun pag pumupunta ko kay tito Rey.” (Uncle ni Van na kaibigan ng erpat ni Egie) “Kaya hindi ako pumupunta d’yan pag madaling araw eh, hehehe.” Dagdag na sabi ni Egie. Matagal na naiikwento ng kapitbahay nila Van na Barkada naman ng kuya ko na meron madalas magparamdaman sa compound lalo na sa bandang dulo, andyan daw yung maliliit na boses na naglalaro, minsan tatawagin pa ang pangalan mo at biglang tatawa ng mahina, meron daw yung naglalakad sa hallway nila na may hila-hilang kadena tulad ng nakwento ko sa unang story ko. Pero nawawala naman daw pag tiningnan mo. Pero hindi namin inaakala na may mararanasan namin ito the same evening.

Nag-decide kami na sabay sabay na kaming 3 na bumaba, kahit takot pa kami ay naglakas loob na lang na bumaba para lang tawagin si Van. Hindi kasi rinig sa bahay nila kapag pumalakpak kami dahil dulo ng compound at nasa bandang sulok ang bahay nila Van. Dahan dahan at magkakasunod kaming bumaba ng hagdan habang nagbubulungan at naglolokohan pa kami na kesyo baka bigla kami gelatin at lumabas kung saan ang isang mukha or baka may makita kaming lumalakd pasalubong sa amin.. Nakababa naman kami ng walang naramdaman o nakita. Ilang hakbang pa at nasa tapat na kami ng bahay nila Van, sarado ang ilaw sa sala pero bukas yung ilaw sa taas ng bahay nila at mukhang nasa kwarto si Van. “Van?.. Van?.. Labas ka, Jam tayo.” Sabi ko habang nakatingin sa bintana. Yung dalawang kaibigan ko naman ay pinagkekwentuhan yung tapat na bahay nila Van kung san daw may sumisitsit na maliit na boses habang tinuturo ni Egie yung silong na manukan.

Narinig namin na bumaba na si Van mula sa itaas nila at binuksan yung ilaw sa harap nila at binuksan yung pinto. “Oh?” tanong ni Van. “Jam tayo, dala ko na gitara ko.” Sagot ni Egie, “Tara, habang maaga.” Dagdag ni Mike. “Maya-maya na, wala pa si Mama eh, nood muna tayo TV. “ Paliwanag pa ni Van. Dahil ayoko mag stay sa hallway, sumagot agad ako at tumungo papasok sa bahay nila Van, sumunod naman yung dalawa sa akin Maliit lang ang bahay nila Van, kapag tumayo ka nga ay abot mo na ang kisame ng sala, sa tabi ng pinto yung hagdan nila paakyat at isang malaking kwarto lang kung san sila natutulog ng ermat niya. Nagkwento agad ako sa nangyari sa amin, pero this time medyo light na lang at natatawa tawa na kami ni Mike dahil naiisip namin yung reaksyon namin.

Nagyaya si Van na maglaro na lang ng Monopoly dahil nasa taas yung TV nila at para lahat kami ay may magawa. Around 9:30PM, medyo nakakarami na kami ng game, nakalimutan na namin yung nangyari earlier, wala na yung takot at puro tawanan at biruan na lang ang maririnig mo, in short maingay na kami kahit gabi na, alam ko rinig na rinig yung sigawan namin sa compound nila. Hindi naman magaglit yung kapitbahay at mga tito niya kung medyo maingay kami dahil nasa loob ng kami ng bahay at walang tao sa katapat na bahay.

Pero sabi nga nila “maraming napaphamak sa maling akala”, habang nagtatawanan at naglolokohan kami, Egie is about to take his turn and roll the dice, biglang may malakas na yabag kaming narinig na nagmumula sa taas nila Van. “DAG!.. DAG!.. DAG!..” Tila may lumalakad sa kwarto nila Van parehong tunog ng yabag ng paa ni Van nung bumaba siya mula sa kwarto kanina. Tumahimik kami at nagkatinginan, biglang tahimik ang paligid at kuliglig at TV ng kapitbahay lang ang maririnig. “Sino yun?” tanong ni Mike kay Van, hindi agad sumagot si Van at pinakiramdaman muna maigi, “DAG!.. DAG!.. DAG!..”ayun na naman ang tunog. Nagkatinginan kami ni Mike at Egie at agad ko nang sinabi “Hindi nanggagaling sa labas pre, parang dito sa taas eh.” Sabay turo sa kisame. Nakaupo kami sa lapag, sa sala nila, tumayo si Van at walang pakielam na dali-dali umakyat sa hagdan at sinilip ang kwarto mula sa hagdanan, sabay baba at sumenyas ng “wala”.

Naramdaman ko na naman yung takot, naisip ko na baka may naistorbo kami dahil sa ingay na ginawa namin. Naupo uli kami sa sahig at nakikiramdam ng susunod na mangyayari. Hindi ko maialis ang mata ko sa hagdanan, I was thinking na baka may sumilip na kung ano sa hagdanan, iniisip ko na baka nakakatokot ang hitsura or baka meron biglang bumulaga at ako ang unang unang malilintikan dahil ako ang pinakamalapit sa hagdanan at halos nasa likod ko lang ito.

Mas lalo kaming tumahimik ng marinig namin yung yabag tila papalapit sa hagdanan! “Pucha, ano yan pre!? Natatakot na ko ah.” Halos di na nagsasalita si Egie at umiiling na lang sa nangyayari. ‘’Tangek, wag kayo matakot baka yung bantay lang yan dito sa bahay.” Sagot ni Van. Ilang saglit pa, palapit ng palapit yung yabag sa may hagdanan.. Tumayo uli si Van at kinatok ang kisame, “Tok! Tok! Tok!”… Halos, mapatayo kaming lahat ng sumagot din ito ng katok na medyo mahina at mabagal “Tok.. Tok.. Tok..” , Sa puntong yun, alam na namin na may kung ano ang nasa kwarto, kahit si Van ay nagulat dahil hindi niya inaasahan na ganun ang mangyayari dahil sa tagal na din nilang nakatira dun, ngayon nya lang naramdaman ito.

Habang pinakikiramdaman namin ang sitwasyon, At dahil ako ang malapit sa hagdan, kahit na nakatingin ako sa mga kaibigan ko ay aninag ko ang hagdan sa aking kanan. Just about 3 – 4 feet lang ang layo sakin ng hagdan at tanaw ko hanggang taas ng hagdanan. Habang nagtatanungan ay napansin ko na tila may hugis tao na matangkad at nakasuot ng isang matingkad at makintab na kulay BLUE na overall ang bumaba ng mabilis. Nilingon ko agad-agad para makita kung sino o ano man yun pero wala! “Pucha,may nakita ‘kong bumaba na makintab yung damit! Sa puntong yon, nagtayuan kami at kanya kanyang tulakan para makalabas agad ng pintuan at tumakbo palabas ng compound! Naunang tumakbo si Mike, si Egie ay dinampot na lang ang tsinelas at iniwan ang gitara nya para makatakbo, Lumingon ako kay Van habang hinahakbang ko paakyat yung hagdanan at si Van nama’y parang hindi makapaniwala habang sumusunod sa akin.

Pag labas ng compound, kanya kanyang komento,medyo hinihingal pa. Walang makapaniwala sa nangyari habang tinatanaw pa namin yung dulo ng compound kung may makikita kami na kung ano. Lumipas ang oras at medyo huminahon na kami, bandang 10:30 na siguro nang gabi at nakatambay na lang kami sa jeep na nakaparada, nauwi sa konklusyon na ang ugat lahat ng nangyari ay dahil sa ingay na ginawa namin, siguro nga ay mayroon kaming naistorbong kung anong nilalang na dati naman tahimik. Hindi pa din makauwi si Van, kahit pumasok sa compound ay ayaw niya dahil natatakot din lalo at naikwento pa namin ni Mike ang nangyari sa hagdanan. Si Egie ay hindi makauwi dahil naiwan ang gitara sa bahay nila Van, kaya inantay pa nila ang Mama ni Van para lang makabalik sa bahay.

Si Mike naman ay saktong sinundo ng ermat nya dahil hindi din siya makauwi lalo na’t madilim sa kanilang harap bahay. Ako naman ay umuwi na din dahil gabi na, hindi ko na din nakuhang ikwento sa amin dahil ang iniisip ko ay kami ang may kasalanan kung bakit sila nagparamdam. Simula noon, naglagay na sila ng mga ilaw sa buong compound, kahit sa silong ng manukan ay may ilaw na din at lagi nang bukas ang ilaw nila Van sa pinto. Hindi na din kami nag-iingay kapag andun kami sa bahay nila Van, pero hindi kami pumapasok ng compound kapag madilim at gabi na.

Ngayon naglakihan at nagkaron na kami ng kanya kanyang pamilya, doon pa din sa loob ng compound nakatira si Van kasama ng asawa at dalawang anak niya, pero hindi na sa parehong bahay, lumipat siya sa dating bahay ng kanyang tito at wala na sa sulok ng compound. Si Mike ay sa parehong bahay pa din nakatira pero dahil sa pag moderno ng panahon ay na-renovate na din yung open space into a 3 story house and lot, wala nang madilim na parte sa tapat ng bahay nila. Si Egie, ang huling balita ko ay sa Antipolo na nakatira at binata pa din, pero hindi na kami nagkikita ng mahabang panahon.

At ako, madalas pa din ako mapasyal kila Van dahil magkumpre kami. Andun pa din yung dati nilang bahay sa sulok, pero dahil sa paglipas ng panahon, parang memories of our childhood na lang, nakakatawa na lang kung iisipin. Pero hindi ibig sabihin nito na wala na sila, siguro tahimik at nagmamasid na lang, kelangan lang natin matutong rumespeto para tayo din ay irespeto.

  

Story Archive