Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Lola (True Story)

Story Rating:

Sabi nila, ang taong malapit nang mamatay, marami raw nakiki......

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story


Classroom


Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


              Tawagin nyo na lang po akong Migs ang ibabahagi ko po na kuwento ay base sa tunay kong karanasan noong akoy grade 6 pa lamang sa isang pribadong paaralan na hindi ko na po papangalanan. It was 1990 and I was only 12 years old.


              Alas-singko ng hapon oras na ng uwian pero dahil masama ang panahon at malakas pa ang ulan nag decide kami ng mga classmate at kaibigan ko na sina Rod at Kelly na mag stay na lang muna sa classroom hanggang sa tumila ang ulan at dahil hindi lang kami basta magkaka-ibigan magkakalapit rin ang mga bahay namin kaya sabay-sabay talaga kaming umuuwi.


Habang inaantay na tumila ang ulan inilabas Kelly ang kanyang game boy na lagi naman nyang dala sa school. Nung mga panahong yon ay usong-uso yung game na tetris sa game boy kaya yun ang nilalaro namin salitan lang kami sa pag lalaro ng game boy sa sobrang kalibangan di na namin napansin ang oras, hanggang sa datnan na nga kami ni Kuya (yung janitor po ng school).


Kuya: “O bat andito pa kayo mag-aala sais na bat di pa kayo umuuwi?”


Me: “inaantay lang po naming humina yung ulan uuwi narin po kami.”


Kuya: “wala ng ulan sige na umuwi na kayo lilinisin ko lang tong classroom tapos ila-lock ko na!”


Dahil madilim na rin naman nag decide na kaming umuwi at dahil nasa bandang dulo ng building ang classroom namin medyo mahaba ang lalakarin naming hallway bago makalabas ng building. Nung mga oras na yon wala ng ilaw ang loob ng mga classroom tanging hallway na lang ang maliwanag at habang papalapit na kami sa bungad ng hallway ay natuon ang atensyon namin sa isang classroom ng mga grade 2 students maliwanag pa kasi at bahagyang nakabukas ang bintanang jalousie. Dahil sa sobrang pagka curious ni Rod naisipan nyang sumilip pinasok nya ang kamay nya sa bintanang jalousie at hinawi nya ang kurtina na naka harang sa loob. Nagulat sya sa nakita may batang babaeng estudyante na nakatayo at nakaharap sa blackboard hindi agad kami naniwala ni Kelly kaya sumilip din kami at totoo nga nandun ang isang batang babae nakatayo sa harap ng classroom at halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nya sa blackboard,


Sinusubukan ko syang tawagin pero di nya ako nililingon lumapit ako sa pinto at sinubukan kong buksan pero naka lock na ito. Hindi takot ang nararamdaman ko nung mga oras nayon kundi pag-aalala naisip ko kasi baka di lang sya napansin ni Kuya (janitor) at napagsarahan lang sya ng pinto, kaya ng maalala ni Rod na nasa dulo pa ng building si Kuya agad kaming tumakbo pabalik. Sakto namang pabalik na si Kuya kaya nasalubong namin sya, agad naming sinabi sa kanya na may naiwan pang estudyante sa classroom ng grade 2 pero pinagalitan lang nya kami.


Kuya: “wag nyo nga akong pinag-lololoko baka pag-kukukutusan ko kayo! Kayong tatlo na lang ang estudyante dito bakit ba di pa kayo magsi uwe?”


Me: “pauwi na nga kami Kuya eh kaso may nakita talaga kaming bata dun sa room ng grade 2 sige na kuya nasayo naman yung susi diba puntahan na natin kawawa naman yung bata sige na kuya!”


Kuya: “ang kukulit nyo naman sige na sige na puntahan na natin para maniwala kayong wala ng tao dun. nilinis ko na yung classroom na yun pinatay ko na yung ilaw at ni-lock ko na kaya kalokohan yang sinasabi nyo na may bata pa dun.”


Dahil nakumbinsi namin si kuya na puntahan ang classroom sabay-sabay na kaming nag lakad sa hallway patungo sa classroom na yun, pero laking gulat namin ng nasa tapat na kami ng classroom. Nagkatinginan na lang kaming tatlo ako si Rod at si Kelly dahil ang kanina lang na maliwanag na classroom ngaun ay madilim na. At ang jalousie na kanina ay bahagyang nakabukas ngayon ay sarado na. At para maniwala raw kami sabi ni Kuya kinuha nya ang isang bugkus ng susi na naka sabit sa kanyang beywang at ang isa dun ay ang susi ng classroom na iyon. Nang makita ay binuksan nya agad ang pinto at binuksan ang ilaw, ang bumungad sa amin ay isang malinis na silid wala ang batang nakita namin kanina lang, ng maisara na uli ni Kuya ang classroom pinagalitan nya kami ulit at sinabing umuwi na kami dahil kung ano anong kalohan lang daw ang pumapasok sa isip namin.


Simula noon kapag papasok kami sa school at mapapadaan sa harap ng classroom nayon ay may kung anong puwersa na nagpapa bilis ng lakad ko at nag papatayo ng balahibo ko, at pag dating ng uwian lagi na akong sumasabay sa mga estudyante at ayaw ko ng magpa iwan sa classroom.


Hanggang ngayon po ay palaisipan pa rin sa akin at sa mga kaibigan ko kung ano o sino ang batang iyon at bakit sa amin sya nag-pakita, nanatiling sekreto at kaming tatlo lang nina Rod, Kelly at ako ang nakakaalam ng pangyayaring yon.            


  

Story Archive