Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

School Stories 2

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old. Gusto ko lang ishare......

OPISINA (Story 1)

Story Rating:

Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang Buildin......

Paalam, Aking Mahal na Ama

Story Rating:

Nag-start itong mangyari nung isang gabi na ako lang ang mag......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Kasunod ito ng Bahay Bakasyunan na aking ikinuwento noong nakaraan.


Matapos magkaroon ng mumunting salo salo sa bagong tayong bahay nila tita, ilang araw ang nakalipas ay nag aya ang mga co-officers ko ng CAT para magcelebrate sa bahay para sa pagkapanalo namin sa Fancy Drill Competition na ginanap sa covered court ng San Jose. Ipinaalam ko kay tita kung pwede bang sa bagong tayong bahay nya namin ganapin ang mini celebration na binabalak namin. Pumayag naman sya since di pa naman sila agad agad makakalipat at inaayos pa nila ang kanilang mga gamit.


Araw ng Sabado. Bakasyon at walang pasok sa school. Nagusap usap kami na alas dos ng hapon gaganapin ang party para maaga aga din matapos at di sila gabihin ng uwe. Nagpatulong ako sa Mommy ko na magluto ng Spaghetti at Hotdog Roll dahil ito ang request nila sa akin. Nagsimula na silang magdatingan at sya naman kakaayos ko palang ng hapag na paglalagyan ng handa namin. Ang iba ay nagdala ng Fruit Salad, Softdrinks, Ice Cream, may ilan na nagdala ng Tanduay Ice na inilagay muna namin sa Ref namin sa bahay at ang iba naman tawa at kwento ang dala.


Nang naayos na ang lahat, nagsimula na kaming magdasal para kami ay makakain na. Matapos ang dasal, kanya kanya ng kuha ng plato at sandok ng makakain. Medyo may kalakihan ang bahay nila tita kaya naman kasyang kasya kame. May 3 kwarto sa baba, sa taas naman ay may attic. Naroon din ang balcony na magandang pagtambayan dahil bukod sa may magandang tanawin, may kapreskuhan din ang hangin. Tawanan at kanya kanyang kwentuhan sa loob ng bahay. Nailabas na din ang Tanduay Ice at sya naman nagkaroon ng konting tuksuhan at asaran. Alam naman namin sa sarili namin na hindi kami magpapakalasing at magpapakasaya lang naman kami sa pagkapanalo na aming natamo.


"Ced, naiihi na ako. San yung CR dito?" Tanong sakin ni Nheva.


"Ah pasok ka jan sa pinto sa may kusina. Tapos sa kaliwa mo, may maliit na eskinita jan na may dalawang pinto. Alin man dun sa dalawa ay pwede mong gamitin. Pareho namang CR yun." Sagot ko.


Agad namang pumunta si Nheva sa CR. Habang ang ilan ay nagkakasayahan sa baba, tinungo ko ang balcony sa taas kung saan naroon ang iba kong kaklase. Sila naman ay may sariling kwentuhan.


"Okay lang ba kayo jan?" Tanong ko sa kanila.


"Oo naman Ced. Ang ganda pala dito sa bahay ng tita mo. Ang laki at napakapresko." Sabi ni Janice.


"Ah ganun ba? Sige baba muna ako ha? tignan ko sila sa baba" Sya namang sabi at ako naman ay akmang pababa na.


Bago ako makababa sa unang baitang ng hagdan, nakita kong nakabukas ang pintuan sa Attic room. Sumilip lang ako kung may tao ba doon ngunit iba ang nakita ko. Nakita ko ang matandang babae na tinutukoy ko at nakita ko noong ginagawa palang ang bahay nila tita. Galit sya at nanlilisik ang kanyang mata. Di ko alam ang rason kung bakit? Dahil ba maingay sa bahay? May mga bisita sa bahay? At akala ko umalis na sila dahil napabless naman na itong bahay? Di na ako natuloy pang pumasok sa takot ko sa aking nakita. Di ko din sinabi sa mga kaklase ko dahil ayaw kong matakot sila.


Pagbaba ko, nakita kong nakaupo si Nheva sa sofa, tahimik lang sya at may iniisip. Agad ko naman syang nilapitan at tinanong kung anong nangyari ng mapansin kong di normal ang kanyang kinikilos.


"Kanina kase paglabas ko ng CR may batang babae sa labas ng pintuan. Akala ko nga pamangkin mo sya. Maikli ang kanyang buhok at nakayuko. Tinanong ko sya kung anong pangalan nya. Kaso imbes na sumagot sya sakin bigla nya akong kinurot at nagsabing, "UMALIS NA KAYO DITO, BAGO PA MAGALIT ANG MAMA KO AT PALAYASIN KAYO!" Nagulat nga ako at kinurot nya ako. Tumakbo sya palabas ng pinto sa likod." Salaysay ni Nheva. Pinakita nya rin sakin ang parte ng braso na kinurot daw ng bata. Nakita naming nagpasa ito agad. Ng malaman ko ang nangyari, agad kong pinababa ang mga nasa taas para magkakasama nalang kami dito sa baba. Mag aalas kwatro na din ng hapon kaya nag aya na akong pauwiin sila para di na madagdagan pa ang anumang pwedeng mangyari.


Kasalukuyan ko ng nililigpit ang hapan-kainan ng mapalingon ako sa pintuan sa may kusina. Salamin kase ang itaas na bahagi ng pintuan. Nakita ko nanaman ang matandang babae. Nakatitig sya sakin ng masama. Kinikilabutan ako sa nangyayari  at gusto ko man sabihin sa kanila, di ko masabi sabi sa takot kong baka kami ay magpulasan palabas. Ayos na ang lahat at sila ay nakaupo na sa sofa ng magpatay-sindi ang ilaw sa sala. Dito na nagkaroon ng biruan na baka may multo daw sa bahay. Sila naman ay nagtatakutan na habang ako nagliligpit pa. Nagpatuloy sa pagpatay-sindi ang ilaw at ang sila't nagtitilian sa nangyayari. Nakita kong nakatayo ang matanda sa dulo ng lamesa at nakatignin sa akin. May sinasabi sya pero di ko maitindihan. Galit na galit sya habang nagsasalita. Nanlalamig na ang buong bahay kahit di naman nakabukas ang Electric Fan.


"Ced, mauna na kami. Medyo gumagabi na kase." paalam sakin ni Kris na aming Executive Commander. Paglingon ko sa kinauupuan nila, nakita ko ang batang babae na nakatayo sa pintuan ng bahay. Napalunok nalang sa nakita ko. Paglingon ko pabalik ng lamesa, nasa harap ko na ang matandang babae at dun ko naintindihan ang kanyang sinasabi, "BAKIT KA NAGIMIBITA NG BISITA SA PAMAMAHAY KO?" nabitawan ko ang hawak kong mga kutsara at nabasag ko ang basong hawak ko at napatumba sa sobrang takot. Sya namang takbuhan nila palabas ng bahay at agad na humingi ng tulong sa mga magulang ko. Pagdating nila Mommy at Kuya sa bahay, agad nila akong tinulungan para makatayo. Nagkasugat ako sa palad dala ng nabasag na baso. Napansin ko din na may mga kalmot ako sa binti at kanang braso.


Sinabi ko sa kanila ang nangyari at sinabi ko din ang nakita ni Nheva paglabas nya ng CR sa likod. Simula nun, hindi ko na inaya ang mga co-officers ko na pumunta pa sa bahay ng tita ko.


Sa susunod ikukwento ko ang nadanasan ng ate ko nung gumagawa sila ng thesis sa bahay nila tita at yung naranasan ng bayaw ko sa bahay ni Tita. Hanggang sa muli.


  

Story Archive