Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story


Cannibal vs Zombies Fiction 


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


PATUNGO ang van na minamaneho ni Dr. Chad Oblina sa pinakamalaki at pinakalumang gubat ng pilipinas at may kasabay silang isang malaking truck na nasa kanilang likuran. Ang nagmamaneho naman doon ay ang driver na si Kevin Rae Valencia kasama niya ang traveller na si Rommel Atienza.
Sa van naman ni Dr. Chad ay kasama niya ang dalawang assistant na sina Rick Andres at Jinky Quimosing na magkatabi sa dulo ng van.
Makalipas ng halos apat na oras nilang biyahe ay narating rin nila ang pinakamalaking gubat ng pilipinas. Bagamat may kalumaan na ito at dinaanan na ng maraming henerasyon, malaki pa rin ang pakinabang nito kay Dr. Chad.
Pagkababa nilang lahat sa mga sinasakyan ay nagtipon silang lima para sabay-sabay na pasukin ang gubat.
"Sigurado ka ba na wala nang nagmamay-ari ng teritoryong ito, Rommel?" tanong ni Dr. Chad.
"Base sa research ko, wala naman akong nakitang mga pangalan o mga company na nagma-may-ari ng gubat na ito, sir. This forest was already dead five years ago. Wala ng masyadong mga buhay na punong makikita dito na puwedeng pakinabangan ng mga tao at kung meron man, tiyak kong mga hayop na lamang ang nakikinabang dito," paliwanag ni Rommel na hawak pa ang kanyang tablet na ginagamit niya sa pagreresearch.
"That's good. Ang mga hayop ang puwede nating ipakain sa mga alaga ko," anang duktor.
Si Dr. Chad ay isang scientist at isa ring duktor. Nagtapos siya ng kolehiyo sa isang malaking unibersidad sa states.
Katunayan ay may isang di pa natatapos na malaking labolatoryo si Dr. Chad na ipinapagawa ngayon dito sa pilipinas kaya naghanap siya ng isang tago at tamang lugar para pagsamantalang tirhan ng kanyang mga alagang buhay na mga bangkay.
Sa states niya natutunan kung paano gumawa ng isang uri ng gamot na kayang buhayin ang mga taong malapit nang maagnas.
Ang gamot na iyon ang bumubuhay sa mga ito at dalawang beses sa isang linggo kung bakunahan ni Dr. Chad ang mga bangkay na nakolekta niya at ng kanyang mga tauhan para manatiling buhay ang mga ito.
Isa ang gamot na kung tawagin ay Hyperotestimus sa kanyang pinakamatagumpay na eksperimento kung saan ang mga imposibleng bagay at hindi pinaniniwalaan ng mga tao ay nakakaya niyang gawing makatotohanan at bigyan ng buhay.
Nakakulong ang mga zombie na iyon sa truck na pag-aari rin niya.
"Ano na, sir? Pakakawalan na ba natin ang mga zombie sa gubat? Kanina pa sila pukpok ng pukpok sa likod ng truck," tanong ng driver na si Kevin.
"Mamaya na. Nandito pa lang tayo sa entrance ng forest. Sa tingin ko dapat magpunta pa tayo sa kadulu-duluhan para siguradong walang ibang makakita sa kanila kundi tayo lang," anang sayantipikong duktor.
"Tamang-tama ang napili mong lugar, Rommel. Sariwa ang hangin dito.Makabubuti ito para panatilihing maging stable ang breathing ng mga zombies. Let's go." Sumakay muli si Dr. Chad sa kanyang van para puntahan ang pinakadulo ng gubat. Sumakay muli sina Kevin at Rommel sa truck para sundan ang kanilang boss.
Pagkalipas ng kalahating oras ay narating rin nila ang kadulu-duluhan ng gubat gamit ang sasakyan.
Ibang-iba ang hitsura ng dulo ng gubat kumpara sa mga nadaanan nila kanina. Marami pa palang mga buhay at matataas na puno rito. May batis rin silang natagpuan at maraming mga daanan patungo sa iba pang dako ng gubat na iyon. Sa sobrang laki ay para silang naligaw nang sila'y bumaba sa kanilang mga sasakyan. Nilibot nila ng tingin ang buong kapaligiran. Walang humpay ang ihip ng sariwang hangin at nagliliparan naman ang mga ibon sa taas ng puno.
"It's a perfect place for everything," komento ni Jinky Quimosing, ang female assistant ni Dr. Chad na galing naman sa America.
"You're right. Kahet seno pwede tomera ditow dahil preskow," komento naman ng male assistant ni Dr. Chad na si Rick Andres na isa ring American Scientist Student na katulad ni Jinky. Nakapagsasalita na rin ng kaunting tagalog si Rick dahil sa kanyang matagal na paninilbihan kay Dr. Chad dito sa pilipinas pero hirap pa rin ang kanyang dila na bumigkas ng tamang balangkas ng wikang tagalog.
"Very peaceful place. No one can caught us here," ani Dr. Chad.
"Puwede mo na silang pakawalan," utos ng sayantipikong duktor kina Kevin at Rommel.Agad namang kumilos ang dalawang lalaki at binuksan ang kandado ng likod ng truck. Inihanda na ng dalawa ang kanilang sayantipikong latigo na inimbento ni Dr. Chad para paluin at pasunurin ang mga zombies dahil paminsan-minsan ay nawawalan pa rin ng kontrol ang mga ito at nangangagat ng tao.
Iniiwasan nila Kevin na walang makagat ang isa sa kanila dahil ayon kay Dr. Chad, ang gamot na bumubuhay sa mga bangkay na ito ay isa ring lason na nakamamatay kaya mahigpit ang bilin nito na alagaan mabuti ang mga zombies at huwag nila hayaang may makagat ang mga ito.
Sunod-sunod na naglabasan ang mga zombies na hindi lalagpas sa 50 ang bilang. Para silang mga aso na pinakawalan. Nagtatakbo kung saan-saan at muntik nang makalayo. Hinabol naman nina Kevin at Rommel ang mga ito at pinagpapalo ng latigo. Mabisa ang latigo na iyon na kapag naipalo sa mga zombies ay matatahimik ang mga ito at mag-iistay sa kinatatayuan.
Mayamaya lang ay inutos ng sayantipikong duktor na ipasok na muli ang mga zombie sa likod ng truck.
"Dr. Chad, this forest is very different," ani Rick matapos obserbahan ang paligid.
"What do you mean?"
"It's kinda weird. Para bang mey mga nakatera na ditow na hinde lang naten nakeketa. Baka this forest is belong to somebody,"
Natawa si Dr. Chad.
"What are you talking about? This forest is dead. Wala ng nakatira dito at imposibleng may taong tumira sa dulong parte ng gubat," tinagalog na lamang niya upang masanay at mahasa ang binata sa wikang tagalog.
Matapos maipasok muli nina Kevin at Rommel ang mga zombies sa likod ng truck ay nilapitan nila si Dr. Chad at nagpaalam na lilibutin lamang ang iba pang sulok ng gubat na iyon at baka may madiskubre pa silang maaaring makatulong sa eksperimento na kanilang gagawin.
Pinayagan naman sila ng sayantipikong duktor kaya agad na silang umalis.


"PARE, sa tingin mo ba may mahahanap tayong puno dito na may mga bunga ng prutas? Nagugutom na kasi ako kanina pa," untag ni Rommel kay Kevin.
"Ewan ko. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta ng gubat. Pero sa tingin ko wala dahil sino naman kaya ang magtatanim ng puno na may prutas sa ganito kaliblib na lugar," sagot naman ni Kevin.
Napatawa si Rommel sa sinabi ng lalaki.
"E, itong mga puno sa paligid?Sa tingin mo ba hindi ito tutubo kung walang mga taong nagtanim?"
Hindi nakasagot si Kevin. Ang kanya sanang isasagot ay hindi niya napakawalan sa kanyang bibig.
Habang naglalakad sila ay bigla na lamang may malaking itak ang tumama sa ulo ni Rommel, dahilan ng pagdugo ng kanyang ulo at pagbagsak ng katawan sa lupa. Nagulantang si Kevin at nagtatakbo pabalik kina Dr. Chad matapos makita si Rommel na may taga ng malaking itak sa ulo. Ni hindi na niya ito nagawang itayo at itakas dahil baka pati siya ay tagain din ng itak. Napahinto siya sa pagtakbo at binalikan ng tingin si Rommel dahil may narinig siyang mga taong papalapit sa kinaroroonan nito. Nakita niya ang mga taong iyon na nakabahag lamang at may dalang mga matutulis at mahabang kawayan at mga patalim. Tinanggal nila ang itak na nakabaon sa ulo ni Rommel pagkatapos ay hiniwa ng isa ang leeg ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Kevin nang makita kung paano biyakin ng mga taong iyon ang ulo ni Rommel at kinain ng mga ito ang utak, mata at mga maliliit na lamang-loob loob ng lalaki sa ulo nito. Pinagpuputol naman ng apat na mga lalaking nakabahag ang mga braso, kamay, hita, at tuhod ni Rommel saka nila ito dinala patungo sa lungga nila.
Ibig masuka ni Kevin sa nakita. Sindak na sindak siya kaya muli siyang tumakbo para makatakas. Napakabilis ng kanyang pagtakbo. Para siyang hinahabol ng daan-daang itak na handang hiwain ang kanyang leeg.
Nang makarating siya kina Dr. Chad ay pawis na pawis ang mga ito at bakas sa kanyang mukha ang takot.
"U-umalis...na...tayo...d-dito!" utal-utal na wika ni Kevin, nanginginig pa ang mga kamay at tuhod niya at hindi mapakali.
Nataranta naman sa kanya ang tatlo.
"What happened to you?" untag sa kanya ni Jinky. Inabutan naman siya ni Rick ng isang maliit na bote ng tubig. Naubos pa niya ang bote bago siya nakaramdam ng ginhawa at kumalma.
"Sir Chad. Umalis na tayo dito. K-kanina habang naglalakad kami ni Rommel ay may umatake sa kanya. Mabuti na lang at nakatakas ako kaagad. May mga nakatira pa pala dito sa dulo ng gubat. Mga tao sila na kumakain ng kapwa tao. M-mga kanibal!" bulalas ni Kevin.
"Ano?!" sambit ni Dr. Chad. Nagulat ang tatlo sa kanilang narinig.
"Ano ba 'yang sinasabi mo, Kevin? Seryoso ka ba?" dudang tanong ni Dr. Chad sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro, sir? Halikayo sumama kayo sa akin para makita n'yo!" wari'y hamon ni Kevin sa tatlo. Muli itong naglakad papunta sa pinuntahan kanina. Wala namang nagawa ang tatlo kundi ang sumunod dahil sa taranta na rin kay Kevin.
"I'm scared..." umaarteng sambit ni Jinky habang sila'y naglalakad.
"There's nothin' to be scared of. We're here together," sabi naman sa kanya ni Rick.
"Ano ba talaga 'yung nakita mo kanina, Kevin?" parang gusto nang maniwala ni Dr. Chad sa mga sinabi ni Kevin kanina.
"Mga kanibal, sir. Pinaghahati nila 'yung katawan ni Rommel kanina at dinala nila papunta roon." Itinuro ni Kevin ang matulin na daan na tila patungo sa isang lihim na lugar ng gubat na iyon.
"Dapat siguro isinama natin dito 'yung mga zombies para kahit papaano may maipanlalaban tayo. 'Di ba kumakain din ng tao ang mga zombies?" suhestyon ni Kevin sa sayantipikong duktor.
Saglit na napaisip si Dr. Chad pero sumang ayon din siya sa suhestyon ni Kevin.
"Tama ka! Kailangan nating mapapunta 'yung mga sinasabi mong umatake kay Kevin sa basement natin pagkatapos ay saka natin pakakawalan 'yung mga alaga ko. Parang aso din ang mga iyon na kapag nakakita ng ibang nilalang sa paningin nila ay kakagatin nila," ani Dr. Chad.
"Let's walk faster!" singit ni Rick.
Sa loob ng halos kalahating oras na paglalakad ay natunton din nila ang lugar na kanilang hinahanap. Natatakpan iyon ng malalaking mga damo at mga patay na punong pinagpatong-patong na ginawang harang para walang sinuman ang basta-basta makapunta doon. Maingat na umakyat at kumapit ang apat sa katawan ng mga nakahigang patay na puno saka sila sumilip.
Nakita nila na maraming mga taong nakabahag ang naroroon. Ang iba ay nagpuputol ng mga kahoy. Ang iba naman ay nagluluto ng nilagang tao sa isang malaking kawa. Sa bandang kanan ay nakita nila ang dalawang babaeng negro na abala sa pagkakatay sa katawan ni Rommel. Ang soot nitong damit ang ginawa nilang sapin sa lamesang kahoy.
Ibig bumaligtad ng kanilang sikmura. Nakita nila kung paano tabasin ng mga ito ang dila ni Rommel sa pugot nitong ulo na dilat pa ang mga nakatirik na mata. Ang puso nito ay nakalagay sa isang bawl na yari sa kahoy kasama ang mga atay nito at mga bituka. Ang mga batang negro naman ay kasalukuyang kumakain at pinapapak ang iba pang mga lamang-loob na galing naman sa ibang tao na marahil ay naligaw din doon noon.
Hindi kinaya ni Jinky ang nasaksihan. Bumaba siya kaagad at dumuwal. Diring-diri siya sa nakita.
Mayamaya ay nagsisigaw si Jinky.Sa pagkagulat ay agad bumaba ang tatlo. Pagharap nila ay nakapalibot na sa kanila ang limang mga taong kanibal. May hawak na itak at matutulis na kahoy ang mga ito. Nanlilisik ang mga mata at halatang galit na galit.
"Teritoryo namin ito! Bakit kayo nandito?!" galit na tanong ng isang lalaki na may hawak na itak.
"Wala kayong lugar dito!" lakas loob nasabi ni Kevin. Humugot siya ng lakas para sugurin ang isang lalaki at agad niya itong sinuntok at sinipa hanggang sa mabitawan nito ang hawak na itak. Kinuha agad iyon ni Kevin saka niya sinenyasahan ang mga kasama na tumakbo.
Nataranta naman ang mga taong kanibal dahil sa biglaang pagsipa at pagtakbo ng mga kasama ni Kevin. Sabay-sabay silang kumaripas ng takbo.
Hinitsa ng isang lalaki ang matulis at mahabang kahoy sa kanilang apat pero ang natamaan ay ang male assistant ni Dr. Chad na si Rick. Bumaon ang bunganga ng kahoy sa kanyang batok at lumusot iyon sa harap ng kanyang leeg. Napasigaw silang tatlo pero saglit lang iyon. Muli silang nagpatuloy sa pagtakbo para makaligtas lalo na't hinahabol na sila ng iba pang mga kanibal. Pati ang mga kanibal na nasa loob ng lungga ay nagsilabasan na rin para tumulong sa paghabol sa tatlong taong naligaw sa kanilang lugar.
Hinayaan na nila Kevin na pagpiyestahan ng mga taong kumakain ng kapwa tao ang katawan ni Rick. Sa pamamagitan ng itak ay hiniwa ng mga ito ang tiyan ni Rick at dinukot ang mga bituka. Dinukot naman ng isa ang mga mata ng lalaki atsaka kinain.
Nang makabalik na ang tatlo ay agad pinakawalan ni Kevin ang mga zombie sa likod ng truck. Parang mga aso na nagsilabasan ang mga ito. Sobrang likot at halatang gutom na gutom na.
Ilang sandali lang ay nasundan rin sila ng mga kanibal. Marami-rami din ang mga ito. Bahagyang napaatras ang mga ito nang lapitan sila ng mga zombie. Matatalim ang titig ng mga ito at pagkain ang tingin nila sa mga kanibal na iyon.
"Grrrrwwwhhh..." sabay-sabay naungol ng mga ito.
Sinakal ng isang babaeng zombie ang kaharap niyang kanibal pagkatapos ay kinagat niya ito sa leeg. Ipinasok ng zombie ang kanyang mga kamay sa bunganga ng kanibal saka niya ito buong puwersang biniyak. Humiwalay ang ulo ng kanibal sa panga nito.
Napaatras muli ang mga kanibal nang makita nila kung paano lamutakin ng zombieng iyon ang isa sa kanilang kasamahan.
"Teritoryo namin ito! Hindi kami papayag na mawalan ng tirahan at maubusan ng lahi!" anang isang matabang lalaki na may hawak na matulis na kahoy. Iyon ang kanilang pinuno. Ang pinakamasiba at malaking bulas na kanibal sa kanilang angkan.
"Sugurin natin sila!" makapangyarihan nitong utos.
Sumugod naman ang mga kanibal sa mga zombies gamit ang kanilang mga armas na itak at mga matutulis na kahoy.
Nagtago naman sa likod ng puno sina Dr. Chad, Jinky at Kevin habang pinapanood ang madugong laban na iyon.
Higit na mas malakas ang mga kanibal kaysa sa mga zombies. Palibhasa'y gamot na lamang ang bumubuhay sa mga ito at hindi pa sila makakilos ng maayos dahil sa papaagnas nilang mga katawan kaya mabilis na natalo sila ng mga kanibal. Nilamutak nila ang mga buhay na bangkay. Mas madali nilang nahiwa at nakain ang katawan ng mga ito dahil wala na itong dugo at mga lamang loob sa katawan.
Di nagtagal ay namatay lahat ang mga zombies at naging tanghalian ng mga gutom na kanibal. Sila ang nagwagi sa labang iyon.
"Oh my... We are in danger!" tarantang sabi ni Jinky. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang papalapit na sa kanila ang mga kanibal na halos hindi mapawi-pawi ang gutom. Tumatawa pa ang mga ito habang papalapit sa kanilang tatlo.
Nataranta sina Dr. Chad. Hindi na nila alam kung paano pa sila makakatakas gayong nakapalibot na ang mga kanibal sa kanila.
Lumulundag sa takot ang kanilang mga puso.
Nang sugurin na sila ng mga kanibal ay wala na silang ibang nagawa kundi ang sumigaw pero nagtaka sila dahil bigla na lamang huminto ang mga kanibal. Nag-umpisang magsuka ng kulay berdeng likido ang mga ito at nangisay sa lupa. Nagulat doon si Dr. Chad at may naalala siya.
"A-ayan ang gamot na itinurok ko sa katawan ng mga zombie! Nilalason na ng gamot na hyperotestimus ang katawan nila!" bulalas ni Dr. Chad.
Walang patid ang pagsuka ng berdeng likido ng mga kanibal. Pati mga maliit nilang lamang loob ay isinuka nila dahil sa bagsik ng gamot na hyperotestimus.
Iyon ang isang pagkakamali ng mga kanibal. Hindi nila alam na lason sa kanilang katawan ang gamot na bumubuhay sa mga zombies. Kumapit ang gamot pati sa balat ng mga bangkay kaya nang kainin sila ng mga kanibal ay nahawa rin ang katawan nila sa gamot na dumadaloy sa katawan ng mga zombies, dahilan ng pagkalason ng mga masisibang kanibal.
Tulad ng mga zombie kanina ay namatay rin silang lahat at walang natira. Patas na ngayon ang laban. Walang nanalo. Naubos rin ang lahi ng mga kanibal dahil sa pagkain nila sa mabangis at nakamamatay na mga zombie.
Pagkatapos ng mala-pelikulang pangyayari ay napatunganga na lamang sina Dr. Chad, Kevin, at Jinky sa kanilang kinaroroonan. Para silang na-trauma at hindi makapagsalita. Pawis na pawis at hingal ng hingal.
Hindi nila alam kung gaano sila katagal nakatulala doon pero nang maka-rekober ay nakatayo na rin sila at bumalik sa sasakyan para lisanin na ang lugar na iyon.
Ang madugong pangyayaring iyon ay hinding-hindi malilimutan ni Dr. Chad sa kanyang buhay bilang isang scientist.


- Cannibal VS Zombies -


  

Story Archive