Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


My grandmother is from nueva ecija kaya naman ng mamatay ng lolo ko, we always go there with my family and cousin na si rowell. Mostly, sa may paplaridel kami dumadaan papunta sa nueva ecija. Laging madaling araw kami nagbyabyahe para walang trapik. Mabilis naman ang byahe papunta doon kaya lang trapik talaga pag umaga kaya pag madaling araw lang ang daan namin doon. Mga 2-4am. Pero last week, hindi nakasama ang mag-ama ko dahil nagkasakit ang asawa ko. Dahil sa kailangan kong umuwi para ayusin yung titulo ng lupa namin doon, kami nalang ng pinsan kong si rowell ang nagpunta sa nueva ecija. Hindi ako marunong magmaneho kaya naman nagcommute lang kami. 6pm kami nakarating sa terminal ng bus. Sabi samin ng lola ko, sa sctex nalang kami dumaan para walang trapik. Kaya naman yun ng daan ang sinakyan namin. Hindi ako masyado pamilyar where exactly hacienda luisita is. Ang alam ko lang, it is one of the most controversial issue nun kampanya ng ating presidente.

6.30pm na kami nakaalis sa cubao dahil pinuno pa ito. Bandang gitna kami nakapwesto. Natulog muna ako sa byahe dahil malayo pa naman at medyo pagod dahil tinapos ko muna ang paglilinis sa bahay. Naramdaman ko nalang ang pag-alis ng bus sa terminal. Gayundin ang pagsayaw ng pinsan kong si rowell habang nakikinig sa ipod.

7pm. Tulog pa rin ako noon pero nagising ako dahil sa may malikot sa likod ng inuupuan ko. Nung una ay mahina lang na para bang may nilalagay sa likod ng upuan ko kaya hindi ko pinansin. Maya maya lalong lumalakas yun pwersa sa likod ng upuan ko na parang pinupokpok. Pero hindi ko pa din ininda dahil sobrang antok pa ako. Mga limang minuto palang nakakalipas, sobrang lakas na talaga na parang sinisipa na yun upuan ko sa likod. Kaya napabangon ako pero biglang tumigil. Tiningnan ko yun pinsan ko na baka naramdaman din nya yun pero tulog na tulog sya. Pumuwesto ako sa upuan ko na paslant at hinihintay kong sipain ulit un upuan pero wala naman ulit na gumawa noon.

Hindi na ako nakatulog sa byahe kaya nakinig nalang ako ng mga kanta sa cellphone ko. Mga around 8.20pm, nagbasa nalang ako ng bago kong biling true haunted stories na libro. Maya maya, may naramdaman akong parang may bagay na dumidikit dikit sa sakong ko. Nakatsinelas lang kasi ako noon at walang medyas. Kaya medyo nilayo ko yun paa ko at hinakbang ko sa harap. Mga isang minuto, meron ulit na dumidikit sa sakong ko pero parang bola dahil pabalik balik lang sa sakong ko. Parang dumudulas lang sya sa bawat paggalaw ng bus. Kaya tinaas ko nalang ang paa ko kahit medyo mahirap dahil masikip. Nagbabasa pa rin ako ng mga limang minuto lumipas, bigla nalang nalaglag yun librong binabasa ko. Dahil sa medyo inaantok ako. Umayos ako ng upo at kukuhain ko na ang libro. Nakayuko na ako ng biglang may sumilip na bata sa ilalim ng upuan ko! Maitim na bata, mukhang batang lansangan, maduming madumi ang hitsura nya at nafroze yun buo kong katawan na hindi na ako makatayo. Mga ilan segundo ang lumipas, bigla nalang syang nawala. Hindi ko maalala kung paano pero unti unti ko ng nagagalaw katawan ko at napabaluktot ako sa upuan. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung titingnan ko ba yun nasa likod ko o magsusumbong ako sa kasama ng bata o sa konduktor. Ginising ko nalang ang pinsan ko.

"Couz, couz."

"Oh bakit?" Hindi ako nakasagot dahil sa takot kaya tiningnan nya ako. "Couz, couz, anong nangyari? Bakit naluluha ka? Sino umaway sayo?" Napabaligtad sa kinauupuan si rowell.

"Wala couz. May nakita kasi akong bata sa ilalim ng upuan." Nanginginig kong sabi.

"Naku couz, yun bata lang sa likod yun. Kanina pa malikot un at maingay. Wag ka ng matakot. Promise yun bata lang sa likod yun." Hinawakan ng pinsan ko un kamay ko at pinapakalma ako. Sobrang takot na takot ako sa nangyari kaya siguro naiyak na ako sa takot. Hindi na natulog ang pinsan ko at nakipagkwentuhan nalang sakin ng katatawanan para makalimutan ko yun nangyari.

9.02pm. Nagtext ang asawa ko kaya naman tinawagan ko sya at nakipag usap sa anak ko. Sumandal ako sa may bintana. Hindi ko alam pero parang nakita ko ang repleksyon ng nasa likod. Imposibleng kaharap ko iyon dahil babaeng matanda at ang anak nyang lalaking nasa 20s ang kasama nya samantalang, isang babaeng nasa 30s lang ang nasa repleksyon sa bintana. Nakakagulat pa nito ay nakabaligtad sya sa repleksyon nya. Hindi ko naman binigyan pansin yun dahil sa kausap ko ang anak ko. Nagulat nalang ako ng makita ko na ang repleskyon ay unti unting ngumingiti at parang nakatitig sa akin!! Napapikit ako at nang buksan ko ng mga mata ko ay nawala ang repleskyon. Hindi na nga ako nakapaalam sa anak ko at nabababa ko na agad ang telepono dahil sa takot. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at pinilit na matulog. Sinabi sa sarili ko na hindi nalang ako gigising hanggat hindi kami nakarating sa gapan.

9.30pm, nagising ang diwa ko dahil sa kanta ng isang batang lalaki. Nasa likuran galing ang tinig nya. Kinakanta nya ang ugoy ng duyan. Nang una ay mahina, hanggan sa palakas ng palakas pero nang sumunod, parang sa may tenga ko na kumakanta yun batang lalake. Hindi ko pinansin yun pero ang sumunod na nangyari, may humihinga na sa tenga ko habang naririnig ko ang kanta. Kahit nakatutok ang aircon sakin, pinagpapawisan pa rin ako ng malagkit. Hindi ko pa rin pinansin at nagdasal nalang ako hanggan sa maramdaman kong may humahawak sa tenga ko sa kanan! Imposibleng ang pinsan ko iyon dahil nakaupo sya sa kaliwa at bintana na ang nasa kanan ko. Kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko at kitang kita ko mukha nya na nakabaligtad, titig na titig sa akin! Napabalikwas ako sa upuan na kinagulat ni rowell. This time, nilingon ko un upuan sa likuran ko pero walang tao doon! Gusto ko nang maghysterical doon pero pinigil ko ang sarili ko. Ilan minuto nalang kasi, nasa gapan na kami. Umupo ako muli sa upuan ako at kakaupo ko palang ay narinig ko nanaman ang tinig ng batang lalake! Napansin ko na nasa sctex na kami at sobrang dilim ng daan kaya lalo akong kinilabutan. Pumikit akong muli at nagdasal. Mga sampung minuto ang lumipas at biglang may humawak sa dalawang paanan ko. Napadilat ako ng mata ko at mabilis na tiningnan ang aking paa pero wala naman kahit na ano dito. Sumilip nalang ako sa bintana para tingnan kung nasaan na kami at nakita ko, sa isang malawak na palayan, may taong naglalakad mag-isa, may dalang parang flashlight at lumiliyab! Nasusunog itong taong ito na dahan dahan na naglalakad sa palayan! Bawat palayan na daanan nya ay nasusunog din pero nawawala din ang liyab nito. Takot na takot ako sa aking nakita dahil unang beses akong makakita ng ganon. Usually, sunog na tao ang nakikita ko pero ung taong un, nasusunog at naglalakad pa! Tumigil ang bus kaya naman nawaglit ang tingin ko sa labas ng bintana. Nasa tollgate na pala at kitang kita ko, dumaan ang batang lalake na nangungulit sa akin at ang kasama nitong babae na nakita ko sa salamin papunta sa pintuan ng bus. Tumayo ako upang tingnan kung bababa ang dalawang iyon pero hindi naman bumukas ang pinto ng bus. Pumasok na kami ng tarlac at bumungad samin un palayan na nakita ko sa sctex. Lumagpas na kami sa palayan na iyon at tiningnan kong mabuti kung makikita ko ba yun taong nasusunog pero wala na iyon doon. Lumagpas na kami ng makita ko ang dalawang mag-ina na kalikod ko sa upuan!! Mabilis ang patakbo ng bus kaya imposibleng binaba sila nito. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo ng makita ko kung saan sila nagpunta! Naglakad sila sa palayan hanggan sa maglaho na lamang sila.

Napabuntong hininga ako at sumandal na sa upuan. Mga 15minutes pa ay nagstop over muna kami. NagCR muna ako dahil hindi ko na napigilan pa ang call of nature. Bumili din ako ng tubig kasama ang pinsan ko ng biglang may kumausap samin. "Neng, nakikita mo rin ba sila?" Tanong sa akin ng isang lalaki. Namukhaan ko sya dahil sya ang konduktor namin. "Ano po?" Sabi ko.

"Yun mag-ina kamo na bumaba sa hacienda luisita. Naakikita mo rin sila diba?" Kinilabutan ako sa sinabing iyon ng konduktor. "Opo kuya. Paano nyo nalaman? At hindi ba sila dapat makita?"

"Neng, matagal ng patay iyon mga yon. Kaya nga yun upuan sa likuran nyo, hindi namin pinapaupuan kahit kaninong pasahero, kahit na wala kaming kita doon. Yan kasi ang huling inupuan ng mag-ina bago sila napaslang noon ng magkaroon ng welga dyan sa hacienda luisita. Nung araw na namatay silang mag-anak, ayon ang araw na muling nagkita sila pagkatapos ng sampung taon. Ayon ang araw na nagkita ang mag-asawa at mag-ama pero yun din ang araw na namatay sila dahil sa apoy. Kaya siguro sinasariwa nila ang araw na iyon. Ang isang napakagandang alaala, ang tamis ng muling pagkikita at pagbuo ng pamilya. Ngunit, winasak lamang ito dahil sa makasariling dahilan. Tara na ineng. Aalis na tayo."

Natulala ako sa sinabi ng konduktor. Hindi ko malaman kung matatakot ako o malulungkot dahil sa sinapit ng pamilyang iyon. Pero isa lang ang aking napagtanto. Kahit pala ang mga patay ay inaalala ang pinakamahalagang araw sa buhay nila... Kaya dapat lang na tayong mga buhay at may panahon pa para makasama ang mga mahal natin ay pahalagahan ang bawat araw na kasama natin ang ating pamilya...


  

Story Archive