Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 4 user(s)


Second time ko mag share ng kwento dito.. sana basahin niyo kahit mahaba :D

Nangyari 'to nung 4th year college ako May 10, 2016.



OJT namin, sa Mandaluyong kami nakahanap ng pag o-OJT-han, taga San Jose Del Monte City Bulacan kami. 9 kaming magkakaklase kasama gf ko na nakapag OJT around Mandaluyong kaya napagpasyahan namin na maghanap ng boarding house. Dun sa Punta, Santa Ana Manila kami nakakita ng uupahan na bahay, kakilala ng classmate namin 'yung may ari ng bahay, bale tita ng classmate namin. Hanggang sa napagdesisyunan na namin na dun na talaga mangupahan. 



3rd floor ng bahay 'yung pwesto namin, bale hanggang 4th floor 'yung bahay pero walang nakatira sa 4th floor. Siksikan kami sa sala hanggang kusina 'yung higaan namin. Ang dati daw na nakatira dun ay ang lola ng classmate ko na namayapa na. Medyo natakot kami nung una sa nalaman namin pero hinayaan na lang kasi dun na kami maninirahan habang nag oojt.

'Yung unang buwan namin dun, dun na nagsimula 'yung mga pagpaparamdam sa bahay.
meron dun kapag matutulog na may naririnig kaming naglalakad sa 4th floor, may biglang may malalaglag na bakal sa 4th floor. Lahat kami natatakot pero pinipilit pa rin namin matulog.

Tapos nung 2nd month na namin dun. kapag sabado ng umaga umuuwi na kami ng Bulacan, tapos linggo ng hapon babyahe na ulit kami pa Mandaluyong, minsan kapag ganung linggo konti lang kaming natutulog sa 3rd floor kasi 'yung iba naming classmate Lunes na sila bumabyahe pabalik sa boarding house kaya kadalasan nasa 6 or 5 lang kaming natutulog dun kapag linggo.
Tapos eto na nga nung nakatulog na kaming lahat.


Mga bandang 2am or 3am 'yun. Nagising ako, kasi umiiyak gf ko. Tapos sabi niya nakatalukbong daw siya ng kumot tapos bigla daw may umupo sa tabi niya, tapos parang hinahawak hawakan daw siya sa braso, tapos ang pakiramdam daw niya ay maliit na kamay na parang bata 'yung humahawak sa kanya, nung ginising niya ko nun binuksan ko agad 'yung ilaw tapos iyak siya ng iyak nun. 

Tapos ilang sunod na gabi na palagi niya napapanaginipan na nandun siya sa boarding house tapos may lalaking kulay itim na gusto siyang kunin, madalas 'yung ganun kasi nagigising ako ng madaling araw kasi para siyang binabangungot tapos may tumutulo na luha sa mata niya kaya tinatapik ko talaga pisngi niya hanggang sa magising ko siya. Tapos nawala na ulit 'yung pagpaparamdam.

3rd month na namin dun, tapos nagsimula nanaman 'yung pagpaparamdam. Lunes ng umaga pagkagising namin, nagkwento 'yung isa naming classmate na babae, nagising daw siya ng mga bandang 3am kasi may naririnig siyang maingay na parang nag uusap, pagtingin niya daw sa hagdan papuntang 4th floor, may nakita daw siyang dalawang lalaking itim ang kulay ng buong katawan. Nag uusap daw 'yung dalawang lalaki tapos sobrang ingay, nagtataka daw siya kasi hindi man lang daw kami nagigising sa ingay ng usapan nung dalawang lalaking itim, tapos naisipan niyang buksan ang ilaw tapos bigla na lang nawala 'yung nag uusap. lahat kami takot na sa mga nararanasan namin sa boarding house.

Tapos sumunod na araw, gabi 'yun, naglalaba gf ko sa pinto ng cr. Tinutulungan ko siya maglaba, tapos may naririnig akong naglalakad sa 4th floor, 8pm lang ng mga oras na 'yun. Tuwing naglalaba gf ko lagi kong naririnig 'yung naglalakad sa 4th floor, hanggang sa nasanay na lang ako na naririnig ko 'yun.

Sumunod na mga araw, bandang 3am ulit, nagising ako kasi may narinig akong naglalaba sa cr, natakot na ko nun, nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba o hayaan ko na lang, pero nilakasan ko loob ko, pumunta ko sa cr tapos binuksan ko 'yung ilaw at wala namang tao, tapos bumalik na lang ulit sa higaan at natulog.

Sumunod pang araw, 3am ulit, nagising kami ng isang kaklase ko kasi bigla na lang umaapaw 'yung tubig sa cr. Bukas 'yung gripo, sabi ko sa kanya patayin niya 'yung gripo, pero natakot 'yung kaklase ko, kaya ako na lang tong nagtapang tapangan na tumayo at patayin 'yung gripo sa cr, nung pagkapatay ko ng gripo umalis na agad ako sa cr, nagmadali na kong humiga at natulog.

Isang umaga nagising ako mga bandang 5am tulog pa silang lahat kaya natulog na muna ulit ako. Tapos mga bandang 7am na yata 'yun, naririnig ko sila nag uusap, tapos pinapabangon na nila ako, pero sabi ko ayoko pa, tapos parang nakaidlip ako, nagising ako bigla kasi may bumulong saken, eto 'yung sinabi saken:
"Bangon na"
Tapos bigla akong nagising kasi kinilabutan ako sa bulong, pagbangon ko, wala na sila, dalawa na lang kaming naiwan na bahay, tapos nasa cr pa 'yung kaklase ko na 'yun kaya bumangon na talaga nun sa takot at nagtiklop ng higaan.

Eto na 'yung pang apat na buwan namin sa bahay, huling buwan na din namin kasi 640 hrs OJT namin kaya halos 4months inabot.

Eto na din 'yung pinaka-nakakatakot na naranasan ko sa bahay na 'yun. Halos matagal din bago nagparamdam ulit 'yung sa boarding house.


Gabi na nun. 8pm na. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan tapos nagpasya 'yung gf ko na maglalaba siya. Tapos sabi ko sa gf ko "Akyat lang ako sa 4th floor papahangin lang ako kasi ang sakit ng ulo ko, tawagin mo na lang ako kapag magsisimula ka ng maglaba". Tapos umakyat na sa 4th floor. Napakalamig sa terrace ng 4thfloor, nakatambay lang ako dun habang nakatingin sa labas tapos sa likuran ko, may kwarto, siguro mga dalawang dipa 'yung layo mula saken nung pinto ng kwarto.

Maya maya may narinig akong paakyat sa 4th floor naisip ko gf ko, tatawagin na niya ko siguro kasi magsisimula na siyang maglaba, nakapaa 'yung dinig ko naglalakad paakyat sa bato na hagdan. Tapos narinig ko na naglalakad na siya sa likod ko tapos lumingon ako sa likod ko, wala naman siya. Tapos sabi ko "Ang tagal naman nun magsimula maglaba".. 

Tapos may narinig ulit akong paakyat ng hagdan, ganun ulit, nakapaa lang 'yung dinig ko, sabi ko sa sarili ko "Siya na yan, antayin ko siyang lumapit saken". Narinig ko ulit na may naglalakad pero ang dinig ko nakatsinelas. Mga 1min na lumipas, hindi pa rin siya lumalapit saken, lumingon ulit ako sa likod ko tapos wala naman siya.


Dun na ko nagsimulang kilabutan ng mga napakatindi, 'yung pakiramdam na parang lumalaki ulo ko sa kilabot, at dun na ko nakaramdam na hindi 'yung gf ko 'yung naririnig kong umakyat ng hagdan tsaka naglakad sa likod ko na nakatsinelas.


Tapos inaantay ko pa rin gf ko na umakyat. Pangatlong beses ganun ulit nangyari, may paakyat na nakapaa, tapos may naglalakad sa likod ko naka-tsinelas, nung mga oras na 'yun hindi na ko makalingon sa likod ko kasi natatakot na talaga ko nun. Tapos maya maya may biglang may tumapik sa tagiliran ko, ramdam na ramdam ko na kamay 'yung tumapik sa tagiliran ko tapos sabay lingon ako sa likod ako. Pero wala naman akong nakita pero ramdam na ramdam ko na may multo sa harapan ko. Ang ginawa ko nagpatugtog ako sa cp ko baka sakaling umalis.

Pero nung tumalikod na ulit ako, nakatingin na ulit ako sa labas ng terrace, may naririnig nanaman akong naglalakad sa likod ko. Etong sumunod na nangyari, grabe na talaga 'yung naranasan ko nung mga oras na 'yun!!

Biglang may humawak sa balikat ko tapos nawala din agad tapos lingon ako ng mabilis sa likod ko!! Pero wala talaga akong makita na multo pero ramdam na ramdam ko na meron talaga. Nilakasan ko 'yung volume ng tugtog ko sa cp tapos hindi na ko humarap sa labas ng terrace, humarap na ko sa pinto ng kwarto habang kumakanta ng malakas sa takot na baka may humawak ulit saken. Hindi ako makakilos ng maayos nun na para bang naninigas mga binti ko tapos hindi na ko makababa sa 3rd floor. Nag aantay na lang ako na sana may umakyat para makababa na ko kasi takot na takot na talaga ako!!..

Tapos maya maya umaakyat na gf ko. Tapos hinawakan ko siya agad tapos sabi ko sa kanya "tara baba na tayo, ayoko na dito sa 4th floor!"..

Simula nun hindi na muna ko umakyat ulit ng 4th floor kapag gabi, tuwing umaga na lang haha.

Tapos tuwang tuwa kami kasi natapos na OJT namin, aalis na rin kami sa wakas dun sa boarding house haha.


At yan lang po. Salamat sa bumasa at babasa lang netong napakahabang kwento haha!


Salamat :D


  

Story Archive