Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story


Bintana


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


I just wanted to share my story about this "Manananggal", yung story ko its somehow aligned kung kelan lumabas yung balita about Manananaggal in the City, kasi i was about 10 yrs old lang at that time, 1993. I admit, di ko siya nakita pero yung maramdaman mo na may kakaiba sa paligid mo ay mas nakakatakot! Anyway, back to the story..

We lived in a apartment somewhere in Mandaluyong, we stayed at the same house for more than 20 years, dun na ko nagbinata at nagkaron ng asawa.(till now nasa mandaluyong pa din kami pero ibang Barangay na) as usual, tabi tabi ang bahay kahit apartment, sa 2nd floor ng bahay namin may 3 rooms divided. yung 2 sa likod banda ng bahay para sa 2 kuya ko at sa parents ko, then yung kwarto banda sa harapan ng bahay ay sa amin ng lola ko, OO katabi ko matulog ang lola ko dahil lola's boy ako ika nga. Dahil sa bandang harapa ang kwarto namin, kitang kita mo ang labas pag binukasan mo yung taltong malalaking bintana. Sa laki nga ng bintana kasya yung Orocan na cabinet. Abot kamay mo na din yung bubong ng katabing apartment, kitang kita yung bubong, minsan dun tumatambay yung kababata ko pag hapon pag tapos namin mag basketball.

When i was 10 yrs old, i have this bad habit of waking up at exactly 3AM. Yes, madalas yan, either punta ko ng CR sa baba or magmumuni muni ng onti para makatulog. Honestly, dun ko naranasan makaramdam ng kung ano ano,di ko alam kung imagination ko lang yun minsan dahil bata ako, there is one time nakarinig ako ng naghihila ng kadena, rinig na rinig ko siya kasi naman sa tabi mismo ng bintana yung kama namin, kaya isang upo ko lang kita ko na ang labas. Ang weird pa is tuwing may dadaan na sasakyan ay biglang mawawala yung tunog at babalik pag lagpas nung sasakyan. Tila kadena ng malaki yung hinihila pero kung iisipin ko parang hindi siya yung dumadaan lang, parang andun lang siya sa tapat at naghihila ng kadena, mawawala siya ng mga 3:15 tapos nun makakatulog na ko at nakakalimutan ko na kinabukasan.

Nalaman ko na dati palang isa sa mga building na public school yung kinatatayuan ng apartment namin noon sabi ng Papa ko, dahil inabutan nya pa ito noon na ginagawa at puro talahib pa lang. Hindi lang ako ang maraming karanasan na nakakatakot sa lugar namin, kahit mga kuya ko, mga kaibigan nila at kapitbahay may kanya kanyang kwento. Pero siyempre yung kwento ko importante.

So, usual weekend noon, walang pasok, kaya pinayagan ako manood ng TV till 11PM ng mama ko, may tv kami na maliit sa taas so dun na lang ako para pag inantok diretso tulog. Si lola maaga matulog kasi maaga gumising para mamili ng ulam. Usually, patay lahat ng ilaw sa kwarto, liwanag ng lang ng TV ang kita, pag nasa labas ka at tumingin ka sa bintana, kita mo yung liwanag galing sa TV. Ang parents ko late na din minsan matulog kasi inaantay nila yung mga kapatid ko galing kung san san, mga binata na kasi sila nun kaya pala barkada na at medyo delinkwente, alam nyo na yun. We always keep our windows open kasi presko at malalaki, hindi naman kami natatakot pasukin ng magnanakaw kasi mataas yung bintana at walang pwede tuntungan sa labas para abutin yung bintana, unless kung sa bubong ka ng kapitbahay dadaan at may dala kang malapad na kahoy para idugtong papunta sa bintana namin.

Yung mga panahon na to lumabas yung mga balita about "Manananggal in the city" naisip ko siya, pero as a kid, natakot ako pero madali ko makaklimutan pag nanood na ko ng cartoons, so time went by and i fell asleep. Then my 3AM habit came to me, nagising ako, that time hindi kadena or kung ano ano ang narinig ko. Yung narinig ko is hindi sa kalsada, parang meron kung anong nagkukutkot sa bubong ng tabing apartment namin.. yung tunog ng kutsilyo pag kinuskos mo sa yero ng bubong na may kalawang, ganun ang tunog, mahina lang yung kaluskos pero dahil tahimik at halos kalapit lang yung bubong kaya rinig ko ng malinaw.. Kasabay nung tunog ay yung buga ng hangin na parang Pakpak ng malaking ibon, natakot na ko at di ako makakilos. Iniisip ko na baka pag nilingon ko yung bintana at makita ko nung kung ano man yun ay bigla akong hilahin at kunin! Isang dungaw lang kahit sino sa laki ng bintana at abot na abot na ang mga paa ko.

Tumagal yun hanggang 3:15AM pero hindi nawala. sa takot ko hindi ko maigalaw kahit mga kamay ko para gisingin ko ang lola ko, i was hoping it was only a bad dream but its not! hindi rin siya nawawala kahit may dumaan sasakyan siguro dahil hindi siya mapapansin dahil mataas at hindi mo tanaw mula sa kalsada yung bubong ng bahay. Habang tumatagal lalong lumalaks yung kutkot at naririnig ko yung parang ipit na boses na parang naiinis. Lalo akong natakot nung narinig ko yun. i was starting to imagine how it looks like, i was thinking na "May pakpak siya, mahaba ang kuko, baka malaki ang mga mata.. " etc. etc..

Ayoko antayin mag umaga at baka ako pa ang mapagtuunan ng pansin kung ano man siya, dahil ramdam ko na alam nya na andun ako sa bintana at kayang kaya nya ako hilahin at abutin pag ginusto nya, sa laki ng mga bintana namin imposibleng hindi ako magkasya. Kaya nagtapang-tapangan ako at umikot, tumalikod ako sa bintana dahil ayokong makita yun. Kunyari nag unat ako at sabay abot sa tabi ng lola ko at ginising. "Lola, iihi po ako, samahan mo ko" at agad naman gumising at tumayo ang lola ko, pero nagtaka ako ng biglang humina o parang nawala yung kutkot na tunog. Naisip ko tuloy na baka umalis na or nawala na o baka nagtago lang saglit at biglang lumabas. Paglabas ng kwarto habang pababa ay sinabi ko na sa lola ko ang naramdaman ko, "Lola, parang may tao sa bintana sa taas, kanina pa." sa hagdanan bigla siyang bumagal ng baba habang kasabay ko at tumingin lang sakin ng seryoso. Hindi ko alam kung alam nya o dedma lang, pero hindi siya sumagot.

"Titingnan ko sandali." sabi ng lola ko at dahan dahan siya umakyat, sa takot ko sumabay na ako paakyat, hindi ko alam ano gagawin ko, iniisip ko na lang na wala nay un at nabugaw na, baka ayaw din magpakita. Pero, naiisip ko din pano kung andun nga at manananggal nga yun, anog gagawin namin?

Pag hakbang namin sa huling baitan ng hagdan, biglang bumukas yung pinto ng kwarto, sakto gising pa ang kuya ko. Lumabas siya kasi narinig nya kami bumaba. “huy, bakit gising ka pa?” tanong nya habang subo subo pa yung yosi nya habang yung isang kuya ko tulog na at lasing daw. Hindi ko na inantay magsalita lola ko, ako na ang sumagot sa kuya ko na medyo nangingilid na ang luha sa takot. “Kuya may tao dun sa binatana sa bubong, parang may kunukutkot.” Sabay turo sa may bintana sa kwarto. Madilim at wala ka makikita sa labas ng bintana kung hindi mo lalapitan, kaya wala ka makikita na kahit anong gumagalaw o kumikilos. Lalo akong natakot ng nagsalita ang lola ko na “tingnan mo nga yun, Lito, kini-kilabutan ako eh.”

Sa sinabing yun ng lola ko alam ko na may alam na siya, hindi man niya alam kung anong nilalang yun pero sigurado ako na alam niyang hindi pangkaraniwan at hindi ito tao. “Sige, lola, teka lang.” Sagot ng kuya ko, sabay pasok sa kwarto binuksan yung cabinet nya at nilabas yung isa sa koleksyon niyang mga “deadly weapons”, nagulat ako ng nilabas nya yung Samruai (nasabi kong samurai kasi katulad nya yung weapon ni Leonardo sa Teenage Mutant Ninja Turtles). Dali dali siya lumabas at pumasok sa kwarto habang nakatayo lang kami ng lola ko sa pinto at tinitingnan siya. Hindi ko alam anong gagawin ng kuya ko kung makaharap or Makita niya kung ano man yung nasa bintana.

Dumungaw sa bintana ang kuya ko, inilabas sa lalagyan yung samurai at hawak nya sa kaliwang kamay, tumigin ng kaliwa’t kanan at tinanaw yung nasa bubong, mga ilang minuto biglang may malakas na hangin at biglang napatingin pataas yung kuya ko. “Hoy, Putang ina mo! Wag ka babalik dito, tatagpasin ko pakpak mo!” Nagulat ako nung sinabi niya yun, ibig sabihin alam niya kung ano yun, alam nya na Manananggal yung nasa bubong. Nagtagal muna siya sa tabi ng bintana at sinisilip yung mga bubong ng kapitbahay. Bumukas yung pinto ng parents ko, sumilip erpat ko, “Ano yun?” tanong niya. “May tao sa bintana kanina” sagot ko. Tumayo at lumabas na din ng kwarto yung parents ko at pumasok sa may kwarto namin. “Ano yun, lito?” tanong ng ermat ko naman. “May manananggal kanina sa bubong eh, binugaw ko lang.” Sagot ng kuya ko.

“Ay, ano ba yan! Wala na?” sabi ng ermat ko na may halong pagalala ang tono. “Wala na, parang lumipad palayo eh, di na babalik yun, tinakot ko eh.” Kinwento ko muna sa kanila yung mga narinig ko at pagkatapos nun sabi ni erpat isasara na daw nila yung bintana pag gabi. Bumalik na ang parents ko sa kwarto at pumasok na din ang kuya ko sa kwarto nila, sinara nila yung mga bintana at sabi ng lola ko ay matulog na kami uli. Pero hindi na ko nakatulog hanggang mag umaga, kaya aantok antok pa ko nung bumaba ng mga 9AM. Gising na sila lahat at nasa baba na din yung mga kuya ko. Napagusapan nila yung nangyari at sabay kwento ng kuya ko yung “encounter” niya few days ago bago nangyari to.

Kahit antok pa ako ay nagising ang diwa ko sa kwento, eto ang nangyari ayon sa pagkaka kwento niya. “Nung pauwi ako nung isang gabi mga Alas 3 na, galing ako sa Bagong silang (kalapit barangay namin na tambayan ng kuya ko), Pag daan ko sa eskwelahan pag tignin ko sa tabing bahay sa bintana may nakasabit na tao, kala ko kung ano, nung tiningnan ko mabuti puta, ang panget tas’ may pakpak! Ang haba ng buhok tapos parang itim yung damit, nakatingin sakin.” Hindi daw siya nagpakita na natakot siya, kaya diretso lakad lang ang ginawa niya kahit kinabahan siya sa nakita nya. Nung nakalayo siya ay nilingon nya pa daw pero wala na sa bintana kaya nagmadali daw siya pumasok ng bahay. Paulit ulit ko naiisip yung hitsura na sinasabi nya, kala ko ay imagination ko lang lahat, ang hindi ko lang sigurado ay kung totoo nga ang sinasabi ng kuya ko.

Napagalaman ko din sa kaibigan ko yung nakatira dun sa katabing bahay na “target” nung manananggal na 4 months na buntis ang tita niya at tuwing gabi daw ay laging may naririnig sila na kumakaluskos sa bubong nila. Nakita din daw niya yung manananggal na sumilip sa Terrace nila, katulad ng sa amin, ganun din kalaki at kalawak ang bintana nila sa terrace. Ang panegt daw at ang haba ng mga kuko, tapos ang gulo daw ng buhok, hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya pero natakot ako habang kinekwento nya yun. Naikwento ko nga sa kanya yung nangyari sa akin, pero dahil mga bata pa kami noon, hindi ako masyado pinaniniwalaan ng mga tao kaya sa mga kababata ko lang ito nakwento.

Simula noon, lagi nang sinasara ng lola ko ang mga bintana pag gabi, tuwing 6PM ng gabi ay umaakyat at nagdarasal ang lola ko sa altar. Inayos din ng erpat ko ang kwarto at nilagay ang altar sa kabilang sulok ng bintana, katapat ng kama namin. Laging bukas ang mga ilaw at nakalagay sa tabi nito ang palaspas at yung isang palasapas ay nilagay nila sa bintana. Ilang taon pa ang dumaan at dumami na ang balita sa tv ang tungkol sa manananggal sightings. May isang gabi na naramdaman ko na naman siya pero tila nakakaalala siya at nawala agad. Dumaan pa ang isang taon at tuluyan ko na siya nakalimutan at hindi ko na naramdaman. Simula noon, lagi ko na siya nake-kwento sa mga kaibigan at kakilala ko tuwing magkakatakutan at napapgusapan ang “supernaturals”.

Ngayon, may anak at asawa na ko pero hinding- hindi ko pa din nakaklimutan ang nangyari. This made me believed that there are things or “beings” na mahirap ipaliwanag. May maniwala man o hindi, I know to myself na hindi guni-guni or imagination ang naramdaman ko. Minsan, we just have to open our eyes and understand that if heaven exist, then may impyerong pinanggalingan ang mga nilalang na ito.

  

Story Archive