Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Lola (True Story)

Story Rating:

Sabi nila, ang taong malapit nang mamatay, marami raw nakiki......

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


Totoong napakaraming ligaw na kaluluwa sa paligid natin, nakikisalamuha sila na para bang mga buhay na tao lang din. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o magagalit sa kakayahan kong makita sila. Basta ang alam ko, sanay na ko at sa edad kong ito, natatakot pa rin ako.


Isa kong messenger. Nagtatrabaho ako sa isang kompanya sa BGC na nagmamay-ari ng mga naglalakihang condominuim sa Makati at Pasay. Bukod sa pagkolekta ng mga cheke sa bangko, kasama rin sa trabaho ko ang pagdedeliver ng letter/notice sa mga nagmamay-ari ng condo unit na delayed na ang bayad.


Isang araw, may ihahatid akong notice sa isang condominium sa Makati. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 27th floor. May tatlong tao akong kasabay sa elevator at kanya kanya na silang pindot ng floor kung saan sila pupunta.


Unang bumukas ang pinto sa 8th floor at lumabas ang isa sa mga kasabay ko sa elevator. Nakita ko agad ang isang batang lalaki, nasa limang taong gulang, naka-sandong puti, shorts na blue at tsinelas, may dala itong plastic na bola. Tumatakbo sya na parang naglalaro, tapos ay biglang tumingin sakin. Inisip ko baka anak lang ng isa sa mga residente ng condo. Sumara ang elevator at umakyat na. 


Sunod na huminto ang elevator sa 19th floor at lumabas ang 2 pang kasabay ko. Bago sumara ang pinto nakita ko ulit ang batang lalaking may dalang bola.  Nagulat ako. Syang sya yun. Naka-puting sando, naka shorts na blue at tsinelas. Hindi ako pwedeng magkamali. At takang taka ako kung paano sya nakapunta agad sa 19th floor ganung nakita ko syang naglalaro sa 8th floor! Bago sumara ang pinto ng elevator nakita ko ang bata na huminto sa pagtakbo at tumitig lang sakin. Nang sumara ang elevator ako nalang mag-isa sa loob. Habang nagiisip ako alam ko nang kaluluwa ang batang yun, pero pilit akong nagiisip ng ibang dahilan para mawala ang takot ko. Baka may kakambal lang yung bata. O baka may kamukha. O baka naman ibang bata talaga yun at napagkamalan ko lang. Pero hindi eh. Tama ang kutob kong hindi buhay na tao ang nakita ko kanina. 


Nasa gitna ako ng pagiisip nang bumukas ang pinto ng elevator. Pilit akong tumingin lang sa sahig dahil ayokong makita yung bata. At nang maramdaman kong walang kakaibang nangyayari unti unti akong tumingala. Lumabas ako ng elevator. Tahimik ang corridor, walang tao. Walang bata. Nakahinga ako ng maluwag at naglakad na sa unit na aking pagbibigyan ng notice. Pagkatapos kong maibigay yun naglakad na ko pabalik sa elevator. Pinindot ko na ang button at nag-antay ng paparating na elevator. Nang bumukas ang pinto lumakad ako papunta dun para sumakay, pero bigla akong napatigil sa nakita ko!


Walang laman yung elevator. Walang tao. Pero andun sa loob yung batang may hawak ng bola na kanina ko pa nakikita! Nakatayo sya sa gitna, hawak nya yung plastic na bola sa isang kamay, walang reaksyon ang mukha nya at nakatitig lang sakin. Hindi ako makagalaw sa gulat ko! Natatakot ako! Kumakabog ang dibdib ko! Oo bata lang sya, pero multo sya!  Dahan-dahan ako napaatras habang nakatitig lang din sa kanya. At hindi ko inasahan ang mga sunod na nangyari.


Ngumiti yung bata. Ngiti ng batang masaya. Maya-maya bigla syang tumakbo papunta sakin! Naka-spread ang dalawang braso nya para bang yayakapin nya ko! Napapikit ako nung malapit na sya sakin, pinigilan ko pang mapasigaw kasi nakakahiya baka may makarinig. Pumikit ako. Pero ilang segundo na nakalipas wala kong naramdamang batang yumakap. Dahan dahan ako dumilat, walang bata. Inikot ko ng tingin ang paligid ng floor, walang tao, ako lang mag-isa. Yung pinto ng elevator bukas pa rin at tumakbo ko papasok don saka ko paulit ulit na pinindot yung close button.


Lumipas ang ilang linggo,  bumalik ako sa condo na yun para ulit magdala ng notice. Bago ako umakyat nakipagkwentuhan ako saglit sa guard. Hindi ko agad tinanong sa kanya yung tungkol sa bata, baka sabihin nya weirdo ako. Hinayaan ko syang madala sa pagkekwento at hindi nga ako nagkamali, hindi lang sakin nagpapakita ang batang multo.


Ang kwento ng guard, Toto ang pangalan nung bata. Anak sya ng isang labandera sa condominuim. Masayahin daw at magalang kahit hindi nag-aaral ang bata. Kilala sya ng mga empleyado ng condominium. Palagi daw kasama ng labandera ang bunso nyang anak na si Toto dahil walang maiiwan sa bata na taga-bantay. Lagi lang daw may dalang bola si Toto at patakbo takbo lang habang naglalaba ang nanay nya sa mga unit. Hanggang sa isang araw, nagulat sila nang may masagasaan daw na bata sa parking lot, si Toto. Hindi makapaniwala yung nanay nya kasi ang alam nya hindi naman pumupunta ng parking lot ang anak nya. Sinugod sa ospital si Toto pero namatay din. Ang isa sa mga unit owner na nakasagasa kay Toto ay binayaran nalang daw ang lahat ng naging gastusin, pero wala nang kasong naisampa. Huminto na sa paglalaba sa condo ang nanay ni Toto. Taon na daw ang lumipas mula nung mamatay si Toto bago unti-unting nang nagtanong ang ibang residente tungkol sa batang naglalaro ng bola sa bawat floor. Sabi ng guard hinahayaan lang nila si Toto, na siguro ay hindi pa rin alam na sya ay patay na kaya patuloy pa rin syang naglalaro sa building.


  

Story Archive