Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

At The Kids' Camp

Story Rating:

This story happened last Friday (May 31, 2019) to my mother ......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

mauulan pa rin at malamig pa rin ang month n yun. 3rd week n......

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay, bukod pa doon ay may kakaiba na rin akong nakikita. Hindi na bago sa akin ang mga supernatural happenings kumbaga, ang kwentong ito ay isa sa mga naranasan ko.


Isa akong aktibong miyembro ng isang youth organization sa church namin, at tuwing mahal na araw ay napakarami naming kaabang abang na activities. May mga prusisyon, vigil mass, candle selling, at higit sa lahat ang kubol at kalbaryo. Isa ang kubol at kalbaryo sa pinaka pinaghahandaan namin tuwing mahal na araw, nagpapaligsahan kami sa paggawa ng mga life sized na representation ng station of the cross.


Huwebes santo, alas-2 ng madaling araw, tapos na ang programa para sa kubol at kalbaryo, ibig sabihin ay kailangan na naming magligpit at maghanda para sa prusisyon kinabukasan. Madami na ang nakapagsabi sa akin na may mga nagpaparamdam nga daw sa basement ng simbahan, at dahil alam kong hindi sila nagsisinungaling ay iniiwasan kong bumaba sa basement. 


"Mga tropa, bahala na kayong magbaba ng mga gamit, kahit ako na lang mag isa ang magligpit dito sa taas ..  alam niyo na ..."


Ako mismo ang nagsabi sa mga kasamahan ko na ako na lang ang magliligpit sa taas at sila na ang bahalang maghakot ng mga gamit papunta sa basement, alam ng mga kasamahan ko sa church ang mga bagay na nakikita at nararamdaman ko kaya hinayaan lang nila ako. Habang tumutulong ako sa pag didistrongka ng mga kagamitan at ng kung anu ano sa itaas, ay may narinig akong tinig.


"Manny! Halika tulungan mo ko ... "


Naku po! sa loob loob ko. Boses pa lang niya ay kilala ko na kung sino ang tumawag sakin. Siya ay ang aming parish priest.


"Tulungan mo akong dalhin lahat ng mga kurtina sa basement."


Wala akong nagawa kundi sumunod, pari yun eh .. hindi naman ako pwedeng basta tumanggi lang kasi natatakot akong bumaba. Sinamahan ko siya pababa ng basement bitbit ang malalaking kurtina na ginamit naming pantakip sa dingding mga mga istasyong itinayo namin.


Walang katao tao sa basement pagdating namin, lahat sila ay nasa itaas na. Nag umpisa na kaming magtiklop ng malalaking kurtina Habang tinitiklop ko ang unang telang bitbit ko, ay nangyari nga ang kinatatakutan ko.


"Tapusin mo nang tiklupin lahat ng yan at kailangan kong siguruhin na maayos sa itaas."


Hindi ko masabing huwag niya akong iwan, hindi ko masabing ako na lang ang magmamando sa mga tao sa taas. Hindi ko talaga mawari, kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin nang unti unti niya akong iwan, nakatanaw ako sa kanya habang pa akyat siya ng hagdanan.


Malaki ang basement ng aming simbahan, sa kaliwang bahagi nito ay ang hagdan pababa ng basement, sa ibaba ng hagdan pagharap mo sa kaliwa ay ang pintuan ng conference room na mabubuksan mo pag itinulak mo paloob, sa kabilang sulo ng conference room ay ang kabilang pintuan, double door na mabubuksan mo pag itinulak mo palabas. Bukas ang lahat ng ilaw sa basement, nakatayo ako sa labas ng conference room, tatlong dipa ang layo ko sa double door, pumuwesto akong nakarap sa double door, tanaw ako ang bukas na pintuan sa kabilang dulo ng silid na kita ang huling baitang ng hagdan. Patuloy akong nagtupi, sinasabi ko sa sarili ko na walang masamang mangyayari. 


Natapos ko ang unang kurtina. Habang tinutupi ko ang pangalawang kurtina ay nagsimula nang tumayo ang mga balahibo ko, nararamdaman kong mayroong nanonood sa akin mula sa likod. Nasa likuran ako ang saradong clinic ng simbahan, may grills na gate, may malaking kandado at may kurtinang hindi mo makikita ang loob. Madaming nagsasabi na marami na ang namatay sa clinic na yun, tumindi ang nararamdaman ko, tila may mainit na hiningang dumampi sa aking batok sabay nang nakakatakot na ungol. Hindi ako makagalaw, nakatingin ako sa pinto, nakatanaw sa dulo ng hagdanan pero hindi ko maihakbang ang paa ko, ang lamig na ng buong katawan ko, hindi na ako makapagtupi. Pinipilit kong gumalaw pero hindi ko na maigalaw kahit ang mga kamay ko, lalong lumakas ang ungol galing sa likuran, ilang sandali pa ay tumutunog ang gate ng clinic, na parang may nagpupumilit na buksan ang nakakandadong pintuan. Hindi ko alam kung anong meron sa akin, ang tanging naigagalaw ko lang ay ang aking ulo, hindi ko alam kung matapang ba ako or what pero nilingon ko ang clinic nang marinig ko ang pagtunog ng gate, gumagalaw ang mga kurtina mula sa loob, wala akong makitang kung ano, basta gumagalw ang kurtina at kumakalampag ang gate dahil sa pagpupumilit na pagbubukas. Umiiyak nako sa takot, walang boses na lumalabas sa bibig ko, lumingon akong muli sa hagdan, dinadasal kong magkaroon ako ng kasama.


Tumagal nang halos limang minuto ang tagpo na yun, nakagalaw lang ako nang may nakita na akong taong bumababa ng hagdan, Tumakbo ako paakyat ng simabahan, umiiyak.


Isang unforgettable na Huwebes santo. Pagdating sa taas hindi nila alam kung tatawanan nila ako o kaaawaan. 


Ikaw? anong kaganapan mo kapag mahal na araw? ako? madami pang naganap, taon taon ko na ngang inaabangan. ikukwento ko sayo yung iba pag nagka oras ako. 


PS: ikaw, huwag kang lilingon sa pinto. nakatalikod ka pa naman sa bintana.


  

Story Archive