Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

lola (true story)

Story Rating:

...

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story


Bahay ni Inang


Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Hi guys, share ko lang experience namin sa bahay ng lola ko sa San Nicolas, Pangasinan. 


Ang bahay dun ay may 2nd floor. Sala, kusina at kainan sa ibaba or ground floor, habang ang 2nd floor nman ay maluwag na bakante at doon kami naglalatag ng banig na kakasya kahit 12 pa kami sa taas. Ang mga bintana sa taas ay sliding window na may mga capiz na shell pa ang dating. Old style talaga ang bahay na yun pero concrete naman ang mga walls sa ground floor.


Nung buhay pa ang lolo't lola ko, dumadalaw kami lagi sa bahay na yun tuwing Marso, Fiesta dun at may competition ng "Combo" or banda na ang tinutugtog ay pang Ballroom dancing na ginaganap sa Plaza. Almost 1 km ang layo nito mula sa bahay namin na nilalakad lang naming magpipinsan tuwing gabi.


Masaya sa plaza dahil may mga tiangge at rides tulad ng ferry's wheel at marami pang iba. Minsan naman ay may mga artistang pumupunta dun as guests galing Maynila kaya naman maraming tao at doon nagpapalipas ng oras ang mga parent's ko at mga tito at tita ko.


Nagsisimula ang competition ng banda pagsapit ng gabi. Mula 9pm until 5am maririnig mo pa rin ang live bands mula sa plaza kahit nasa bahay ka lang at kahit 1km ang layo nito.


Minsan nagpaiwan ang kuya ko na driver ng sasakyan namin. Gusto na lang daw niya magpahinga dahil pagod siya sa byahe. Nasa 2nd floor siya at naghahanda ng matulog. Naglilinis siya ng mukha nya habang nakaharap sa salamin ng cabinet gamit ang facial cleanser ng may maamoy siyang mabaho. Amoy bumbay daw, natalo pa nito ang amoy ng facial cleanser na nasa bulak na pinapahid nya sa mukha niya. Pakiramdam daw nya ay parang may katabi siya habang nakaharap sa salamin  na para bang nanonood sa kanya dahil sa lakas ng amoy nito.


Hindi nlang daw niya to pinansin at natulog nlang, kinuwento nlang niya to sa amin pagbalik namin ng mga 2am na galing ng plaza.


Sabi ng lola ko, naamoy daw nya yung "Bungkalo" or Kapre.


Kinabahan na kaming magpipinsan pero dinaan nlang namin sa biruan.


Isang gabi, nasa CR ang mother ko, maliit na bumbilya lang ang ilaw sa CR na dilaw ang meron dun, ng may mapansin siyang may nakasilip daw sa kanya mula sa bintanang sing laki ng isang hollow block ang opening na nahaharangan lang ng grills na bakal.


"May tao! May tao!!" sigaw nya sa father ko.


"Ha? Nasaan?" tanong naman niya.


"Nasa labas!" sagot naman ng mother ko.


Takbong lumabas ang father ko dala ang itak papunta sa kabilang bakod ng CR pero wala siyang nakitang tao. Nagtaka siyang bumalik at tinanong niya ang mother ko kung ano itsura.


Malaki daw ang mukha niya na sakop ang buong bintana, pula daw ang mga mata at maitim ang mukha na parang puno ng balahibo.


Nagkagulo kami nun dahil sa lakas ng usapan nila. Nasa taas lang kami at nagkkwentuhan nung mga oras na yun at halos lahat kami bumaba dahil sa nangyari. Saka na namin narealize na hindi pala tao ang sumisilip sa kanya.


Minsan pumunta kami sa bahay na yun kasama ang driver ng jeep ng tita ko. Gabi na ng nakarating kami dun at nagpapahinga sa terrace ng maisipang umihi ng driver sa gilid ng jeep na nakaparada sa tapat ng terrace. Tanging ilaw lang mula sa terrace ang meron kaya't medyo madilim kung saan nakaparada ang jeep, hindi sementado ang garahe na tapat ng bahay at may mga puno puno lang sa paligid.


Nasa kalagitnaan siya ng pag-ihi nun nang biglang patakbo siyang bumalik sa amin.


"May tao! Put**ina!", habang nakatakip dalawang kamay nya sa pants niya na hindi pa ata nasasara ang zipper.


Mabilis na nagreact ang tito ko na may dalang itak sa beywang niya at nilabas niya ito pati na ang flashlight. Inisip na baka may magnanakaw.


Hinanap nya sa paligid at tinanaw namin mula sa terrace pero wala. Inikot ng tito ko buong sasakyan pero walang tao.


Tinanong namin yung driver kung ano itsura at sabi niya, mababa daw na papalapit sa kanya. Hindi nya maexplain dahil sa takot.


Nung napakalma na, nalaman namin na nakasquat daw ito, malapad, lumalapit sa kanya na nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang binti nito na ang tuhod ay halos kapantay na ang ulo. Ulo na kasing laki daw ng tennis racket. Napansin niya dahil nahawi nito ang halaman na nasa gilid ng sasakyan. Pero dahil sa laki nito kaya siya nagulat at tumakbo.


Hindi namin alam kung matatawa kami sa experience or matatakot dahil sa naudlot ang pag ihi niya dahil dun. Hindi na lumabas ng bahay ang driver nila tita at sa loob na lang siya natulog instead na sa jeep sana.


Ngayong patay na ang lolo't lola ko, wala nang nakatira sa bahay na yon. Sira-sira na ang 2nd floor na kahoy lang at napuno na ng ligaw na halaman ang buong paligid ng bahay. 


Sana makadalaw kami minsan dun ulet sa susunod na fiesta para maasikaso yung bahay. Kung pupunta kami, sasama ka ba?


 


  

Story Archive