Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story


Bahay ni Bessie


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Minsan ang mga kaluluwang ligaw ay na-iiwan sa lugar kung saan sila huling namuhay, hindi na sila umaalis marahil naghahanap sila ng hustisya sa nangyari sa kanila o kaya ay hindi nila alam na kaluluwa na lang sila. Pero may pagkakataon din na tila hindi lang basta basta kaluluwa ang namamahay o gumagala-gala sa isang lugar, maaring masasamang elemento na may galit at sama ng loob at kung ano man. Gusto ko lamang ibahagi ang isang karanasan ko sa mga ligaw na kaluluwa o kung ano mang elemento na tila nagpahiwatig samin marahil kami ay mga dayo at galing sa ibang lugar.

Nangyari ito mga 10 taon na nakakaraan, pumunta kami sa isang birthday celebration ng isa sa mga ka-officemate namin ng bestfriend ko, si Bessie. Sabado ng hapon ng pumunta kami ni Mike (bestfriend ko) sa bahay nila Bessie, may kalayuan sa amin ang bahay nila Bessie, mga halos 20 – 30 minutes ang biyahe sakay ng jeep tapos onting lakad papasok sa isang maliit na kalye, halos nasa dulo yung compound na inu-upahan nilang apartment.
Pag dating namin dun ay marami nang bisita, pero halos mga kaibigan at mga malapit na kamag-anak ang naroon. Malaki ang compound na tinitirikan ng bahay nila Bessie, kapag pasok mo sa gate ay yung bahay agad ang mapapansin mo dahil sa bandang dulo ito naka pwesto. Pwede magkasaya halos limang kotse ang pwede mag-park sa laki ng espasyo pagpasok mo ng gate, maluwag at maaliwalas. Ang bahay naman nila Bessie ay Pahaba, yung tipikal na parang “Haunted house” na tila may mukha yung bahay. Hindi ko na masyado matandaan kung ilang malaking bintana meron yung bahay pero ang una ko napansansin ay tila nakatingin sa iyo ang bahay pag pasok namin ng gate. Sarado ang mga ilaw sa loob ng bahay nila Bessie dahil walang tao, lahat ay nasal abas at nagsasaya, yung mga parents naman niya ay wala sa Manila. Pumapasok lang siya ng bahay pag may kukunin na gamit or kukunin yung ibang handa, bukod dun ay nakasara lang ang bahay at walang ibang nakakapasok dahil si Bessie lang ang may susi.

Pagkatapos kumain ay dumirecho kami sa mga kaibigan ni Bessie na nakapwesto at nagiinuman na, hindi nagtagal ay nakasundo na namin at maluwag na kaming nakapag-kwentuhan. Dito ay napagusapan na ang mga karanasan nila sa lugar. May mga nagsasabing may nagpapakitang mga kaluluwa na nakaputi (White lady), meron naman daw na may naglalakad na walang ulo at may bata na umiiyak sa loob ng kwarto nila Bessie kwento ng isa sa mga malapit na pinsan nila.
Nung una ay hindi namin masyado sine-seryoso ni Mike dahil kami mismo ay sanay na sa mga ganitong mga kwento, may mga ilan ilang karanasan na din kami sa mga di maipaliwanag na mga bagay. Hanggang sa nagyaya si Mike na mag- CR. “Bes, pa wee-wee nga, kanina pa to eh.’’ Sabi ni Mike. “Ako din, Mike. Sabay na ko.” Pahabol ko naman. “Wait lang, sarado yung CR sa kabilang bahay eh, dito na lang samin, tara. » Sagot ni Bessie. Tumayo kami ni Mike at sumabay na din yung isang pinsan niya si Len dahil natatkot mag CR mag isa dahil nga sa kwentuhan namin. Lumakad kami pasunod kay Bessie papunta sa bahay nila. Si Bessie, Mike, Ako at Len ang pagkakasunod sunod namin.
Binukasan ni Bessie yung ilaw sa labas, sabay pihit ng susi sa pinto. Lahat kami ay kalmado at hindi pa lasing dahil hindi pa ganun karami ang naiinom namin. Si Len naman ay matino dahil hindi naman siya umiinom masyado. Pag bukas ng pinto ay makikita mo na agad ang mataas at lumang hagdanan nila Bessie na pa Zig-zag ang disenyo patungo sa taas, medyo matarik at maluluwang ang pagitan ng mga kahoy.

Kaya ganun na lang ang gulat namin pagbukas ng pinto ng makita ni Bessie, Mike at ako na may kung anong naka-pwesto sa bandang itaas ng hagdanan na para bang nakadungaw sa pagitan ng mga kahoy at biglang mabilis na humakbang paakyat at biglang nawala!

Lumingon agad si Bessie sa amin at kita sa mukha niya ang pagkagulat sa nangyari, si Mike naman ay humabol pa ng tingin at lumapit sa hagdanan at sinilip mula sa baba ang itaas ng hagdan. Si Len na walang nakita pero tila alam niya na may kakaiba kaming nakita ay bigla na lang tumakbo kaya napa-takbo na din kami agad pabalik sa pwesto ng nag-iinuman.

“Shit! Ano yun?” pa-takot na tanong ni Len sa amin. ‘’Ewan ko parang bata pero imposible ang laki ng hakbang eh!’’ Paliwanang ni Mike sa nakita. ‘’Huy, ano yun, magisa lang ako mamaya dito sa bahay, pano yan ?’’, kaya agad agad sinabi ni Bessie sa pinsan nya na lalake at inutusan nya tingnan sa itaas kung ano yun. Pero napaka imposible na may tao sa bahay dahil nag-iisa lang si Bessie at naka lock ang pinto, dagdag pa ni Bessie ay walang ibang bata sa bahay nila. Kahit ihing-ihi na si Mike ay tiniis na lang nya ito at si Len naman ay umuwi na lang sa kanila dahil malapit lang naman ang bahay nila.

Tinanong agad namin yung pinsan niya kung may nakita siya pero walang tao at sarado lahat ng pinto ng mga kwarto sa taas ng bahay. Hinding hindi ko maalis sa isip yung eksaktong pagkilos nung nilalang na yun dahil kaka-iba siya at napaka-bilis. Sa loob ng 2 segundo ay nakita namin siya na nakaupo sa hagdanan at biglang kilos paakyat ng halos 3 o 4 na baitang ang hakbang. Hindi kayang gawin ng isang 5 or 6 na taon na bata ang kumilos ng ganun kabilis. Hindi ko nakita ang mukha pero sa naalala ko ay para siyang nakasando na puti at parang green na basketball shorts na maikli. Dahil sa takot namin, dun na lang kami sa tabi ng kanal nag CR malapit sa gate at yung mga babae ay sa bahay ng pinsan ni Bessie.
Lumipas ang gabi at hindi na nawala ang takutan, medyo nakainom na kami at lumalalim na ang gabi. dumating na ang mga Tito at tita ni Bessie kaya may mga tao na sa loob ng bahay nila, iilan na lamang kaming natitirang umiinom. Hindi nasabi ni Bessie o hindi lang talaga niya alam na mayroon ganito dahil ngayon lang din niya ito nakita. Sarado na yung ibang kapitbahay nila kaya napilitan kami na mag CR sa bahay nila Bessie. This time, hindi na kami natakot pumasok dahil marami nang tao at nandun ang mga tito at ibang kamag anak ni Bessie na nagiinuman sa sala. Malawak ang loob ng bahay, halatang inayos na lang ang bahay dahil may mga parte yung kisame na sira sira marahil sa ulan at mga anay. Kung hindi ako nagkakamali, napapag-gitnaan ng malaking Sala at kusina ang hagdanan nila Bessie. Tila naka titig lang kami sa hagdanan na baka meron lumabas at may makita kami na kung ano habang dumadaan patungo sa kusina. Unang beses palang namin nakapasok sa bahay nila Bessie at dito lang namin nakita na malaki din pala ang likod bahay nila dahil tila may maliit na ilog na daanan ng tubig. Lumabas kami sa likod bahay at dun na lang kami nagpasya umihi ni Mike dahil pinauna na namin si Len gumamit ng CR.

Dito ko nakita ang dapat hindi ko na sana nakita. Si Mike ay medyo malapit lang sa pintuan ng likod bahay umihi dahil ayaw lumayo at madilim habang si Bessie ay nakatayo at nagaantay sa may pintuan, ako naman ay medyo lumayo dahil nahihiya ako kay Bessie. Nagbibiruan pa sila ni Mike na “Ano ba yan Mike, wala ako makita! Ang liit naman!” Pabirong sabi ni Bessie, habang tumatawa lang si Mike at nakatingin sakin.

Habang nakatayo ako at umiihi ay napa-tingin ako sa di kalayuan, sa kabilang panig ng ilog napansin ko na may tao na naglalakad pa-layo sa amin. Nung una ay hindi ko masyado pinansin dahil iniisip ko na baka may mga tao na nakatira sa kabilang panig ng ilog at baka napadaan lang sa gawing iyon.
Pero nang ito ay tignan ko muli ay lumalakad na palapit sa amin, hindi ko na inalis ang mga mata ko dahil napansin ko na dahan-dahan siyang kumikilos pero tila hindi lumalakad ang mga paa at parang hindi nakasayad sa lupa. Nanlamig ako sa takot.
Nagmadali ako isara ang zipper ng short pants ko nang makita ko na WALANG ULO yung naglalakad papalapit sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko at tila nanlamig ang pawis ko, parang biglang nawala ang tama ng beer na iniinom namin at hindi na ako mapakali.

Naka-puti na parang barong ang suot niya, hindi ko masabi kung brown or black ang pantalon na suot, pero nakikita ko na dahan dahan at derecho ang lakad palapit, sa puntong iyon ay tumalikod na ako at nagmamadaling lumakad pabalik sa pintuan. Napansin ito ni Mike, “Ang dilim dito sa likod niyo Bes ah, madami sigurong Moo-Moo dito.” Biro ni Mike. “Ewan ko, di ako pumupunta dito sa likod pag gabi, ang dilim dito eh.” balik ni Bessie. Sumagot agad ako nung nakalapit ako sa pinto “Oo, ayun nga, dun oh may pugot na ulo naglalakad.” Tumingin si Mike sa direksyon na tinuro ko at napamura. “Pucha! Tara na, nakakatakot dito!” Napatakbo si Bessie sa kusina sa takot at halos maiyak na, habang kami ni Mike ay tila nagpipigil magpakita ng takot.

Nagulat ang mga tito at tita ni Bessie kaya napatingin sa amin, dun nga sinabi ni Bessie ang nangyari at sinabihan kami na wag na pumunta sa likod dahil mga bisita kami at baka hindi kami kilala ng mga ligaw na kaluluwa. Bumalik kami sa labas at hindi na natapos ang kwentuhan tungkol dito. Inabot na kami ng umaga sa pag uwi ni Mike at tuluyan nang nakalimutan ang mga nangyari. Pinalala na lang sa akin ni Mike at Bessie pag balik namin sa opisina pag dating ng lunes. Simula noon ay hindi na kami bumalik kila Bessie, tuwing magkakaroon ng parties or any celebration ay hindi na ginagawa kila Bessie kung di sa bahay ng mga tita or pinsan niya sa Paranaque.

Lumipas na ang mahigit sampung taon at may pamilya na si Bessie at sa ibang lugar na siya nakatira pero isa ito sa mga pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan lalo na’t ako mismo ang saksi. Marahil nga, kahit saan tayo magpunta ay mayroon tayo makakasalamuha na ibat ibang tao at mga nilalang na hindi matahimik at nananatili pa din sa lupa.

  

Story Archive