Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Nangyari ang story na ito nung high school ako at nagsisimulang magpatayo ng bahay ang aking tita na taga Antipolo.


Dalwang lote lang ang pagitan namin sa pinapatayong bahay ng tiyahin ko. Sa katabing lote namin sa kaliwa, may isang abandonado ng bahay na matagal ng iniwan ng may ari. Nangibang bansa na sila. Sa kanan naman ay isang bakanteng lote at puro puno ng saging lang ang makikita. Sa di naman kalayuan sa may bandang likod, ay abandonadong bahay na pagmamay ari ng isang banyaga na nakatira sa America. Mayroon din maliit na chapel sa loob nito na may mga rebulto. Sa totoo lang, ang ichura ng mga rebulto, imbis na lapitan mo sila, matatakot ka lang. Di ko alam kung ako lang ba ang nakakaisip ng bagay na yun pero parang mayroon na silang buhay at anumang oras kukunin ka nila.


Balik tayo sa bahay ng tiyahin ko. Nung buhay pa ang Daddy ko, sya ang tumatayong Engineer at namamahala sa mga gawain ng tao. Since magkapatid naman sila ni Tita, tulong nalang ang turing ni Daddy dito at hindi naman sya tumatanggap ng anumang kabayaran. Katuwang ni Dad si Tito na kanila namang bunsong kapatid. Architech sya at sya naman ang namamahala sa mga disenyo na gustong ipagawa ng Tita ko.


Nung unang mga beses na daan ko, wala namang bago sa bahay na pinapatayo. Isang normal na construction lang ba. Twing Sabado at Linggo lang umuuwi ang mga trabahador sa kanilang bahay kaya twing Lunes hanggang Biyernes, alam kong may tao sa loob.


Minsan akong nauwe ng gabi galing school. Kagagaling ko lang din kase sa practice ng CAT para sa nalalapit naming Fancy Drill Competition. Tantya ko nasa mag aalas syete na ng gabi ng makauwe ako. Nilalakad ko lang mula highway hanggang paloob ng subdivision namin sapagkat malapit lang naman. Madaanan ko ang madaming madilim na lugar kasama na din dito ang maliit na chapel na nabanggit ko kanina. Akmang pagliko ko sa kanto malapit sa bahay, napahinto ako sa tapat ng ginagawang bahay ng tita ko. Nakadinig kase ako ng pagbagsak ng mga kahoy. Tunog ng nagaayos sa loob. Walang ilaw sa loob kaya naman nagtaka ako. Naisip kong pumasok at silipin kung sino ang nasa loob. Di naman sumagi sa isip ko ang matakot dahil nangibabaw ang tapang kong baka may magnanakaw sa loob at ninanankaw ang mga gamit na para sa pagpapagawa ng bahay.


"Sinong nariyan sa loob?" tanong ko.


Patuloy lang ang paglagapak ng mga kahoy sa loob. Sa bandang likod ko nadidinig ang maingay na tunog. Dali dali naman akong nagpunta sa likod.


"Sinong nariyan?" Ulit kong tanong pero wala namang sumagot. 


Naisip kong baka mamaya mga pusa lang na pagala gala ang nadidinig ko. Palabas na sana ako ng madinig ko ang yabang ng isang tao pataas ng hagdan. Sigurado ako sa pagkakataong yun na tao ang umakyat at hindi nalang basta isang pusa o aso na pagala gala. Agad ko namang sinilip ang hagdan. Open pa ang taas nakakaaninag pa naman ng liwanag dala ng buwan pero wala namang tao. Dito na ako nagisip na baka pinaglalaruan nanaman ako ng kung anong elemento ng espirito. Hindi na ako nagalinlangan pa na lumabas sa takot kong baka kung ano nanaman ang makita ko.


Malapit na ako sa pintuan ng makadinig ako ng sitsit at batang humahagikgik. Hindi ko nilingon sa takot na baka kung ano ang makita ko. Agad nalang akong nagmadali lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko, dahan dahan akong lumingon sa taas ng ginagawang bahay. Dito'y di ko inaasahan ang mga nakita ko, isang babaeng nakasuot ng itim na daster at may bata babae itong kasama. Maikli ang buhok ng bata. Di ko man maaninag ang mukha nila pero nakayuko ang ulo nito sa direksyon ko at alam kong sakin sila nakatingin. Pailang segundo akong napahinto bago ako lumakad papunta sa bahay namin.


Pagpasok ko ng bahay agad akong nagmano sa Mommy at Daddy ko. Kinuwento ko sa kanila ang aking nakita sa kabilang bahay. Nung una'y di sila naniniwala sa akin at ang sabi nila'y gutom at pagod lang daw ako kaya kung ano ano ang nakikita ko. "Halika na't sumabay ka ng kumain sa amin." 


Di ko inaasaahan ang  mga sumunod kong nadinig sa mga trabahador na sya ding nasa bahay namin para maghapunan. Nagsalita ang isa sa kanila, "Oo Kuya. Totoong may nagpaparamdam dyan sa ginagawang bahay. Ako man ay pinagparamdaman na din ng bata. Makulit ang batang babae dyan."


"Aba! Akala ko'y ako lang ang nakakaramdam sa kanila. Sa totoo lang, ayaw ko lang sabihin sa inyo na may kasama syang babae na matanda. Nakadaster ito ng itim. Isang gabi nung umiihi ako nakita ko silang paakyat ng hagdan. Mag ina ata sila." dagdag pa ng isang trabahador.


 


Dun napatunayan nila Mommy at Daddy na nagsasabi ako ng totoo. Dumaan ang ilang buwan at natapos na ang bahay ni Tita. Pinahouse blessing na din ito para mawala na ang masasamang elemento na nagpapakita at naninirahan sa bahay. Yun ang akala namin. Ang akala ko.


Sa susunod ikukuwento ko sa inyo ang naranasan namin ng mga kakalase ko, kaklase ng mga ate ko at mismong naranasan ng ate ko sa loob ng bahay nila Tita. Sana'y wag kayong magsawang magbasa ng mga naranasan ko tungkol sa mga multo.


  

Story Archive